Kabanata 04

1K 37 17
                                    

KABANATA 04

"Nasaan na nagpunta 'yon?" mahinang bulong ko pagkaraan lamang ng ilang segundo. Matapos ko kaseng pakalmahin ang sarili ko sa powder room. Bumalik ako sa lugar kung saan ko siya nakasalubong. But with my dismay, wala na siya roon. Although sinubukan ko siyang hanapin pero tanging likuran na lang niya ang nahagip ng mga mata ko.

Sa pagkatarantang 'di ko na siya maabutan pa ay tumakbo na ako. Ngunit laking gulat ko nalamang nang lumiko siya papuntang El Grande Paraiso. Malalaki ang hakbang na sinundan ko siya pero sa dami ng tao sa oras na ito ay nawala na siya nang tuluyan sa paningin ko hanggang sa 'di ko na makita pa maski ang bulto niya.

Huminto ako sa isang side kung saan siya saktong nawala. At napansin kong vice versa ang mga surfing wall na nakatayo rito. May taas na sa tingin ko ay aabot ng dalawang tao at may haba na kasing lapad ng isang kanto. Mukhang sinadya ito para lakaran at pasukin. Kumbaga kase ay nagkaroon ng tatlong daanan ang gilidan ng resort. At first I thought it was just a simple barricade, and just all-around structures. But I guess, I'm kind of mistaken. Because in the middle of each surfing wall, the lovely painting are perfectly illustrated.

Larawan ito ng crystal clear na dagat na napapalibutan ng nagkasiyahang tao. May buwan sa itaas, may naglalaro ng apoy sa ibaba at may surfing na nagaganap sa ibabaw ng malaking alon. Bagaman simple lang ang mensahe ng painting ay ang lakas naman ng dating nito sa akin.

Hindi ko tuloy mapigilang haplusin ang nag-iisang tekstong nakapinta sa pinakagitna.

"Zale, the Power Of The Sea." pagbigkas ko pa sa mababang tinig. Ibinaba ko ang kamay ko at saka wala sa sariling napaatras sa pangalang iyon habang kunot pa rin ang noo.

"Sino ba 'yang Zale na 'yan? Is he the king of surfers?" nahihiwagaang tanong ko. If I can still remember, Zale is also the name that the girls earlier keep ogling to. Is there any chance that they are same person?

Napatingin ako sa karagatan nang marinig ang pag-alon dito. Hindi ko man kilala 'yung Zale na tinutukoy nila pero mukhang mas bagay yatang maging surfer 'yung lalaking nakita ko sa bar. With his slender and toned body build, like the statues of Apollo. His physique is lean and athletic, giving off an air of elegance and grace while standing on top of the surfboard. Sobrang gwapo pa rin kahit kaharap na ang hagupit ng alon.

"Agleya..?"  Napaigtad ako at napaharap muli sa surf wall nang bumungad bigla mula sa likuran ko si Markus. Nakasuot siya ng nardstrom shirt, at Levi's jeans na pinaresan ng DSW shoes. Inangat ko ang tingin ko sa mukha niya. Ang ganda rin talaga ng asul niyang mga mata.

"M-Markus? Paano ka napunta sa likuran ko?" gulat na tanong ko. Walang espasyo sa surf wall kanina! At kung sakali mang nanggaling siya sa gilid ko ay imposibleng halos hindi ko siya naramdaman.

"What about you, Agleya?" Inayos niya ang dumapong bigla sa ekspresyon niya. Ngumiti siya sa akin. "What are you doing here?"

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Seriously, Markus Salcedo?" Hindi manlang ba niya sasagutin ang tanong ko?

"Yes, Mrs. Salcedo?"

Bumagsak lalo ang reaksyon ko sa narinig at nilayasan nalamang siya.

Bakit ko nga ba aasahang sasagot pa ang walangya'ng lalaking 'yon ng maayos? Because definitely, if i am a crazy bitch, he is a psycho asshole.

Fire Of The Burning Sands [Isla de Provincia Series] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon