Kabanata 28

1.6K 31 13
                                    

KABANATA 28

"Uh, sige.. Alis na ako. Pakabusog ka Zarleus." salita ko muna bago umalis na nga sa counter gaya ng sabi niya.

Ngumiti naman siya sa akin. "Mag-iingat ka."

I gave him a thumbs-up in response saka ako kumaliwa para magtungo na sa isa pang elevator niya rito sa underwater penthouse. Pangalawa itong passage pataas naman sa mismong resort kung saan minsan ko na ring namataang bumaba si Markus.

The scenario where Markus suddenly appeared behind me without my knowledge. Nakatingin kase ako sa nakakurbang pangalan ni Zarleus. 'Yung 'the power of the sea' doon sa surboard wall. Kaya siguro hindi ko talaga naramdaman ang presensiya niya.

Dahilan pa nga niya'y naging abala lang ako kaya 'di ko siya napansin which is not true naman pala dahil talagang may pasadyang passage doon sa surfboard wall.

"Hanggang ngayon ay talagang maloko pa rin talaga ang lalaking 'yon.." I can't help but commented, at akmang tatawagan si Markus dahil magkikita kami ngayon nang wala akong makapa sa pouch na hawak ko.

My forehead furrowed.

Nasaan ang cellphone ko?

Pero kahit anong kapa ko ay wala talaga akong maramdaman kaya napaatras ako sa pag-abante papasok doon sa elevator. At napabalik roon sa kung nasaan si Zarleus ngayon.

Mukhang naiwan ko sa counter kanina.

I opened my mouth to get Zarleus' attention nang matanaw ko na siya rito mula sa nilalakaran ko.

"Zarleus, 'yung cellphone ko mukhang naiwan—" hindi ko pa naitutuloy ang mga salita ko nang makitang mayka-video call siya.

Nakaharap siya roon, at kitang kita mula rito sa kinatatayuan ko ang pagiging abala niya sa kausap. Nahinto ang paghakbang ko papunta sa kanya at natigilan.

Bahagya ko ring iginalaw ang katawan ko para sumilip kung sino ang nasa camera. That's just new kase.. hindi siya mahilig makipag-vc lalo na't hindi ako.

Well, ayun ang sabi niya.

"How are you baby ko?"

"Papa Zale ko!" a boy cheered.

Zarleus chuckled. "Have you been a good boy to your mommy Neya.. 'Nak?"

"Yes po, papa.." the child replied, which was the reason for me to hear his mother's happy tenderness towards him.

Nahigit ang hininga ko. Nanlabo ang mga mata ko. At natigil ang akmang pag-alam kung sino ang kausap niya. Mukhang hindi ko na kaylangang alamin kung sino ang ka-video call niya.

"Yes, 'nak Aeus.. Tatapusin lang ni papa 'yung pagkain ko hmm? Tapos, susunduin ko na kayo ng mama Neya mo rito sa isla." Kumabog ang dibdib ko, at hindi mapigilang pakatitignan si Zarleus.

"A-Ang pagsundo ba.. kila Neya ang importante niyang lakad ngayon?" I asked in nowhere, trembling as my heart melted in painful way.

Lalong nanikip ang dibdib ko. Hindi ko na alam pa ang mararamdaman ko. Pero nang makita ko kung gaano siya kasaya ngayon habang kausap ang mag-ina niya sa cellphone—ay isa lang ang alam ko..

N-Nasasaktan ako.

Nag-aalab sa sakit ang puso ko, at nag-iinit ang mga mata ko sa hindi katanggap-tanggap na paraan.

Mabigat ang loob na tumalikod nalamang ako kay Zarleus, tulala pa rin sa nangyayare at katotoohanan. Hindi ko nga alam kung papaano pa ako nakarating sa harapan ng unit ni Markus dito sa hotel.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fire Of The Burning Sands [Isla de Provincia Series] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon