Kabanata 05

1K 33 3
                                    

Good moaning, M'ciants! The kabanata 05 is now posted. I hope y'll read this one, thanks!

Happy reading! 

KABANATA 05

Nang gabing 'yon ay nakuntento ako sa simpleng sagot ni Markus.

Dahil bukod sa nakita ko kung papaano bigla manlamig ang asul niyang mga mata habang nakaharap sa akin ay ramdam ko kung gaano siya nasasaktan sa kanyang nakaraan.

At nakakasigurado ako na kapag nagtanong pa ako tungkol roon ay walang pangundangan niya akong lalayasan.

"May fire show ba dito sa isla?" tanong ko. Tumingin ako sa Isla de Provincia website. May bigla kaseng nag-blink na announcement sa notification bell.

Sumulyap sa akin si Markus. "Oo naman, tuwing 8 ng gabi."

"Araw-araw?" sunod na tanong ko habang hindi pa rin tinitigilan ng tingin 'yung mga pictures na mukhang kakakuha lang nung nakaraan.

Mga fire dancer ito na may ibat-ibang kuha ng anggulo sa kanilang pagsasayaw. Sa kanilang harapan ay ang mga taong manghang nanonood sa kanila. Pano ba naman kase, tila naglalaro lang ang apoy sa kanilang mga kamay.

"Hindi naman.. Siguro mga ikalawa o tuwing ikatlong araw." At doon ako napaangat ng tingin sa kanya.

Si Markus ay nakaupo sa nag-iisang couch dito sa cabin ko habang nanonood naman ng comedy show sa flat screen tv. May bowl pa siyang hawak na naglalaman ng ibat-ibang uri ng crackers. At sa pagkagat niya nito ay rinig na rinig ko kung gaano ito kalutong.

Napataas ang kilay ko saka nagsalita na. "Pahinga nga.."

Ginalaw ko ang kamay ko para iabot sa kanya. Ibinungad ko ang palad ko habang nakaupo pa rin sa side ng kama. Hindi naman kalayuan ang couch sa pwesto ko kaya alam kong maabot niya ang kamay ko.

Nakanguso naman niya akong binigyan. At nang makitang kakarampot lang 'yon ay inambahan ko siya, nagbabanta.

"Isa kang buraot, Agleya." tila masama ang loob na sabi nito nang dakupin ko na ang bowl dahilan para biglang kumonti ang crackers niya.

Nagkibit balikat lang ako. "Walang may pake, Markus."

Sinamaan niya ako nang tingin pero kalauna'y biglang kumunot ang noo, tila biglang may naisip.

"Bakit mo nga pala natanong?" Aniya. "Gusto mong manood tayo? Kaso kanselado ang schedule nila ngayon, baka bukas pwede na."

"Bakit raw kanselado?" Ngumunguyang tanong ko.

Sumandal siya sa couch saka humarap na sa akin. "Naaksidente 'yung main dancer nila."

"Oh?!" reaksyon ko naman.

Muli siyang nagsalita, "Oo, kawawa nga eh. Hindi niya kase nabalanse ng maayos 'yung mga apoy na nasa baso. At mukhang nakainom pa kaya talagang dumalusdos sa mga braso niya 'yung apoy."

"Kumalat mismo sa buong braso niya?" Tumango siya sa akin. Napabuntong hininga ako. "Malamang apektado pati mga kamay niya? Ilang degree daw?"

"I don't know, but that's the reason kaya wala munang fire show ngayon at baka sa susunod ding mga araw. Panigurado kaseng wala silang mahahanap na fire dancer sa madaling panahon lalo na't delikado ang trabahong 'yan." Sa sinabi niyang 'yon ay nagkaroon ng ideya ang isipan ko.

"So, they are searching for the replacement handsome boy? Ganun ba?" Hindi mapigilang salita ko at napaharap pa sa kanya.

Nagsalubong ang kilay niya pero tumango rin bilang pagtugon sa akin. Lalo namang nanabik ang sistema ko at dali daling nagtungo muli sa announcement.

Fire Of The Burning Sands [Isla de Provincia Series] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon