Kabanata 11

703 26 0
                                    

Evening M'ciants, dasalan niyo 'ko ng kasipagan HAHAHA inaatake nanaman ako ni katamaran.

KABANATA 11

Habang pinaglalaruan ang apoy na nasa kamay ko ay hindi ko mapigilang mapangisi at galingan pa. Pinaikot-ikot ko ito sa ekspertong paraan na alam kong kinamangha nila.

Pero wala sa reaksyon nila ang atensyon ko kung hindi sa pagbalanse ng apoy na hawak ko, at ang pinong pagsasayaw ko kasama nito.

Bagaman hindi pa ako ganun kagaling tulad ng sabi ni Ma'am Agatha ay tila nakukuha ko naman na. At sa nagiging resulta sa unang pagkakataong pagsayaw ko kasama ang apoy sa fire show na ginanap ngayon dito sa isla ay hindi maipagkakaila ang munting saya na umuusbong sa puso ko.

"Just wow!" ani nang emcee nang matapos kaming lahat, tumingin sa amin.

Nagawa niya pang pumalakpak na tila ba talagang namamangha habang pinagmamasdan kaming lahat. At nang dumako ang paningin niya sa akin ay malawak siyang napangiti.

"Grabe ang pasabog niyo ngayong gabi! Tinupok niyo lahat nang damdamnin ng mga provincianas.. provincianos dito sa Isal de Provincia! Maski ako, hindi ko inaasahang ganito kainit ang pagliliyab ng pagbabalik niyo." Natawa kami ni Coreen, at sumang-ayon naman ang manonood. "Again, they are the Furry Of Ignition!"

Sa muling pagbanggit niya sa grupo ay nagsiyukuan kami bilang pagtatapos.

Kanya kanyang bulungan para sa sariling komento, at sari-saring papuri ang naririnig namin sa bawat taong nadadaanan sa paglalakad.

Maski ang grupo ay tila masaya sa naging resulta. Si Coreen na nasa tabi ko ay kanina pa ako tinutukso dahil halos nasa akin daw ang tingin nang lahat.

Ngumisi ako sa kanya at pinunasan ang namumuong pawis sa sintido. "Anong magagawa ko? Magandang maganda ako, eh."

"Oo na gurl! Sumobra nga yata! Jusko ka!" Napapairap na sang-ayon niya kaya humalakhak ako inakbayan nalamang siya.

Nag-usap pa kami sa mga bagay-bagay tulad nang ginagawa namin nitong mga nakaraang linggo. Pero ni isa doon ay walang matino, at puro kalokohan. Kaya nauuwi pa rin sa pagiging sarkastiko at katuwaan ang lahat.

"Shut up gurl, 'dun na nga ako sa bebe ko." She flipped her black hair and smile seductively to her boyfriend.

Napailing ako. "Maghihiwalay din kayo!"

"Kawawang single!" aniya at lantarang hinalikan si Nate sa harapan ko.

Natawa ako nang tuluyan na silang maghalikan ngayon. Ikinawit ni Coreen ang kamay sa batok ng boyfriend at napapikit pa. Habang si Nate naman ay tila nasanay na sa girlfriend dahilan para mawalan na rin ng pakealam sa paligid.

"Tang ina.. May porn!" sigaw ko at ipinarinig sa lahat dahilan para mahinto na sila Coreen sa kababalaghang ginagawa.

Sila Ma'am Agatha at Sir Christopher na kinakausap ang team sa gilid ay napalingon sa amin. Kumunot ang noo nila at tinignan kami sa pagtatakhang paraan.

"What's happening?" Nakataas na kilay na tanong ni Ma'am Agatha dahilan para nangingising sinulyapan ko ang magjowa sa harapan ko. "Izzaa prank lang Old woman!"

"Miss Caleigh!" suway niya sa itinawag ko ngunit nagkibit balikat lamang ako.

Nag-thumbs up ako sa asawa niyang napapailing lang sa amin at nagpaalam na magbibihis na.

Marahil ay nasanay na silang lahat sa nakakalokong ugali ko kaya wala na silang masabi pa, at hinahayaan nalamang ako.

Humakbang ako papunta sa mag-jowa at malanding hinalikan sa pisnge si Coreen dahilan para mapahiyaw siya at ngusuan ako nung boyfriend niya.

Fire Of The Burning Sands [Isla de Provincia Series] Место, где живут истории. Откройте их для себя