Kabanata 18

560 22 1
                                    

Want yata ni Agleya ng parusa, ano?

KABANATA 18

"Sursha.. Sasha, ganun din 'yon!" hindi mapigilang singhal ko kay Markus kaya napangiwi siya.

"Oo nalang, Agleya." naiiling na pagsang-ayon niya at nagpatuloy na sa pagmamaneho.

Napabuntong hininga naman ako habang kunot pa rin ang noo. Tumingin ako sa labas ng sasakyan at pilit inabala ang sarili sa mga nadadaanan.

Hindi maipagkakailang inis pa rin ako sa mga nangyayare. Panay ang paglukot ng mukha ko habang iniisip kung sino 'yung babae na nasa kabilang linya kanina, at bakit parang close na close sila ni Zarleus.

Napailing ako. Marami akong gustong itanong kay Zale pagkauwi ko sa isla. Nangangati ang bibig ko para kastiguhin siya. Pero sa ngayon ay kaylangan ko munang kumalma.

"Salamat.." seryosong sabi ko kay Markus nang ihatid niya ako sa cabin.

Natawa siya habang hawak ang balikat ko. "Wala lang 'yon my sweetest!"

"Wala akong pake.." balewalang tanggi ko dahilan para mapangisi siya.

Pinakatitignan niya ako, at nang hindi pa rin magbago ang ekspresyon ko ay napakamot na siya sa batok habang bumubulong-bulong pa.

"Nalintikan na.. Mukhang lagot 'tong pinsan ko ah?"

Tumikhim ako matapos buksan ang pintuan ng cabin ko. "May sinasabi ka dyan?"

"Wala.." aniya kaya tumango naman ako. Wala na akong panahon para intindihin pa siya. Kaya nung magpaalam siya para pumunta sa headquarters nila ay walang gana akong sumang-ayon.

Pumasok ako sa cabin ko at kaagad na naupo sa kama. Nagpalit ako ng damit saka tinignan ang cellphone ko. Nakasaksak ito, at nagchacharge kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Aba't.. himalang wala siyang text ni isa?" tanong ko sa sarili at mabigat ang loob na pinatay na ang cellphone.

Mukhang wala naman yata siyang balak na alalahanin ako sa araw na ito dahil mukhang abalang abala siya sa Sasha niya.

Napakuyom ang kamao ko at maaga nalamang natulog kahit hindi iyon ang plano ko sa araw na ito.

Dumaan ang mga oras at nagising nalamang ako dahil sa pagkalam ng sikmura ko. And when my eyes found the clock ay umuwang ang bibig ko sa surpresa.

Madaling araw na, at hindi ako nakakain ng hapunan kagabi.

Pero wala roon ang atensyon ko kung hindi sa cellphone kong wala pa ring natatanggap na text o calls mula sa lalaking napanaginipan ko kanina.

Napabuntong hininga ako, at napagpasyahang matulog nalamang uli.

Bahala na siya d'yan!

Wala na akong pakealam sa kanya!

Gawin niya na lahat ng gusto niya!

"Nasaan na ba kase si Zarleus?!" naiinis na sabi ko habang suot ang itim na jacket dahil malamig ang simoy ng gabi sa oras na ito.

Himala ring nakapuyod lang ang buhok ko at walang kaayos-ayos sa sarili nang lumabas ako sa cabin ko.

Napagpasyahan ko kaseng maghanap-hanap nalamang matapos magkulong ng buong maghapon sa cabin. Dahil baka talagang may importante lang siyang ginagawa sa kung saan.

"Tang ina..?" himutok ko nang may bastos na lalaking bumangga sa likuran ko. At nang tignan ko kung sino 'yon ay tanging likuran nalamang niya ang nakita ko.

Nagsalubong ang kilay ko at pinulot nalamang ang isang bagay na nahulog nung lalaki.

"Wallet?" tila walang kamuwang-muwang na tanong ko habang nakatingin sa hawak na wallet.

Fire Of The Burning Sands [Isla de Provincia Series] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon