Kabanata 15

666 20 2
                                    

Moaning M'ciants, happy reading!

KABANATA 15

"B-Babe?!" reaksyon ni Christian sa narinig. "M-May boyfriend ka na..?" tanong niya pa.

Ibinuka ko ang bibig ko para magsalita ngunit mabilis ko ring itong itinikom. Pinagsalubong ko ang kilay habang tinitignan si boss Zale. Ano nanaman kaya ang problema ng lalaking ito?

"Agleya.." tawag ng katabi ko nang hindi ako sumagot.

Umiling ako habang kunot pa rin ang noo. "Wala akong boyfriend.."

"Oh.." tila nakahinga ng maluwag na salita niya habang ang kaharap naman namin ay pinakatitignan ako. "Then what's with him..?" dagdag ni Christian.

Napabuntong hininga ako at ngumiti sa kanya. "Asawa ko siya.."

"A-Ano?!" nanlalaking matang salita niya.

Napakagat ako sa ibabang labi at ngumisi sa kanya. "Hindi ko siya boyfriend, yes.. pero asawa ko siya."

Hindi makapaniwala ang ekspresyon niya habang tinitignan ako. At gustuhin ko mang mapahalakhak sa gulat na gulat niyang reaksyon ay hindi ko na nagawa pa.

"You heard her? I'm her asawa.. So back off, dude." Seryosong pag-eksena naman ni Zarleus kaya palihim na akong napangiti.

"Agleya nagbibiro ka lang hindi ba—" hindi ko na narinig pa ang mga salita ni Christian dahil hinawakan na ako sa braso ni boss Zale.

Marahan niya akong hinila paalis sa lalaki, tila ba nilalayo na ako. Ipilinig ko nalamang ang ulo ko sa nangyayare. Sumabay ako sa malalaking hakbang ng paa niya.

Dahil pakiramdam ko, kapag hindi ko 'yon gagawin ay malamang sa malamang ay siya mismo ang magkakaladkad sa akin para madaling makalayo kay Christian.

Wala sa sariling nilingon ko ang pinsan ni Nate. Mukhang hindi pa rin siya makapaniwala habang tinatanaw kaming dalawa ni Zale.

"Stop looking at him, Caleigh." Zarleus hissed from my side at mas inilapit pa ako sa kanya.

Ngumiwi ako. "Selos yarn?"

Sa sinabi kong 'yon ay nahinto na siya sa paglalakad. Dahan dahan ring nawala ang pagkakunot ng noo niya at ang kanina pang pag-igting ng panga.

He looked at me. "I'm not jealous."

"Okay..?" ani ko at natawa nang samaan niya ako ng tingin. Inabot ko ang dibdib niya at tinapik ito. "Calm down boss.. Ang puso mo, paki-ingatan at baka mahulog sa aking alindog."

"Pst.. Not gonna happened." supladong tugon niya na kinaseryoso ko.

Nagkatinginan kaming dalawa at palihim nalamang akong napabuntong hininga.

Napatango ako. "That's good then.. Pa-fall pa naman ako."

"I know."

"Kaya nga.. Never let your guard down lalong lalo na sa akin." pagbabala ko na kinatunghay niya. "Because trust me.. Falling for me means nothing but pain."

"Noted, Caleigh." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya saka muling ibinalik ang dating ekspresyon.

Humikab ako at ininguso ang likuran niya. "Ipasan mo ako.."

"What?" tanong niya kaya napailing ako at pina-pantay siya mula sa harapan ko. "Sabi ko, ipasan mo ako."

"Seriously?" suway niya, tumututol kaagad. Pero hindi ko na siya pinagtuunan pa ng pansin at basta-basta nalamang na sumampa sa likuran niya.

Napadaing siya sa kung saan kaya bahagyang umusli ang labi ko. Hindi naman ako ganun kabigat pero kung makapagreact siya ay tila ilang kaban na nang bigas ang timbang ko.

Fire Of The Burning Sands [Isla de Provincia Series] Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum