Kabanata 16

625 19 0
                                    

Kahapon ko pa talaga ito nasulat, natambak lang sa draft har har har.

KABANATA 16

"Hey.." Napakurap kurap ako habang nakatingala na kay Zarleus. Mukhang kararating niya lang matapos manggaling sa comport room.

Tinapos ko ang pagpulot ng mga natapong pagkain saka tumayo, wala pa rin sa sarili. "N-Nasaan 'yung cr mo dito?"

"Right side.." aniya habang kunot ang noo. Tumango naman ako at nilagpasan na siya para magtungo sa lugar na sinabi niya.

Ramdam ko man ang pagtataka niya sa inaasta ko ngunit hindi ko na magawa pang magpaliwanag.

Madali akong naglakad. At nang makarating na ako sa comport room niya ay dumeretso na 'agad ako sa sink nito.

Hawak ng isa kong kamay ang gilidan nito saka walang pangundangang pinasok ang daliri sa mismong lalamunan. At nang magtubig na ang mga mata ko dahil sa pagiging sensitibo ay naduwal na ako at sunod-sunod na napasuka. 

"Harrrp.." hindi mapigilang daing ko habang sinusuka ang mga kinain ko kanina.

Nanginig ang mga kamay ko.. Nagtaas-baba ang dibdib ko.. Panay ang awang ng bibig ko habang mas naging sensitibo naman ang nararamdaman ko.

... Dahil kahit na ano kaseng isipin ko ay walang ibang pumapasok sa utak ko kung hindi ang mga pinakain sa akin nila mamita noon, to the point na naiisip kong kinainan na din ng aso lahat ng kinain ko ngayon.

Damn this truma and anxiety! Make it stop please.. I don't want to feel this anymore.

"W-what the.. Agneya!" Napalingon ako kay Zarleus na nasa tabi ko na pala ngayon.

Nanlalaki ang mga mata niya at kaagad na rumehistro ang taranta sa mukha niya nang makita ang sitwasyon ko.

Hinawakan niya ang balikat. "What are you doing here?!"

"Zale.." tawag ko nalamang at walang buhay na napasandal sa wall.

"Kanina pa kita hinahanap! A-Akala ko umalis ka na.. Tatlong oras ka ng wala!" Tinignan ko lamang ang nag-aalala niyang ekspresyon.

Nakakatuwang deretso ang pagtatagalog niya ngayon. Pero wala roon ang buo kong atensyon kung hindi sa kasalukuyan kong kalagayan habang kaharap siya.

Nanghihina ang katawan ko..

Sinuka ko lahat ng maari kong isuka kanina. At nang mapagod na ako ay nagsumiksik ako sa pinakasulok ng comport room niya. Doon ako yumuko sa sariling tuhod at tila batang umiyak lamang ng umiyak.

Mental breakdown is not a joke, huh. One moment okay ka naman talaga.. Pero maya maya lang—bigla ka nalang maiiyak sa mga bagay-bagay.

Nag-init muli ang sulok ng mga mata ko para lumuha. I am mentally drained, but still.. I choose to keep on going. Because I know that God has the best plan for me, and God knows that I can achieve a great things in life.

So, I never give up and have faith. Pero kapag naalala ko ang nakaraan ko.. nawawala lahat ng lakas ng loob ko.

Para ako nitong hinahatak pabalik muli roon hanggang sa wala nanaman akong magawa kung hindi ang panghinaan at manguwestyon kung bakit kaylangang ako pa ang makaranas 'nun.

"I'm t-tired.. Zarleus," wala sa sariling salita ko at tuluyan na ngang naiyak sa harapan niya.

He parted his lips, and spoke. "Caleigh.."

"P-pagod na pagod na ako.." Napahilamos ako sa mukha ko habang sinasabi ang mga salitang 'yon. Nanginig ang labi ko. "Ayoko ng umiiyak ako.. P-Pero sa tuwing naiisip ko kung ano ang ginawa ng pamilya ko, h-hindi ko mapigilan.." Napayuko ako at napapikit ng mariin.

Fire Of The Burning Sands [Isla de Provincia Series] Where stories live. Discover now