Kabanata 17

616 20 3
                                    

Sa wakas narito na rin si Sasha, I mean Sursha.. ni darling Pensaoirse that named as Isla de Provincia #1: Enticed by the Raging Waves

KABANATA 17

"Caleigh.." Napalingon ako sa likuran ko kung saan ko narinig ang boses ni sir Reyson.

"Asawa ni madam!" I exclaimed while chuckling, teasing him by wiggling my eyebrows. "Aamponin niyo na ba ako?"

"No.." Umiling siya habang wangis ang maaliwalas na ekspresyon.

Napasibangot ako at bahagyang ngumiwi sa harapan niya. "Damot!"

"Magagalit ang nag-iisang prinsesa namin, eh."

Natigilan ako. "Anak niyo?"

"Yes. Masyadong selosa ang batang 'yon." Aniya habang nangingiti sa akin.

Hindi ko mapigilang pakatitignan ang biglang litaw ng tuwa sa itim niyang mga mata. Sumasayaw rito ang kakaibang kasiyahan habang nakatingin sa kung saan. Mukhang inaalala niya ang nag-iisa nilang anak.

Napabuntong hininga ako at bahagyang naiinggit. Halatang halata kase kay sir Reyson na mahal na mahal niya ang kanyang anak. Na kahit sa bawat ngiti lang na kumukurba sa kanyang labi ay tila ramdam na ramdam ko na ang pagiging parte ng kanyang prinsesa sa buhay nilang mag-asawa.

"Kung kayo din naman kase ni madam ang magiging magulang ko, malamang sa malamang ay ipagdadamot ko kayo!" salita ko matapos tumikhim.

Tumaas ang kaliwang kilay niya at namulsa. Humarap muli siya sa gilid ko kaya napatingin rin ako sa kanya.

Kahit medyo may katandaan na si sir Reyson ay halatang halata pa rin ang taglay niyang kagisigan. Hindi lang sa pangangatawan kung hindi pati na rin sa panglabas na kaanyuan.

May taglay siyang kagwapuhang habulin ng mga babae nung binata pa siya, kaya hindi na nakakapagtakang narito pa rin sa harapan ko ang bakas.

After all, sir Reyson has a charming smile, and natural playful looks that any women can fall about.

"Oh, my wife.." Napapatanong sabi niya saka kinunotan ako ng noo. "What do you think of her?"

"Sophisticated, elegant and educated woman who seems perfect but sadly she's not." Napailing ako. "Madam Agatha.. acts so fiercely that anyone can't doubt that there's something wrong with her. But not with me, dahil kung tutuusin ay gawain ko rin 'yan. Obviously, she's incomplete for 'i don't wanna know' reason. She's alone in the dark even there's you in her life. Something, or someone broke her that made her loathe the unfair world completely." Mababakas ang kaseryosohan sa mukha ko habang inaalala ang asawa niya.

Dahil totoo lahat ng sinabi ko.. Weird man pero talagang pareho kami ng defense mechanism na dalawa.

Mas gugustuhin naming magtapang-tapangan sa lahat ng taong nakakasalamuha namin kaysa ipakita ang kumukubling pighati, sakit at kahinaang sumakop na sistema namin sa matagal ng panahon.

Pero sa nakikita ko ngayon kay Madam Agatha.. mas matatag na ang kanya. Mukhang danas na danas niya na lahat ng sakit sa mundo. Na naranasan na niya lahat ng paghihirap na maari kong maranasan sa hinaharap. 

"I see.." Buntong hininga ni Sir Reyson na tila ba inaasahan na ang sinabi ko. Ang hindi ko nga lang alam ay kung isa ba iyong pagsang-ayon o hindi sa ibinigay kong sagot.

Hindi na ako nagsalita pa at ganun din siya. Nakatayo lamang kaming dalawa habang nakatingin sa dalampasigan. Nasa labas kami ng gym at hindi 'yon gaanong kalayuan kila Zarleus at Madam Agatha na may pinag-uusapang kung ano ngayon.

Fire Of The Burning Sands [Isla de Provincia Series] Where stories live. Discover now