Kabanata 22

567 21 0
                                    

KABANATA 22

"You're so beautiful, babe." Zarleus whispered while hugging me behind my back.

Napangiti naman ako saka inabot 'yung maroon pouch ko sa gilid. Nakasuot ako ngayon nang off-shoulder dress that above the knee. Bahagyang nakakulot ang bawat dulo na mas bumabagay sa simple ngunit eleganteng desenyo ng damit.

Hinalikan niya ang balikat ko habang ang tingin ay nasa salamin kung saan makikita ang posisyon naming dalawa.

"Let's go?" he asked softly, namumungay din ang mga mata niya na tila ba gusto nalamang matulog kasama ako.

Tumango ako sa kanya bilang pagtugon kaya bumaba naman ang hawak niya sa palad ko. At nang pagsiklupin niya ito ay libu-libong kuryente ang dumapo sa balat ko.

"Ang lamig ng kamay mo, Agleya." puna niya habang naglalakad kami dito sa resort.

Umismid naman ako. "Bagong ligo, eh."

"Hmm.. But your hair was dry." Hinalikan niya pa ang tuyo ko nang buhok kaya napatawa ako. "Gumamit kase ako ng blower.."

"I see.." Tumango siya kaya napailing nalamang ako.

Nagkwentuhan kami habang naglalakad sa isla, at masasabi kong nakaka-enjoy ito. Nakakapit ako sa kanyang braso habang nakaalalay naman sa likod ko ang isa.

Panay ang ngisi naming dalawa dahil nakwento ko sa kanya 'yung mga kalokohan ko nung bata pa ako.

'Yung mga panahong kahit hawak ako ng Trinidad ay na-eenjoy ko ang teenage days ko dahil sa pagtakas. Kahit na ang kapalit 'nun ay kaparusahan kinabukasan.

After all, i'm used to it kaya hindi na bago. Hindi ko na kaylangan pang damdamin 'yung masasakit na paghampas sa akin ni Mamita ng tungkod niya, or worse paggulpi at pagkulong sa akin sa basement ng ilang linggo.

At 'yung mga salita niyang walang iba kung hindi pangungutya sa buhay ko, at kung hanggang saan lang dapat ako. Na hindi ko naman pinaniwalaan kaya nagrebelde ako at tinanggal 'yung mga bagay na dapat ko raw bigyan ng limitasyon dahil 'eto lang naman ako.

Isang anak daw sa kasalanan, na naging dahilan para mamatay ang sariling tatay, at iwanan ng sariling nanay para sa kalayaan.

"Zarleus pare.." Naagaw ng atensyon namin ang grupo ng kalalakihang sumalubong sa lalaking katabi ko.

Nahinto sa pakikipagharutan sa akin si Zarleus saka biglang naging childish sa harapan ng mga ito. It's rare to him to smile, and grin like Markus kaya nagtaka ako. Pero palihim niya lang akong binulongan, at sinabing ganyan lang siya makisama sa kapwa surfers niya.

"Guys.. Line up, may ipapakilala ako sa inyo!" tila napakabossy na salita niya kaya nagtawanan ang mga ito.

"Kung maka-utos wagas, Zarleus!" puna ng isang lalaking hindi ko makita-kita ang mukha dahil nakaharang sa harapan ko si Zarleus.

Suplado lang na inismiran sila ng asawa ko, at ipinulupot ang braso sa bewang ko bago iharap sa kanila.

"Everyone, she's Agleya Caleigh.. The fire who melted my heart, and my only woman since the beginning." seryosong pakilala niya kaya gulat akong napalingon sa mukha niya.

Natahimik naman ang mga kaharap namin habang ang iba'y napapakurap pa. Parang biglang napamangha sa kung gaano kasenseryo si Zarleus sa kanila.

At kung hindi pa nga kunin ng isang lalaki ang kamay ko at maginoong halikan ang likuranin nito ay baka maging awkward na ang kaninang masayang atmosphere nila.

"Tang ina mo, Allan! 'Wag mong mahalik-halikan ang Agleya ko!" halos hindi maipinta ang mukhang suway ni Zarleus at pinunasan ang kamay ko.

"Aba't mas lalo yatang lumulutong ang mura mo pre!" Imbes na seryosohin ay halakhak nito kaya napailing nalamang ako.

Fire Of The Burning Sands [Isla de Provincia Series] Where stories live. Discover now