Kabanata 07

895 26 17
                                    

Two days akong walang update, miss niyo na kainosentehan ni Agleya?

Message me here:
sayout.me/say/dreaniknight

KABANATA 07

"Oh, shit ka girl! You just made Madam Agatha furious!" ekandelosang sabi ni Coreen. Nanlalaki ang mata niya at tila hindi makapaniwala sa mga ginawa ko.

Nagkibit balikat ako. "Tanggal naman na ako eh.."

"Oh my.." singhap niya at nag-aalala akong tinignan.

Buntong hininga nalang ang isinagot ko sa kanya saka nagpaalam na uuwi nalamang sa cabin.

Parang bigla akong napagod kahit wala naman akong nagawa ngayong umaga.

Hinawakan niya ang balikat ko at napipilitang napatango, tila ba wala ng magawa.

Dahil sa ugali ni Madam Agatha, alam kong kapag nagdesisyo na siya ay ayun na ang pinal na mangyayare.

No chances, ganun siya kalupit.

At gustuhin ko mang sumubok muli na kausapin siya ay alam kong 'di na niya ako pagbibigyan dahil sa mga sinabi ko.

Napailing ako. Alam kong may kasalanan talaga ako, at aminado ako roon.

Ako 'yung tipo ng tao na hinaharap kaagad 'yung pagkakamali kaysa itanggi at itago pa ito. Tinatanggap 'yung magiging resulta ng mga bagay-bagay na ginawa ko kaysa ipagpilitan pa.

Hindi ko kaylan man ginustong ipagsiksikan 'yung sarili ko sa taong ayaw naman sa akin. At ipaglaban 'yung isang bagay na bukod sa alam kong mali ay wala na akong dahilan para ipaglaban pa.

Baka kase tama si Mamita, kaylan man hindi ko mapapalitan 'yung isang bagay na alam kong wala ako. Bukod sa alam kong hindi ako nararapat sa bagay na 'yon ay hindi rin ako nababagay.

"Tang inang buhay 'to," mahinang bulong ko, salubong na ang kilay.

Hindi ko mapigilang ipadyak ng malakas ang paa ko sa buhanging tinatapakan ko at magwala na.

I'm so frustated. Feeling ko ang malas malas talaga ng buhay na ibinigay sa akin.

Wala naman siguro akong ginawang karumal-dumal nung past life ko kaya bakit ganito ang nangyayare?

Hindi ba nila alam na napakainosente ko pa hundred years ago? Sabi kase nila, kung ano ka ngayon.. kabaliktaran 'nun ang pag-uugali mo noon.

Kaya hindi ko talaga matanggap kung bakit ito ang nangyayare sa akin ngayon.

"Pashneya.." Iritadong salita ko at mararahas na inangat gamit ang paa ko ang mga buhanging nasa harapan.

Bagaman nakakaubo ngang tunay kapag lumalanghap ka dahil talagang humalo ang buhangin sa hangin ay hindi na ako nagkaroon pa ng pake. Mabuti nalang at walang gaanong tao ngayong umaga rito sa dalampasigan sa likod ng resort kaya malaya akong nakakapagwala.

"Tang ina. Putang ina. King ina." Humarap ako sa kalmadong karagatan kung saan kabaliktarn ang nararamdaman kong kairitablehan.

At imbis na sigaw ay pagmumura ang laging ginagawa ko para matanggal lang itong iniisip ko.

"Walangya. Hayup. Pashneya. Demunyo. Bwesit. Tarantado. Animal. Siraulo." I harshly chanted within my breath as i close my eyes to calm.

Pero kahit anong gawin ko, kahit na anong pagpigil ko ay tila nagliliyab na apoy dahil sa frustration ang kumalat sa dibdib ko.

Ayun ang naging mitsa para naiinis akong sumalampak sa buhanginan. Tanggal ang sapin sa paa, walang kahit anong dala, at tila baliw na nagwawala dahil sa pinapamukhang kamalasan.

Fire Of The Burning Sands [Isla de Provincia Series] Where stories live. Discover now