Kabanata 09

742 29 1
                                    

Here's the next update mwehehe, yes! Dalawa 'yung update, bumabawi kase ako bebs!

Happy reading.

KABANATA 09

"Shit.." mahinang bulong ko. Binuksan ko kase ang shower na nasa gilid. At sakto itong tumama sa ulunan ni boss apollo.

Hindi ko naman 'yon inaasahan kaya napasinghap ako at napawak sa bibig.
Habang siya naman ay tila naging basang sisiw sa harapan ko.

Mabilis pa sa hanging kinuha ko ang shower na nakabukas pa rin hanggang ngayon at ikinaliwa para doon tumama ang nilalabas nitong tubig.

Napakagat ako sa ibabang labi saka tumikhim. "Heard it, Markus? I'm seriously bathing!"

"Tsk, fine! Bilisan mo nalang dyan, may sasabihin ako sa'yo." ani nito na kinailing ko kahit hindi siya nakikita. "U-Umalis ka nalang kaya muna?!"

Hindi siya pwedeng mag-stay dito dahil baka makita na nga niya kami ng lalaking kasama ko ngayon. At nakakahiya 'yon dahil siya ang nagbayad ng cabin ko.

Yes, siya ang nagbayad. Nang malaman niyang broke talaga ako sa pera ay inadvance niya nang limang buwan 'yung payment sa cabin.

Nagulat nga ako sa nalaman ko, at sinabing babayaran ko 'yon sa kanya pero tumanggi siya. Itabi ko nalang daw ang pera ko sa akin.

"And why is that, my sweetest?" mahinahon man ngunit ramdam ko ang pagtataka niya.

I sighed saka muling nilakasan ang boses. "A-Alam mo namang dyan ako nagpapalit ng damit ko, diba?!"

"Eh, ano naman? Parang 'di ko naman 'yan nakita—" pinutol ko ang iba niya pang sasabihin. "Markus Salcedo!"

Humalakhak siya. "Yes, Mrs. Salcedo?"

I heard boss Apollo scoffed from my side habang pinupunasan ang buhok. Mukhang hindi nagugustuhan marinig ang pinag-uusapan naming dalawa ng kakilala niya, o kaibigan niyang si Markus.

Hindi pa ako sigurado sa dalawang 'yon dahil wala pang nakakapagsabi sa akin kung ano nga ba ang relasyon nilang dalawa. O ugnayan manlang.

"Isa, Markus! Naiinis na talaga ako!" Pilit kong ibinoses ang kunwareng kairetablehang gusto kong maabot sa pandinig niya.

"Just kidding my sweetest!" Nakahinga ako ng maluwag nang magpaalam na siya sa akin. Mukhang naniniwala na talaga sa akin.

Ako naman ay napailing nalamang sa kakulitan niya. Pinatay ko ang shower saka isinabit muli ito sa pinakagilid. Habang ang lalaking kasama ko naman ay nagtungo sa lababo para tignan ang sarili.

Mula rito sa kinatatayuan ko ay kita ko sa gilid ng aking mga mata ang ginawa niyang pagsuklay sa may kahabaan niyang buhok.

Seryosong seryoso ang ekspresyon niya habang inaayos ang sarili. At nang makitang basa pala pati ang ulunan ng damit niya ay walang pangundangan niya itong hinubad dahilan para umuwang ang bibig ko sa gulat.

Literal na napanganga ako nang bumungad sa akin ang maganda niyang katawan.

Mula sa tila perpekto niyang mga muscles sa braso at balikat. Matipunong dibdib na tila ba kahit banggain ay hindi magpapagiba.

Dumako ang paningin ko sa likuran ng kamay niya, umiigting ang mga ugat roon kasabay ng leeg niya. At bagaman mamula mula ang sa may pang-itaas niya ay hindi 'yon nagpawala ng dating niya sa akin.

"Enjoying the view, woman?" I heard him asked, but me who still fascinated by his topless body nodded without hesitation. Tumaas ang kaliwa niyang kilay dahil doon at walang awang humarap sa akin.

Fire Of The Burning Sands [Isla de Provincia Series] Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang