IV

1.2K 79 18
                                    

Livy's POV.

No classes na because kailangan nalang naming eh clear at magcomply at makaka-graduate na ako. Wala pa naman siguro yung mga prof ko today. Kaya keribells lang kung pumunta na ako dun ng 10 am. May usapan kami ni Janella eh

Pa chill chill ako dito habang hinihintay na maluto yung pancake.
"Ate Livy? Bakit Hindi kapa naliligo?" Mama Soling asked while tossing the pancakes..

"Ayoko maligo,Ma. Tinatamad ako. Hihi...Hindi naman ako tataboyin ng guard pag hindi ako naligo eh. Tsaka kahit Hindi ako maligo mabango parin nman ako 'no!" pagyayabang ko

Tumawa sya saka pinahid ang pancake batter sa mukha ko. "Ayan!! enough reason na ba iyan para maligo ka?"

"Ihhh!! Mama Soling naman eh. Sige na nga!!! Malakas ka saken eh. Charot!" hasik ko at tumakbo papuntang banyo para maligo alangan naman kumain Diba? Parang tanga lang...

Papasok na Sana ako ng Makita kong bukas ang pinto sa room ni Mom. Pasimple ko syang sinilip. I saw her in the corner curled like a ball, hugging a picture frame she's crying. I knew it.

Kahit anong tago nila sa akin. Si Mama Meldy, si Pops,Mama Imee, Mama Liza, Tita Aimee at Ang mga unggoy kong Kuya lalong-lalo na si Mommy. Ramdam ko. Ramdam na ramdam ko ang pangungulila nila kay Oying.. Hindi makakaila na Hindi sila nasanay ng wala si Oying sa buhay nila...

Kahit man din ako. Para akong napilayan nung nawala sya. Nawalan ako ng pamilya, nawalan ako ng hero at tagapag-tanggol. Masakit pero kakayanin.

Hindi na ako nag atubiling lumapit pa kasi alam ko naman na magagalit lang si Mommy sa akin.. Nagpatuloy ako sa pagpasok sa kwarto at naligo..

Pagkatapos maligo ay hinanda ko na ang sarili ko para maging presentable.  Since madami kaming lakad ni Janella ngayon. Magpa-pantalon nalang ako..
Simple skinny jeans black t-shirt at white sneakers..

Tumayo ako para I tuck in eto ng matigil ako ng Makita ang marka sa kanang bahagi ng katawan ko. Kinapa ko ito at bahagyang mapangiti ng maalala Ang dahilan bakit ako nagka-peklat ng ganito kalaki.

It's worth it to have this scar... Binilasan ko ang pagayak nang marinig kong nag-aaya nang kumain si Mama Soling.

Kumatok ako sa room ni Mommy.
"Mom the breakfast is ready na po.. Hintayin nalang po kita sa baba." I said. And bumaba inaya ko na rin si Mama Soling na sabay na kami sa pagkain. Wala din naman akong ibang kasama mas lalong nakakalungkot...

Natapos nalang ako sa pagkain pero hindi parin bumababa si Mommy. Kung ayaw nya sa pagkain edi Ang pagkain Ang lalapit sa kanya. Kaya I decided to bring her foods.. Pancakes,boiled egg and mashed potatoes. I don't know pero Yan Ang gusto nyang breakfast eh. And she don't drink milk pag breakfast. Kasi gusto nyang orange juice or chocolate drink

Matapos Kong ilagay sa tray Ang mga pagkain ay inakyat ko na sa taas. Alangan naman iakyat sa baba? Parang tanga lang..

I knocked three times before saying anything.
*Tok tok tok*
"Mmy?? Open the door please? I brought you some food. Hindi ka po kasi bumaba eh." malambing kong sambit.

I waited for minutes pero no response.
That's why I asked for the key duplicate of her room. I twisted the doorknob and I saw her back facing me.. I think she's sleeping..

Kaya inilapag ko na lamang ang tray and maingat na itinaas ang kumot nya  at umupo sa tabi nya.
"Mommy I know masakit pero you don't need to feel and endure the pain alone. I'm here naman po eh. Maumay kaman po sa boses ko pero I want you to know that I love you Mom." I said and planted a long yet soft kiss on her cheek.

"I love more than you'll know Mom!" I whispered at mahinang isinara ang pinto..

---

Irene's POV

She'll help me endure the pain? Is she crazy? Hindi ko alam na sharable pala ang pain... Wala kang alam sa sakit na nararamdaman ko Olivia...

Yes! Gising ako. I just  really don't want to see her face. Kasi pag nakikita ko Ang mukha nya lalo akong naiirita, nabubwesit, nagagalit at nasasaktan..

You know nothing Olivia. Hindi mo alam na I'm filing an annulment with your Dad. Hindi ko na kaya. Paulit-ulit nalang ginagawa ni Greggy sakin ito. Pagod na pagod na ako.

I tried saving our marriage pero sya na ang sumuko. Hindi naman ako nagkulang sa kanya bakit napakadali nyang ipagpalit ako?.. this will be the last time na iiyakan kita Greggy...

Umupo ako at sinandal sa headboard ang ulo ko. I saw in the corner of my eyes a tray full of foods na si Livy Ang nagdala. Agad Kong tinawag si Soling para ipatapon ang lahat ng ito.

"Soling!!!! Can you get this peace of trash here? And please tell the driver na iready ang sasakyan". I commanded.

Agad Naman syang tumakbo at napahinto nang mapagtanto kung anong trash ang tinutukoy ko.

"No buts and excuses itapon mo iyan at hindi ko yan kailangan." Hasik ko ng mapansing magtatanong pa sya.

"Oh Soling? Itatapon mo na yan? Panis naba?" I heard Manang Imee's voice.
What on Earth is she doing here?
Maybe she's here for Olivia. I don't care kahit sa kanila pa tumira si Olivia Wala akong pakealam. Baka ikatuwa ko pa.

"Irene? Jusko ka! Ipapatapon mo iyon? Eh hinanda pala yun ni Livy!!" singhal nya.. Agad akong napairap.

"Kahit hinanda pa iyon ni Queen Elizabeth Hindi ko parin kakainin 'yun!!". Irita kong Sagot.
"Hoy Irene! Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo? Ang swerte mo na nga may anak kang ganyan. Eh samantalang yung mga anak ko nga hindi ako tinitirahan ng ulam!.. " satsat nya

"Edi dun na sya sa inyo tumira. Alam mo kasi Manang. Nakakairita ang batang iyan wala na atang matinong nagawa!" hasik ko Saka inamoy-amoy ang Vicks at ipinahid ito sa sintido ko.

Agad nya akong hinampas at pinukol ng masamang tingin. "Alam mo Irene? Simula nung nawala ang Oying natin hindi na kita makilala. Ibang Irene na ito eh.  Sana maibalik mo na Ang dating Irene bago mahuli ang lahat..... Anyways I'm here for Livy. Gagala kami ngayon kasama nila Tommy isasama ko Sana." madaldal nyang sabi.

Andaming alam nitong si Manang eh. Minsan gusto ko nalang lagyan ng duck tape itong bibig nya.
" She left early. I don't know and I don't care where on Earth is she. Malaki na naman sya kaya nya na Ang sarili nya" I simply uttered

"Jusko po Irene! Talagang hindi ka na namin makilala!!! Ewan ko sa'yo. Oh sya sige mauna na ako. Babushhh!!!" sigaw nya.

Tskkk mga hangal at bulag! Ganun na ba ako ka pribadong tao para Hindi nila mahalata na may dinadamdam ako? Na may ibang babae si Greggy bukod saken? I pity them.

---

End of chapter


Longing for LoveWhere stories live. Discover now