VIII- HAPPY BIRTHDAY

1.6K 122 37
                                    


Author's warning!! ⚠️

Prepare some tissue while reading this chapter. This is a very dramatic chapter so read at your own risk.. Naglagay ako ng warning kasi kahit ako, umiyak sa sarili kong gawa. Yun lang tapos na. Enjoy!!!

Livy's POV.

Alas dos na ng hapon nang matapos kaming kumain kasama sila Nathaniel. Ang ganda ng pakikitungo nila sakin.

Hindi ko nafeel na iba ako sa kanila. His mom even gave me her telephone number. Call ko daw sila if may kailangan ako. How sweet,gusto ko na nga lang sumama sa kanila kanina eh..

The tears that I've been trying to hold back, fell when I saw a family. They look so happy. The kid is crying so the mom ask want she wants.

Ah. Hanggang sanaol nalang talaga ako ngayon. I decided to buy a backpack and a pair of slippers. Para ilagay Ang toga, awards at yung heels ko.. Agad akong pumunta sa beach kung saan malaya ako. Malayang sumigaw at ilabas ang totoong nararamdaman ko.

Seawall sa Dagat

Wala talagang owner ang place na ito.
Pinangalanan ko ito dahil sa kalutangan ko before.  Umupo ako at dinamdam Ang simoy ng hangin...

Ayoko na sa buhay na meron ako. Nakakapagod, nakakawalang gana.
"Lord? Galit po ba kayo saken? Mabait naman po akong anak ah. Sinusunod ko yung gusto ni Mommy, Hindi ko sya binabastos, nirerespeto ko sya... Tapos po active naman po ako sa simbahan, Wala Naman po akong mortal sin..

Pero bakit po ako yung napili nyong makaramdam ng ganito? Bakit po sa dinadami-dami bakit po ako.? Masakit na po kasi eh hindi ko na po kinakaya. Sa totoo lang po ayaw ko po sa buhay na meron ako, Hindi ko na po kayang magtiis. Pwede nyo po bang kunin itong buhay ko at ibigay nalang sa iba?... Pagod na pagod na po ako eh.." bulong ko sa hangin.

Sigaw at Iyak yan Ang salitan Kong ginagawa. Tanging iyak at sigaw lang Kasi Ang kaya at pwede Kong gawin..

Kung nasasaktan si Mommy, mas nasasaktan rin ako. Masakit , sobrang sakit na kahit huminga ako ay nararamdaman kong parang dinudurog Ang puso ko. Mas masakit kasi sarili kong pamilya ang gumagawa neto.

Bakit ganto si Mommy? Hanggang ngayon ba ako parin ang sinisisi nya sa nangyari kay Oying?.. Hindi ko naman kasalanan.. Hindi ko ginusto, walang may gusto..

Pagod na ako. pagod na pagod...
Halos mapatalon ako ng lumitaw ang puting panyo sa harapan ko.

"What the fuck! Nathaniel certified stalker talaga kita! Sarap mong isabit sa windmill!!!" sigaw ko sabay hampas sa kanya. Tinanggap ko ang panyo at pinunasan ang luha ko..

"Iiyak mo lang yan. Maghihintay ako kung kailan ka matatapos. Kahit abutin pa tayo dito ng isang dekada" he said and sat beside me.

"What on earth are you doing here?" singhal ko. Parang kabute itong mokong na ito. Kung Saan nalang sumusulpot. Kahit sa school lagi nalang akong sinusundan.

He held my hand and caressed.
"Maria Olivia Isadora. I know you too well. I know you're not fine. Kahit ideny mo pa. Kitang kita ko sa mata mo Ang lungkot. It's okay, pwede kang mapagod pero wag na wag kang susuko. Andito ako at Si Janella para damayan ka." he said and rubbed my back.

I leaned forward to rest my head on his broad shoulders. "Grabe no? Life is too unfair... Bakit pa kasi kailangan tayong dumaan sa hirap bago natin makamit ang goals and happiness natin... A-alam mo Nath? Sa talino kong ito sarili Kong problema Hindi ko masolve..." I said crying, he wrapped my arms around me in a very comforting way.

"Alam mo? I have an idea. Come on.. punta tayo BGC!!. mag inom tayo since I'm not a minor na pwede na tayo mag club. Tara na!!! Libre ko." sabi ko at hinila sya patayo

Longing for LoveWhere stories live. Discover now