UTE - CHAPTER 3

11 0 3
                                    

1PM AT COFFEE SHOP

Alam ko na talaga kung sino yan eh. May hinala na ako. Sya lang naman ang may lakas loob na halikan ako.

Oo nakuha nya pag ka birhen ko pero wala akong sinabing may 'kami' na!

Naaalimpuyos akong lumabas sa coffee shop namin. Pagkalabas ko ay doon ko na kita ang isang gwapong anghel...este....gwapong demonyo.

Lumapit ako sakanya.

Nakita nya ako kaya naman malawak at maaliwalas na ngiti ang sinalubong nya saakin.

Nakasimangot naman akong lumapit sakanya.

Pagkalapit nya ay binuksan nya ang braso ng malaki pero ako? Pagkalapit ko sinampal ko sya ng malakas.

Gulat naman ang mga taong naka kita at gulat din ang rumihistro sa mukha nya.

Pati braso ay bumaba din.

"Kapal ng mukha mong sabihin sa empleyado kong boyfriend kita! Wala naman akong matandaan na naging tayo ah! Gago neto!" Sigaw ko dito.

Ngumiwi sya saakin. Napahawak pa sya sa namumula nyang mukha.

Bigla akong naawa sa balat nya. Ganon ba kalakas ang pagkakasampal ko? Sorna.

"Arghh Baby its hurt you know?" Ngiwing saad nya.

Talagang di nya pinansin ang pinagsasabi ko?

"Ikaw naman kasi sino ba kasing may sabing boyfriend kita?! Di naman tayo ah! Isang gabi lang yon!" Sigaw ko ulit.

"Hayyy Baby diba sinabi ko naman sayo kanina? Susunduin kita right?" Sambit nya habang hinihimas ang pisngi nya.

Natigil naman ako sa sinabi nya.

Oo nga pala may sinabi syang ganon nakatulala lang ako kanina eh.

Pero wait nga...

"Paano mo nalaman na dito ako nag wo work?" Tanong ko.

"Hayyyst Baby...connections.." Sambit nya. Tsaka sya tumingin saakin.

Tumitig sya saakin.

Bumaba naman ang tingin nya sa labi ko.

Gago ba toh?

Hinapit nya ang bewang ko tsaka nya tinapat ang labi nya sa tenga ko.

"As much as I want to kiss your damn lips right now..I can't because of that fucking people who staring at us." Madiing saad nya.

Namula naman ako sa sinabi nya.

Binitiwan nya ako tsaka sya tumingin sa Coffee shop ko.

Tumingin din ako since glass naman itong Coffee Shop ko.

Doon ko nakita na nakatingin ang mga kaibigan ko samen.

Tiningnan ko kung sino mang pocio pilato tong kasama kong mahilig manghalik.

Nakita kong tumango sya sa mga kaibigan ko tsaka nya ako tinuro.

Alam ko na ibig sabihin nyan. Tiningnan ko ang mga kaibigan kong nanghahampasan.

Si Lira at Maureen nakangising parang sira habang si Yassie....

Ayon nakatulala habang nakatingin kay hindi ko talaga matandaan pangalan netong kasama ko.

Nag sign ang mga kaibigan ko na parang pinapaalis na kami. Ay ganon? Kaibigan ko ba tong mga toh?

Hinila naman ako ng kasama ko tsaka ako pinasok sa kotse nya.

Umikot sya papasok sa driver's seat. Nang makapasok sya ay hinila nya ako tsaka ako hinalikan sa labi.

Aba gago! Di ko naman sya kilala ah!

Until The Endحيث تعيش القصص. اكتشف الآن