UTE - CHAPTER 7

7 1 0
                                    

9AM AT THE COFFEE SHOP

"Ma'am may tao po labas. Boyfriend nyo daw po. Si Ma'am talaga hindi pa amining Boyfriend nya yon eh hatid sundo na nga." May mapang asar na ngisi na saad ni Carly.

Napatawa nalang ako sa sinabi nya. Lumabas ak sa counter habang hinuhubad ang apron ba suot.

"Alam nyo kayo talaga napaka issue nyo. Ni hindi pa nga nanliligaw sakin yang tao na yan eh tapos magiging boyfriend ko agad?" Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakapansin pero parang medyo nalungkot ata ang tono ko sa bandang 'hindi pa nanliligaw' part.

Iniabot ko kay Carly ang Apron ko.

"Ay sus! Ganyanan eh ayaw pang aminin. Eh halatado namang nag aassume sya na magkaroon ng label. Nalungkot pa nung sinabing hindi pa nanliligaw yang kung sino mang nag susundo sakanya." Mapang asar na saad ni Rose.

Humarap naman saakin si Carly.

"Oo nga Ma'am bakit kasi ayaw nyong lagyan ng label yang relationship nyo? Anong tawag sainyo? Friends with benefits?" Natatawang tanong nito.

Pinalo ko naman sila.

"Alam nyo? Ewan ko sainyo!" Giit ko tsaka sila nilayasan para kunin ang bag ko sa office.

Nang makuha ko ito ay lumabas na ako sa Coffee shop.

Doon ko nakita ang kaninang pinag uusapan lamang namin.

Si Blake. Nakasandal sa kotse nya.

Napansin nya siguro ako kaya naman napatingin sya sa gawi ko.

Nang makita nya ako ay napatayo sya at pinaskil na naman nya ang malawak na ngiti nya.

Lumapit na ako sakany ng tuluyan.

Binuka nya ang kanyang mga braso.

"Hindi mo ba ako yayakapin?" Saad nya.

Tinaasan ko ito ng kilay at nag cross arms.

"Bakit naman kita yayakapin? Sino ka ba?" Tanong ko dito.

Binaba nya ang braso nya.

Napahawak sya sa puso nya at umakting ng akala mo ay nasasaktan.

"Grabe ka naman sakin." Nakangusong aniya.

Napatawa nalang ako.

Lumapit ako sakanya tsaka sya hinalikan sa pisnge.

"Ayan tara na." I said.

At nauna na ako sakanyang sumakay.

Nang makasakay ako ay tinignan ko sya mula sa bintana.

Nakatayo sya don sa pwesto nya habang hawak ang pisnge nya.

Parang tanga naman ito.

"Hoy! Halika na." Aya ko.

Lumingon ito saakin.

Nagmamadali syang pumasok sa driver's seat.

Nang makapasok sya ay lumingon sya saakin ng may ngisi sa labi.

"Baby...kiss mo ulit ako. This time sa lips naman. Ang sweet eh." Saad nya habang may ngisi.

"Ahh kiss? Gusto mo i kiss-kiss ko yang mukha mo sa dashboard?" May pagbabanta sa boses ko.

"Tsaka wag ka nga isang beses lang yon." Masungit na saad ko tsaka tumingin sa bintana.

"Ito naman parang kiss lang eh napakadamot." Saad nito.

Hindi ko na sya pinansin.

Pero nang nilingon ko sya nakita kong bumubulong bulong sya habang nagmamaneho.

Until The EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon