UTE- CHAPTER 21

6 0 0
                                    

Nakatingin lang ako sa taong nasa harap ko.

Hindi ko alam kung nagbibiro ba sya ng sabihin nya saaking may alam sya.

May alam sya sa pagkamatay ng taong mahal ko.

"Ehem. Akala ko ba may alam ka sa pagkamatay ng taong mahal ko which is si Audrey. Eh bakit hanggang ngayon kumakain ka lang dyan? Mukhang di ka pinakain ng ilang taon dahil dyan sa uri ng pag subo mo." Tanong ko sakanya.

Napatingin sya saakin at nilunok ang pagkain nya.

"Totoo ang sinasabi ko. May alam ako sa pagkamatay ni Audrey dahil nandon ako nang mangyari yon." Malungkot na aniya.

Tsaka anong sabi nya?

Nandon sya?

Kung nandon sya bakit wala syang ginawa?

Tumalim ang tingin ko sakanya.

"Anong sabi mo? Nandon ka? Kung nandon ka bakit hinayan mo lang mangyari kay Audrey ang bagay nayon?!" Di makapagpigil na saad ko.

Maluha luhang tingi ang ibinigay nya saakin.

"Kasi natatakot ako! Natatakot ako na baka madamay ako! Na baka pag pinairal ko ang awa ko ay baka ako naman ang isunod nya! Takot na takot ako nung time na yon!" Umiiyak na aniya.

Napahampas ako sa mesa dahil sa tindi ng galit na nararamdaman ko.

Wala akong paki kung pinagtitinginan na ako dito sa loob ng restauran na ito.

"At dahil sa punyetang takot mo may namatay na tao! Nawala ang taong mahal ko! Yung kaibigan mo! Yung anak ko!" Sigaw ko dito.

Pinuntahan na kami ng mga trabahador dito sa restauran na ito.

"Sir tama na po yan." Awat ng isang Waiter saakin.

Umiiyak na tumingin ako kay Maureen na nakayuko lang.

Umangat ang tingin nya saakin. Namumula ang mata nya habang may pumapatak na luha dito.

"Yun na nga Blake. K-kinukunsensya ako. Kasi ako na bestfriend nya hindi nagawang iligtas sya. Blake hindi mo alam kung gaano kasakit saakin yun. Yung kailangan kong mamili sa dalawang taong kaibigan ko kung kanino ako kakampi. Hindi mo alam kung gaano kasakit saakin ang makita ang kaibigan ko pahirapan sya mismo sa harapan ko. Hindi mo alam kung gaano kasakit na masaksihan yung kaibigan mo na gasahin. Blake nakita ko yung lahat pero wala akong kahit anong nagawa kasi nilalamon ako ng takot." Naiiyak na saad nito sakin.

Pero sa lahat ng sinabi nya saakin isa lang ang tumatak sa isip ko.

G-ginahasa si Audrey?

T-the fuck?

Humarap ako sakanya ng nagtatagis ang bagang.

"A-anong sabi mo ginahasa sya?" Tanong ko.

Lumuluhang tumango sya.

"Oo hindi lang isang beses kundi ilang ulit. Papaalis na dapat ako pero hindi ko nagawa. Nasaksihan mismo ng dalawang mata ko kung paano sya nagahasa. Nandon ako Blake. Ilang beses syang ginalaw ng mga lalaking yun pero wala akong nagawa dahil natatakot ako." Umiiyak na saad nya.

Nagpumiglas ako sa mga taong may hawak saakin.

Nang makawala ako ay dali dali akong pumunta kay Maureen.

Hinawakan ko ng madiin ang balikat nya.

"Tangina mo! Bakit wala kang ginawa! Nandon ka Maureen! Alam mong may magagawa ka pero bakit di mo ginawa! Maureen alam mo ba kung gaano kasakit para saamin ang nangyari Maureen potangina! Mag ina ko yung nawala sakin di lang basta kung sino!" Saad ko.

Naiiyak naman syang tumingin saakin.

"Alam ko Blake. Alam ko." Giit nya.

Inalog ko anng balikat nya.

Tsaka sya seryosong tinitigan.

"Sabihin mo saakin kung sinong may pakana nitong lahat. Sisiguraduhin kong magbabayad sya." Nang gigil na saad ko.

Umiling iling sya at mas lalong lumakas ang iyak nya.

"Hindi. Hindi ko kaya." Umiiyak na aniya.

Naguguluhang pinakatitigan ko sya.

"P-paanong hindi mo kaya?! Maureen ano ba! Kailangan ko ng hustisya! Hustisya para sa pagkamatay ng mag ina ko! Maawa ka naman saakin oh. Sige na Maureen sabihin mo kung sino!" Pagmamakaawa ko.

Umiling iling sya.

"H-hindi. H-hindi ko kaya. Please Blake pakawalan mo na ako." Umiiyak na aniya.

Wala pakialam kung nakikita man nila ako sa ganitong estado. Buhay ng mahal ko sa buhay ang nawala.

Ang sakit lang kasi.

Pinipiga ang puso ko.

Umiiling iling sya sa harap ko tsaka pilit na kinakalag ang pagkakahawak ko sa balikat nya.

Binitiwan ko sya.

Lumuhod ako sa harap nya.

Kung ito nalang ang tanging paraan para makuha ko ang simpatya nya para sabihin nya saakin kung sinong pumatay sa mag ina ko o kung sino man mastermind sa lahat ng ito gagawin ko.

"Nagmamakaawa ako sayo Maureen. Please. Sabihin mo na sakin kung sinong may pakana ng lahat ng ito. Parang awa mo na." Umiiyak na lintanya ko.

Lumuluhang nakatingin sya saakin.

Tila naguguluhan sya kung sasabihin ba nya saakin o hindi ang nalalaman nya.

"K-kapag sinabi ko sayo kung sino anong gagawin mo?" Tanong nya sakin.

Galit na tiningnan ko sya doretsyo sa mata nya.

"Pagbabayaran ko sya. Pagbabayarin ko sya sa ginawa nya kay Audrey at sa anak namin. Hinding hindi ako titigil hangga't hindi ko sya napagbabayad sa ginawa nya." Tagis bagang na giit ko.

Nakita ko ang dumaan na takot sa mata nya.

"P-pwede ba akong humiling sayo ng pabor? Kapag nalaman mo kung sino ang may gawa kay Audrey non pwede bang wag mo syang pahirapan? Wag mo syanh papatayin." Naiiyak na aniya.

Galit na tiningnan ko sya.

"Bakit?!" Tanong ko.

Nakapaligid lang ang mga tao saamin. Ang iba ay kinukuhanan kami ng video at ang iba naman ay pinag uusapan kami.

Ang mga empleyado naman ay hindi kami magawang awatin dahil isa ito sa pagmamay ari ko.

Tumingin ng diretsyo saakin si Maureen.

"Dahil importante saakin ang taong may gawa nito kay Audrey. Hindi ko magawang mawala sya saakin dahil baka hindi ko makayanan. Mahal na mahal ko sya kahit na nakagawa sya ng ganitong bagay." Naiiyak na aniya.

"Sabihin mo na sakin kung sinong may gawa sa lahat ng bagay na ito!" Nang gigil na giit ko.

Napayuko sya. Halatang kabado sya dahil nanginginig ang kamay nya.

"Si Yassie Salvador. Sya ang may gawa nitong lahat. Ang half-sister ko." Giit nya.

A-ano?

S-si Yassie?

Pero bakit?!

Bakit nagawa nya ang bagay na ito?

Bakit kailangan sya pa?!

Until The EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon