UTE - CHAPTER 12

5 1 1
                                    

10AM AT THE COFFEE SHOP

Sa ilang araw na lumipas pero hindi pa din maalis sa isipan ko ang text message na iyon ni Yassie.

Hindi ko alam kung anong meron sakanilang dalawa.

Kung may namamagitan na ba or kung ano.

Pero i guess meron?

Or nag o overthink lang ako?

"Hello Ma'am! Earth to Audrey Morgan!" Sigaw ng kung sino sa tenga ko.

Napalayo naman agad ako.

Napatingin ako kung sini yun.

Sinamaan ko ng tingin si Rose dahil sa ginawa nito.

"Hehehe sorry na Ma'am. Kayo naman kasi eh kanina ko pa kayo tinatawag pero 'di nyo ko pinapansin." Saad nito.

Tignan mo 'to sinisi pa ako.

I cross my arms and glare at her.

"Ano ba 'yon? Bakit no ko tinatawag?" Tanong ko dito.

"So ayon na nga Ma'am. May problema ba kayo? Halos lahat po kasi kami napapansin na ilang araw na po kayong tulala? Pumapangit na din po kayo eh. Kaya nag desisyon sila na ako nalang ang pagtanungin sainyo kung may problema kayo kasi makapal naman daw po mukha ko at walang hiya daw po ako." Mahabang sanaysay ni Rose.

Medyo natawa naman ako sa mga words na ginamit nya.

"Actually tama sila. Makapal mukha mo at walang hiya." Nakangising saad ko.

Napanguso naman sya.

"Hindi yan ang tanong ko Ma'am." Mataray na saad  nito.

Yung totoo sinong amo saaming dalawa?

Muli na naman akong nakaramdam ng lungkot dahil sa naalala ko na naman ang nabasa kong text message na iyon.

Pinaka titigan ko si Rose.

"Naku Ma'am wag ka ngang tumingin ng ganyan sakin! Di tayo talo!" Sabi nya.

Napatawa naman ako dahil sa sinabi nya.

"Hayyy Rose. Ikaw kunyari may boyfriend ka. Kunyari lang ah." Pinutol nya agad ang sinasabi ko.

"Wow Ma'am ah parang sinasabi mo namang ang pangit ko dahil wala akong boyfriend. Excuse me lang ah. Mataas lang ang standard ko sa lalaki kaya wala akong jowa!" Angil nya.

Natawa naman ako ng slight.

"Wait lang kasi. Wag ka munang sumingit." I said.

Nag acting naman sya na zip mouth and she waved her hand as sign na ituloy ko ang naudlot kong pag ku kwento.

"Kunyari ikaw may boyfriend ka tapos may nabasa kang text message ng isang babae na nagsasabi ng 'Thank you sa pagsama sakin kanina and thank you sa mainit na pinag saluhan natin sa condo' anong magiging reaction mo?" Tanong ko sakanya.

Sakit kasi sa heart eh.

Gulat namang humarap sakin si Rose.

"Nang yari na ba sayo yan Ma'am? Kaya tinatanong mo sakin para malaman mo ang opinion ko?" Tanong nya sakin.

I nodded my head.

Napatango tango naman sya sakin.

"Mag overthink ka na Ma'am." She said.

Napairap naman ako dahil sa sinabi nya.

"Hala sya inirapan pa ako. Eh kasi naman isipin mo naman yung laman ng message na yon? Ano sa tingin mong ginawa nila sa condo? Yung mainit na pinag saluha  nila? Nag kape? Tsaka yung sa pag sama sa babaeng hilaparot ba yon? Friendly date? Kaya kung ako sayo mag overthink kana." Sarcastic na saad nito.

Demonyo talaga 'tong babaeng toh'

Napanguso naman ako sakanya.

"Pero seryoso Ma'am ah. Bakit kaya hindi mo tanungin yang Boyfriend mo para malinawan ka? Kasi hindi ka malilinawagan kung hindi mo tatanungin but seriously speaking wag ka ding maniniwala agad pag nagsabi sya sayo dapat may gawin ka din para luminaw sayo ang lahat. Wag lang puro salita dapat may gawin ka din. Pag sinabi nya sayong 'wala lang yon. Kaibigan ko lang yon. At yung sinasabi nyang mainit na pinag saluhan namin sa condo nya nag kape lang kami non.' The hell na reason yon? Kaya para maliwanagan ka dapat may gawin ka. Iba pa din pag nakita mismo ng mata mo Ma'am." She said.

"Pero wait Ma'am. Ano bang name ang nakalagay sa name ng contact?" Tanong nya.

Para akong tinusok ng karayom yung puso ko ng ilang beses dahil sa tanong nya.

"Yassie. Yassie Salvador. Yung isa sa bestfriend ko." I honestly said to her.

Tinignan ko sya.

Gulat ang nakarehistro sa mukha nya.

"Anak ng putcha! Totoo?" Gulat na tanong nya.

I smiled bitterly and nodded my head.

"Lason talaga yang bestfriend mo Ma'am. Anak ng  makating higad yan." She said and rolled her eyes.

Napatawa nalang ako sa sinabi nya.

"Huluhin mo sila in action. Gumawa ka ng paraan para mahuli sila. Malay mo habang nakatalikod ka may ginagawa na pala silang kagaguhan sayo. Huwag kang maniniwala agad sa simpleng paliwanag lang. Mas maganda kung mahuhuli o makikita mismo ng mata mo. Pero payo lang Ma'am ah. Minsan kasi hindi rin maganda pag nakikita mo lang mas maganda kung balance. Confrontation kumbaga. Nakita at narinig mismo galing sakanila ang totoo." She said.

Napangiti naman ako dahil sa sinabi nya.

Minsan may nasasabi din palang maganda 'tong babaeng 'to.

It's really help me alot.

I nod my head and smile at her.

"Minsan may nasasabi ka din palang maganda." I said.

Napairap naman sya and flipped her hair.

"Hindi lang ganda ang meron ako no pati brain din." She said and rolled her eyes.

Napatawa naman ako.

"Saang banda?" Basag ko.

She point her face.

"Ito Ma'am. Ayan nakikita mo? Bulag ka ata eh." She said.

I just laughed.

"Mag trabaho ka na nga lang Rose. Bawasan ko sweldo mo eh." I said.

Napatayo naman sya.

"Ito namang si Ma'am oo di ka mabiro. Sige balik na po ako sa trabaho. Overthink well." She said then walk away.

Putcha! Overthink talaga?

Pero sana. Sana hindi totoo kung ano man ang nabasa ko sa text.

Sana mali ang akala ko.

Dahil kung totoo man iyon...

Masasaktan talaga ko. Nang sobra.

Sobra sobra kasi minahal ko na si Blake.

Hindi ko man napapansin pero nahuhulog na pala ako sakanya.

Dahil sa pagiging clingy, sweet, caring, thoughtful, and sa pagiging naughty nya.

Delikado na nga ako.

Paano ako makakaahon if ever na may namamagitan nga sakanila?

Tangina.

Isipin ko palang kasakit na.

Paano pa kaya pag nakita ko na?

Kakayanin ko ba?

O susuko na lang ako?

Ano bang mas magandang piliin?

Until The EndWhere stories live. Discover now