UTE - CHAPTER 14

6 1 0
                                    

10AM AT AUDREY'S CONDO

Bumangon akong mabigat ang ulo at masakit ang mata.

Namamaga ata dahil sa kakaiyak.

Tinignan ko ang katabi kong kama. Wala. Bakante.

Hindi pala sya umuwi.

Ano pa bang aasahan ko?

Lasing sya. Baka nandoon sya kay Yassie.

Napabaluktot ako ng tuhod tsaka ako sumubsob doon.

Unti unting nagsilabasan ang mga luha sa mata ko hanggang sa may lumabas na hikbi sa labi ko.

Inangat ko ang ulo ko tsaka ko pinahid ang mga luha sa pisnge ko.

Hindi pwedeng ganito lang ako.

Umalis na ako kama tsaka ako dumiretso sa banyo.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.

Namamagang mata at magulong buhok ang sumalubong sakin.

Mukha akong ewan.

Biglang bumaligtad ang sikmura ko.

Napaduwal nalang ako dito sa sink ng cr ko.

Wala namang lumalabas na something na kinain ko.

Ang naiduduwal ko ay laway lang.

Tumagal dito ng 2 minuto.

Nanghihina akong humarap ulit sa salamin.

Namumutla, namaga ang mata, at magulong buhok. Ayan lang ang tanging mai de describe ko sa sarili ko. In short panget.

May luhang lumandas sa mata ko.

Ano bang nangyari sayo Audrey? Bakit ganyan itsura mo?

Pinunasan ko ito tsaka inayos nag sarili.

Naghubad na ako at naligo.

Aayusin ko sarili ko.

*****

1PM AT COFFEE SHOP

Nakarating ako sa Coffee shop na bagsak ang balikat.

"Hola! Hala anong nangyari sayo Ma'am?" Bungad ni Rose saakin.

Umiling lang ako sa tanong nya at pilit na ngumiti.

"Wala. Wag mo kong intindihin Rose. Magtrabaho ka na." Saad ko.

Kaso imbis na sundin ako ay mas lalo pa syang lumapit saakin.

"Hindi nga? Mukha kasing problemado ka. Base palang kasi sa mata mong namumula at mukha mong maputla halatadong galing ka sa iyak." She said.

Napaiwas ako ng tingin sakanya.

Nagulat ako ng bigla nya akong hinaltak papasok sa opisina ko.

Pero bago kami pumasok sa loob ay sumigaw muna sya.

"Carly dalan mo kami ng orange juice sa office ni Ma'am! ASAP!" Sigaw nya.

Nagpadala nalang ako.

Sya lang ang kilala kong empleyado na kayang gumawa sakin nito.

Pag pasok namin ay pinaupo nya ako sa sofa dito sa office ko.

Pinaharap nya ako sakanya.

Hinawakan nya ang kamay ko at tinignan nya ako sa mata.

"Ngayon sabihin mo sakin. Anong nangyari?" Malumanay na tanong nya.

Dahil sa tanong nya saakin ay napaluha nalang ako.

Until The EndWhere stories live. Discover now