UTE - CHAPTER 17

3 0 0
                                    

3PM AT THE COFFEE SHOP.

Nakatulala lang ako sa counter kasi wala pang gaanong costumer. Nakatingin lang sa kawalan. Iniisip ko yung nakaraan.

Nakaraan pero parang kahapon lang nangyari yung totoo?

Kahit ayaw ko hindi ko din mapigilan ang puso kong alalahanin ang mga bagay na iyon. Ewan ko ba sa sarili kong utak. Kusa nalang naiisip ang mga bagay na hindi naman dapat isipin.

"Miss pa order nga ng Caramel Macchiato." Nagising ako sa tinig ng isang costumer.

"Wait a minute Sir." sabi ko ng hindi ko sya tinitingala.

"120 pesos........Sir." napatulala ako sa itsura ng costumer.

Kilala ko kasi sya. Hindi lang pala basta kilala.

Kilalang kilala.

Dali dali akong lumabas sa pag ma may ari kong Coffee shop.

Ang dahilan? hindi ko sya kayang harapin. Hindi na muna ngayon.

O kahit kailan pa! Hindi ko kayang makita yang pag mumukha nya kasi nasasaktan ako!

Pero kung minamalas ka nga naman oo sinundan nya ako.

Hinigit nya ang kamay ko paharap sakanya.

"Audrey!" Madiing tawag nya saakin.

"Ano ba?! Let me go!" Sigaw ko dito pabalik.

"No! Until you'll going to talk to me!" sigaw nya.

Wala naman kaming dapat pag usapan kasi in the first place tapos na kung anong meron kami.

Pilit akong nagpupumiglas sa hawak nya.

Sa ayaw ko syang kausapin eh bakit ba mag tiis sya dyan.

Pagkatapos ng lahat ng ginawa nya/nila sakin? Ha! Bahala sya dyan!

"Wala tayong dapat pag usapan pa! Pagkatapos ng kagaguhang ginawa mo sakin may lakas ka pa ng loob na kausapin ako!" Sigaw ko dito tsaka ko winiksi ng malakas ang kamay ko nila sakanya. Tsaka ako naglakas palayo sakanya.

"Audrey!" Tawag nya saakin tsaka ako hinigit ulit.

"Ano ba?! Masaya na ako! Layuan mo na ako Blake tapos na tayo!" Giit ko sakanya.

"Meron tayong dapat pag usap Audrey! Yung tungkol saating dalawa. Sakin ka lang diba? Ang sabi mo saakin ka lang! Kaya akin ka lang!" Saad nito.

Nagulat naman ako sa mga binitiwan nyang salita.

Bakit ang lakas ng loob nyang sabihin sakin yan? Diba nga laro laro lang ang lahat ng kung anong meron samin?

Natatandaan nya pa pala yung sumpaan namin pero bakit ganon? Nagawa pa rin nya yung bagay na yon.

Sinampal ko sya ng malakas na syang ikinatabingi ng ulo nya.

"Wala ka ng karapatan na angkinin ako pagkatapos mo kong lokohin? Blake hindi mo alam kung gaano akong nasaktan noon! Winasak mo yung buong puso ko dahil sa ginawa mo! Blake hindi mo ba natatandaan lahat ng ginawa mo? Kasi ako tandang tanda ko pa! Lahat lahat!" Sigaw ko dito habang tinusok tusok ko ang dibdib.

Naramdaman kong may mainit na likido ang umagos sa mata ko.

Umiiyak na naman ako. Blake paliwanag mo nga sakin. Bakit ang hina ko pagdating sayo?

Hinuli nya ang kamay ko.

"Kung ano man ang nangyari noon patawarin mo na ako. Nag sisisi ako na nagawa ko ang bagay na iyon sa isang katulad mo Audrey. Mahal na mahal kita. Tanggapin mo na sana ulit ako sa buhay mo." Saad nya saakin habang may nakatigtig sa mga mata ko.

Until The EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon