UTE- CHAPTER 22

4 0 0
                                    

Nandito ako ngayon sa burol ni Audrey.

Nakatingin ako sakanya.

Ang ganda nya sa puting kasuotan na suot nya.

Pero mas maganda kung ang suot nya ay ang suot pang kasal pero alam kong malabo ng mangyari pa ang bagay na yon dahil wala na sya.

May naglandas na luha sa mata ko.

Hindi ko alam ang dahilan kung bakit nagawa ito ni Yassie sakanya pero isa ang nasisigurado ko dito.

Pag babayaran nya ang ginawa nya sa mag ina ko.

Wala na akong pakialam kung masira man ang pagkakaibigan naming dalawa.

Ang dapat na magiging pamilya ko na ang ginalaw nya.

Wala na din akong pakialam kung babae pa sya.

Gusto kong danasin nya ang sakit na dinanas ni Audrey sa kamay nya.

Pero hindi ko alam kung bakit hindi sang ayon abg pagkatao ko na gawin iyon sakanya.

Dahil ba kahit papaano ay kakilala ko padin sya? O dahil kahit papaano ay may pinag samahan pa din naman kami? Siguro nga ay ganon pa din.

"G-good evening." Rinig ko ang pamilyar na boses nayon.

Alam kong si Maureen yon.

Humarap ako sakanya. Nilapitan ko sya. Pag kalapit ko ay hinigit ko ang braso nya. Kinaladkad ko sya palabas ng bahay nila Audrey.

"Blake! Blake ano bang ginagawa mo?! Si Maureen yan! Isa sa kaibigan ni Audrey!" Awat saakin ni Lira.

Hindi ko sya pinakinggan at pinagpatuloy pa din ang ginagawa ko. Hinablot nito ang kamay braso ko paharap sakanya.

"Ano ba Blake umayos ka nga nakakahiya sa mga bisita." Bulong na suway nito.

Pinanlisikan ko sya ng mat at tinanggal ang kamay nya sa braso ko.

Si Audrey lang ang may karapatan na humawak sa braso ko.

"Hindi mo alam na may kinalaman yang babae na yan sa pagkamatay ni Audrey?! Isa sya sa dahilan kung bakit namatay ang kaibigan mo! Nandon sya nang mangyari ang bagay na iyon! Pero ano? Wala syang ginawa! Pinanood lang nya kung paano maghirap ang kaibigan mo!" Sigaw ko sa mukha nya.

Gulat naman ang rumehistro sa mukha nya.

Unti unti ay lumipat ang tingin nya kay Maureen. Pumunta sya sa harap nito.

"Totoo ba ang sinasabi nya Maureen?" Madiing tanong nya dito.

Umiiyak naman na tumingin si Maureen kay Lira.

Dahang dahang tumango ito.

"Oo. Tama sya. Nandon ako ng mangyari yon. Tama sya ulit sya na wala akong ginawa nng mangyari iyon kay Audreey. Pinanood ko lang sya kung paano magdusa. pinanood ko sya kung paano sya gahasain ng iba't ibang lalaki." Umiiyak na saad nito.

May lumandas naman na luha sa mata ni Lira at hindi makapaniwalang tiningnan si Maureen.

Pag kuwa'y malakas na sinampal ito.

"Putangina! Nandon ka pero wala kang ginawa! The fuck ka pala eh! Alam mong may magagawa ka pero mas pinili mo pang hindi kumilos! Ang tanga mo naman pala literal!" Sigaw nito.

Pinipigilan ko sya pero ayaw nya magpapigil.

Pilit nyang inaabot si Maureen.

Tinignan ko ang huli. Nagmamakaawa ito.

Ilang beses syang humihingi ng sorry.

Ito na ang sinasabi ko eh.

Kaya ko sya pinapaalis dahil sa alam kong mangyayari ito.

Binigyan ko 'umalis-kana-look' si Maureen. Mukhang naintindihan nya iyon dahil umalis na sya.

Tumakbo papasok si Lira nang makaalis na si Maureen at pumunta sa harap ng kabaong ni Audrey.

Nilapitan ko sya.

Umiiyak sya habang hinihimas ang kabaong ni Audrey. Nasa tabi ng kabaong ni Audrey ay isang Jar na anglalaman ng abo.

Para sa supposed to be Baby sana namin.

"H-hindi ko alam kung anong dahilan para magawa nila ang bagay na ito say Drey. Wala ka namang ginagawa masama. Pero bakit kailangang mangyari sayo ito?" Umiiyak na usal nito.

May pumatak na luha sa mata ko dahil sa paninikip ng dibdib ko.

Ang bigat naman.

Nalipat ang tingin nya saakin kaya naman dali dali kong pinunasan ang luha ko.

"May lead ka na ba kung sinong satanas ang gumawa nito sakanya?" Pagalit na tanong nya.

Tumango naman ako at nilabas ang cellphone ko.

Nirecord ko ang usapan namin ni Maureen nang araw na iyon.

Pinlay ko ang record.

"Ehem. Akala ko ba may alam ka sa pagkamatay ng taong mahal ko which is si Audrey. Eh bakit hanggang ngayon kumakain ka lang dyan? Mukhang di ka pinakain ng ilang taon dahil dyan sa uri ng pag subo mo."

"Totoo ang sinasabi ko. May alam ako sa pagkamatay ni Audrey dahil nandon ako nang mangyari yon."

"Anong sabi mo? Nandon ka? Kung nandon ka bakit hinayan mo lang mangyari kay Audrey ang bagay nayon?!"

"Kasi natatakot ako! Natatakot ako na baka madamay ako! Na baka pag pinairal ko ang awa ko ay baka ako naman ang isunod nya! Takot na takot ako nung time na yon!"

"At dahil sa punyetang takot mo may namatay na tao! Nawala ang taong mahal ko! Yung kaibigan mo! Yung anak ko!"

"Sir tama na po yan."

"Yun na nga Blake. K-kinukunsensya ako. Kasi ako na bestfriend nya hindi nagawang iligtas sya. Blake hindi mo alam kung gaano kasakit saakin yun. Yung kailangan kong mamili sa dalawang taong kaibigan ko kung kanino ako kakampi. Hindi mo alam kung gaano kasakit saakin ang makita ang kaibigan ko pahirapan sya mismo sa harapan ko. Hindi mo alam kung gaano kasakit na masaksihan yung kaibigan mo na gasahin. Blake nakita ko yung lahat pero wala akong kahit anong nagawa kasi nilalamon ako ng takot."

Patuloy lang nyang pinapakinggan ang record.

Nang matapos na nyang pakinggan ito ay tulala na sya sa harap ng kabaong ni Audrey habang umiiyak.

"B-bakit kailangang sya pa? Bakit kailangan isa pa sa tinuturing kong kaibigan?" Umiiyak na usal nya.

"Hindi ko din alam kung bakit." Saad ko.

Umiyak lang sya ng umiyak hanggang sa napagod na ata sya dahil binalot na kami ng katahimikan.

Ilang segundo ang lumipas ay humarap sya saakin.

May makikita kang galit sa mata nya.

"Gusto kong makulong sila dahil sa ginawa nila. Gusto kong mabulok sila sa likod ng rehas. Wala na akong pakialam kung kabigan ko sya o hindi! Lahat ng may koneksyon sa pagkamatay ng kaibigan ko ay mananagot." Matigas na aniya.

Nakakatakot sya.

Napatango nalang ako.

Ngayon nakapag desisyon na ako.

Wala na akong pakialam sa tagal ng pinagsamahan na'tin Yassie. Pinatay mo ang mag ina ko kaya pagbabayarin kita.

Until The EndWhere stories live. Discover now