UTE - CHAPTER 25

7 0 0
                                    

11:30PM AT BLAKE'S HOUSE

Nakahilata ako ngayon sa sa higaan ko habang nakatitig sa kisame ng higaan ko.

Iniisip ko kung itutuloy ko pa ba ang pagpapatiwakal ko o hindi na.

Ini-imagine ko ang mukha ni Audrey at ang supposed to be daughter namin kung sakaling babae sya.

Lahat ng plano namin biglang nawala na parang bula. Lahat ng pinangarap namin na magkasama hindi na mangyayari.

Napapikit nalang ako. Sa pagpikit ko ay may dumaloy na mainit na likido sa gilid ng mata ko.

Namimiss ko sya. Gusto ko syang makasama.

Gusto ko syang makayakap. Gusto ko syang mahalikan. Gusto ko ulit syang makita sa pagdilat ng mata ko sa umaga. Gusto ko ulit syang makita na naghahain ng pagkain namin. Yung tipong para na kaming mag asawa sa turingan namin.

Sayang dahil hindi na ulit mangyayari ang mga bagay na iyon.

Sobrang labo na kasi wala na sya.

Sa mga naisip ko ba iyon hindi ko mapigilan na mapahagulgol.

"Wahhhh!" Sigaw ko.

Wala namang makakarinig sakin dahil sound proof ang kwarto ko dito sa bahay.

"Ayoko na!" Sigaw ko tsaka ginulo ang mga gamit sa bed side table ko.

Maski ang gamit sa study table.

Wala na akong paki kung mukhang binagyo ang kwarto ko.

Hindi ko na kayang pigilan pa ang nararamdaman ko.

Nawala na sakin ang pangarap ko. Pangarap kong makasama ang babaeng mahal na mahal ko. Bumuo ng pamilya kasama sya.

Pagod na akong humarap sakanila na parang wala akong dinadala. Nakakapagod mag panggap.

May nakita akong isang matulis na bagay sa sahig.

Swiss knife.

Siguro naman hindi kawalan sakanila na mawala ako no?

Umiiyak na dinampot ko ito at itinapat sa puso ko.

Pasensya na ayaw ko ng mabuhay sa mundo na wala sya.

Buong lakas na isinaksak ko ito sa puso ko.

Namalayan ko nalang na bumaksak ang katawan ko sa sahig.

Hanggang sa mawalan na ako ng hininga.

*****

Sherein's Point Of View

Nag ha humming akong umaakyat sa hagdan papuntang kwarto ni Kuya Blake.

Mommy said gisingin ko daw sya.

Nang makarating ako ay kinatok ko ang kwarto nya kaso walang sumasagot baka tulog pa sya?

Pinihit ko ang seredula ng pinto. Nabitiwan ko din ito ng makita ko ang nasa loob na syang nagpagulat saakin.

Si Kuya nasa sahig, dilat ang mata, may kutsilyo sa dibdib.

"KUYAAAAAAA!" Sigaw ko ng malakas.

Nakarinig nalang ako ng yapak ng paa pataas.

Dali dali akong lumapit sakanya at nilagay ang ulo nya sa hita ko.

Umiiyak na ako.

"K-kuya...wag ka naman mag b-biro oh. Gising na." Humagulgol kong saad.

"Anak! Anong nangya-" naputol ang dapat na sasabihin ni Mommy dahil siguro sa nakita nya.

Until The EndWhere stories live. Discover now