UTE - CHAPTER 18

4 0 0
                                    

"Surprise my dear oh-so-called bestfriend?" Nakangising tanong ng taong nasa harapan ko.

"A-ano? K-kayo yung may pakana nito? P-pero bakit? A-anong ginawa ko sainyo?" Nauutal na tanong ko.

Nakangising lumapit sakin si Yassie. Oo si Yassie.

Si Yassie at Maureen ang taong nasa harapan ko.

Hindi ko alam kung anong ginawa ko sakanila kung bakit nila ginagawa sakin ang mga bagay na ito.

Nang makalapit sakin si Yassie ay pinalandas ang daliri nya sa pisnge.

Tsaka ako pinakatitigan.

"Hindi ko alam kung anong meron sayo. Kung bakit mas pinili ka ni Blake kesa saakin. Wala naman akong makitang special sayo para piliin ka nya eh." Saad nya habang hinahaplos ang panga ko.

Biglang dinakma ang panga ako tsaka inilapit ang mukha nya saakin.

Nakatingin ang nanlilisik nyang mata saakin.

"Pero sisiguraduhin ko na mawawala ka sa landas naming dalawa. Papatayin kita. Pero bago ko gawin yon ay papahirapan muna kita." Madiing saad pagkuwan ay ngumisi ng malademonyo.

Padaskol nyang binitiwan ang panga ko.

Natatakot na ako.

Natatakot na ako sa kalagayan ng baby ko.

"Maureen." Tawag nya sa isang tao na akala ko ay kaibigan ko din.

Tinignan ko sya kaso umiwas sya ng tingin.

Lumapit si Maureen kay Yassie tsaka inabot ang kutsilyong hawak nito.

Nang nasa pakamay na nya ang kutsilyo ay pinaglaruan ng daliri nya ang talim nito.

"Wanna know kung anong gagawin ko sa kutsilyong ito?" Nakangising tanong ni Yassie saakin.

"A-anong gagawin mo dyan?" Nanginginig sa takot na tanong ko.

Lumapit sya saakin tsaka sinabunutan pataas ang buhok ko.

Natakot ako ng inilapit nya sa mukha ko ang kutsilyo habang nakangisi sya.

"Dudungisan ko ang mukhang ito na syang ikinahumaling sayo ng lalaking mahal ko." Nakangising saad nya.

Napaiyak nalang ako sa takot.

Hiniwa nya ang pisnge ko. Napakagat nalang ako sa dahil sa sakit. Patuloy pa din ang paglandas ng luha sa mata ko.

"Nang dahil sa mukhang ito kaya sya patuloy na lumalapit sayo. Ano kayang magiging reaction nya pag nakita ka nya sa ganitong sitwasyon? Yung punong puno ng sugat ang mukha mo? HAHAHA! Siguro pandidirihan ka nya. Siguro lalayo na sya sayo." Saad nito habang hinihiwa ang kabilang pisnge ko.

Patuloy lang sya sa ginagawa nya kahit na nakikita nya akong umiiyak.

Hinayaan kong lumabas ang hikbi sa mga labi ko.

Hindi ko na kaya. Nanghihina ako.

Natatakot ako dahil anytime pwedeng mawala sakin ang anak ko.

Natatakot na talaga ako.

"Blake..." Bulong ko.

'Please God! Save us!'

Hinawakan nya ulit ang panga ko.

"Ikaw kasi kung bakit ba naman kasi inagaw mo pa sakin ang taong mahal ko. Ayan tuloy." Mapang asar na saad ko.

Umiling iling ako.

"Wala naman akong ginawa sayo. Wala akong inagaw na kahit ano sayo. Kaya bakit mo ginagawa sakin toh?" Naiiyak na saad ko.

Ang sakit ng mukha ko dahil sa ginawa nya.

Until The EndWhere stories live. Discover now