UTE - CHAPTER 20

2 0 0
                                    

"Time of death 9:30 pm."

Para akong nabingi dahil sa narinig ko.

Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko. Pati na rin ang sakit na mula sa puso ko.

Fuck!

Bakit! Bakit kailangan si Audrey pa!

Muli na naman akong sinugod ni Rose dahil sa sobrang sakit na nararamdam nya.

"Kasalanan mo itong lahat! Kung hindi ka nya sana nakilala hindi mangyayari toh!" Sigaw nito saakin tsaka nito ako pilit na inaabot ako kung hindi lang sya pinipigilan ni Lira baka kanina pa nya ako nasabunutan.

Tumayo na ako sa pagkakaluhod ako tsaka ako tumakbo papasok sa loob ng room.

Nakabalot sya ng puting kumot.

Nanginginig ang kamay na inilapit ko ang kamay ko sa putng kumot na nakabalot sakanya.

Hindi ko din namamalayan na lumuluha na pala ako.

Ang sakit.

Ang sakit sakit ng nararamdaman ko. Hindi ko kaya.

Hindi ko kayang makita sya na nakahiga sya dyan.

Nang tuluyan ko ng maabot ang kumot ay binaba ko ito mula sakanya.

Mas lalo pa akong napaiyak ng makita ko itsura nya.

Nakakapanghina.

Puno ng sugat ang mukha nya.

Puno ng kalmot ang katawan nya.

Hindi ko kayang makita na ganito ang kalagayan nya.

Sino bang may gawa nito sakanya?

Sinong hayop ang gagawa ng bagay na ito sakanya?

Hindi ito katanggap tanggap.

Napaluhod nalang ako dahil sa kalagayan nya.

Hindi ko kayang tignan sumasakit ang puso ko dahil sa kalagayan nya.

"I'm sorry baby. I'm sorry. I'm sorry." Paulit ulit na sambit ko.

Wala akong ibang masabi kundi sorry kasi pakiramdam ko ay kasalanan ko lahat.

Napalitan ng galit ang nararamdaman ko sa kung sino man ang may kagagawan ng bagay na ito kay Audrey.

"Nanahimik man ako ngayon pero hindi ibig sabihin non na hindi ako galit sayo. Totoo sinisi din kita sa kung anong nangyari sa kaibigan ko. Wala naman syang ginawang masama para mangyari sakanya ang bagay na ito. Nagmahal lang sya ng isang katulad mo pero bakit kailangan pang mangyari sakaya ito? Ang kapalit ba para mahalin ka ay mamatay ang taong mag mamahal saiyo? Sobrang bait ng kaibigan ko para mangyari ang bagay na ito sakanya. Hindi nya deserve ang ganito. Hindi nya deserve ang isang katulad mo." Umiiyak na saad saakin ni Lira.

Nataman ako sa lahat ng sinabi nya. Tama sya hindi deserve ni audrey ang ganito.

Tinapik nya ang balikat ko at minuwestra ang kamay nya tumayo ako.

Inilahad nya ang kamay nya sa harap ko. Tinanggap ko ang kamay nyang nakalahad.

Tumayo kami at lumuluhang pinakatitigan si Audrey.

"Gusto ko mang sisihin ka at saktan ka ay hindi ko magawa dahil alam kong nasasaktan ka din sa nangyari sa kaibigan ko at sa pagkawala ng anak nyo na hindi pa naiisilang." Saad nya.

Humarap sya saakin.

May makikita kang apoy ng galit sa mata nya.

"Gusto kong hulihin mo ang taong may gawa nito sakanya. gusto kong pagbayaran nya ang ginawa nya. Sa paraang yon bayad kana." Madiing saad nya tsaka sya umalis.

Tinitigan ko ulit ang lagay ni Audrey.

Hinawakan ko ang kamay nya tsaka ito dinala sa labi ko para halikan.

"Baby promise hahanapin ko kung sino man ang may gawa sayo nito. Pagbabayaran nya kung ano man ang ginawa nya sayo. Sa baby natin. Pag natapos na ang ahat ng ito susunod ako sainyo ng anak natin. Para magkakasama na tayo. Pangako yan." Gumagaralgal ang boses na aniya ko.

Lumapit ako sakanya at hinalikan sya sa noo.

Lumabas na ako ng room nya dahil hindi ko kayang tignan sya sa ganoong kalagayan.

Namumula na ang mata ko kakaiyak. kaso sa paglabas ko ay nandon naman si Rose.

Nakasandal sa pader.

Nang makita nya ako ay bigla syang umalis. Namumula din ang nata nya nang makita ako.

Pero tinawag ko sya.

"Rose tama ba ako? I just wanted to say sorry." Saad ko.

"Hindi na mababago pa ng sorry mo ang mga nangyari." Saad nya ng walang lingon lingon.

Umalis na sya.

Naglakad nalang din ako palayo. Hindi ko pa alam kung saan ako pupunta.

Kaso kusang huminto ang paa ko sa chapel nitong Hospital.

Pumasok ako sa loob nito.

Hindi alam kung bakit pero gusto ko syang sumbatan.

Naiiyak na napaluhod ako.

Humarap ako sakanya.

Hindi ko na nakayanan. Gusto kong ilabas ang galit ko.

"Arghhhhhhh! Bakit?! Bakit si Audrey pa?! Bakit kailangan yung anak ko pa?! Bakit kailangan sila pa maging kabayaran ng kasalanan ko?! Hindi ba pwedeng ako nalang?! Bakit kailangan mo pa syang kunin sakin?! Alam kong hindi ako palasimbang tao! Alam kong hindi ako relihiyosong tao! Alam kong makasalanan ako! Pero wag naman sila...wag naman sila yung maging kabayaran! Kasi...k-kasi hindi ko kaya...hindi ko kayang mawala sya...sila." Umiiyak na usal ko.

Alam kong wala syang maisasagot sakin pero hindi ko din alam sa sarili ko kung bakit sakanya ko pa nailabas lahat ng hinanakit ko.

Inaamin kong makasalanan ako. Hindi ako perpekto. May kahina ako.

Takot ako.

Takot akong mawala sakin ang taong mahal ko.

Pero nangyari na. Wala na akong magagawa pa.

Pagkatapos kong umiyak ay tinignan ko muna sya bago ako napaluhod at naipikit ang mata.

'Please. Gabayan mo ko. Bigyan mo ko ng lakas. Kailangan kong hanapin ang may kasalanan nitong lahat.' Piping panalangin ko.

Tumayo na ako at lumabas ng chapel.

Hindi alam kung saan ako mag uumpisa.

Pero kailangan ko lang maniwala.

Mahahanap ko din kung sinong may sala.

Naglakad na ako papuntang parking lot pero may kumalabit sakin.

Pag lingon ko ay isa din sa kaibigan ni Audrey ang nasa harap ko.

Hindi ko alam ang pangalan nya pero alam ko. Isa sya sa kaibigan ng taong mahal ko.

Tumingin sya saakin ng may malungkot sa mata.

"Can we talk?" Tanong nito.

Kunot noo ko syang hinarap.

"For what? I'm a little bit busy sorry." I said.

"May importante lang akong sasabihin sayo." Seryosong saad nya.

Hindi ko alam kung bakit pero may kaba akong nararamdaman.

Ano bang pag uusapan namin.

"Bakit hindi mo na sabihin ngayon?" Tanong ko dito.

"Hindi pwede dito. Baka mamaya may makarinig pa na isa sa tauhan nya ang makarinig." Saad nya tsaka nilibot amg tingin.

Nalilito ko syang tinignan.

"Tungkol san ba yan?" Tanong ko.

"Tungkol sa pagkamatay ni Audrey."

Until The EndWhere stories live. Discover now