UTE - CHAPTER 15

2 0 0
                                    

3PM AT THE NEAREST HOSPITAL

Nanghihinang binuksan ko ang mga mata ko.

Ang sakit ng ulo ko.

"MA'AM GISING KANA!"

"MY GOODNESS AUDREY! THANKS GOD GISING KANA!"

Magkapanabay na sigaw ni Rose at Lira.

Nandito pala si Lira.

Mas lalo atang sumakit ang ulo ko sa sigaw nila.

Dagdag mo pang sabay silang lumapit sakin at niyakap ako.

"Ma'am may masakit ba sayo? Ayos ka lang po ba? Nahihilo ka ba?"

"My God! Girl anong gusto mo? Nagugutom ka ba? Maayos ba pakiramdam mo? Masakit ba tyan mo?"

Sunod sunod na tanong nila.

Napahilot nalang ako sa sentido ko dahil sa sunod sunod silang nagtatanong.

"Shut up!" Iritang sigaw ko.

Napatahimik naman silang dalawa.

"Mas lalong sumasakit ang ulo ko sainyong dalawa jusko!" Saad ko.

"Eh kasi naman-" naputol ang dapat na sasabihin ni Lira nang biglang dumating ang Doctor.

"Good Afternoon Misis gising kana pala." Nakangiting bungad nito.

Potangina ang gwapo.

Kaso di ko type mahal ko si Ano eh oo si ano.

Ano daw sabi nya? Misis?

"Pasensya na po pero hindi po ako kasal. Kaya Miss lang po hindi Misis." Saad ko dito.

Gulat naman ang mukha nito pero bigla ulit bumalik ang maaliwalas na ngiti nito.

"Ganon ba. I'm sorry. Anyway Miss Morgan congratulations!" Saad nya.

Congratulations? Para san?

"Wait lang po Doc ah. Congratulations po para saan?" Takang tanong ko.

"You're 4 weeks pregnant. So advice ko lang sayo bawal kang ma stress. Alagaan mo ang health mo from now on dahil may buhay dyan sa sinapupunan mo. Blessing yan para sayo." Nakangiting saad nito.

Shocks! Buntis ako?

Tulala akong napatingin at napahawak sa puson ko.

G-gago?

"And yung vitamins mo pala is binagay ko na sa isa sa mga friends mo. Yung nagdala sayo dito. Yun lang talaga ang sadya ko dito so pwede ka nang umuwi ngayon. Alagaan mo sarili mo and congratulations ulit." Nakangiti giit nya atsaka lumabas.

Wala sa sariling napangiti ako.

Humarap ako sakanilang dalawa.

Tahimik lang sila sa gilid hanggang sa mag salita si Lira.

"Wala ka bang balak sabihin sakin kung ano talagang nangyari sayo? And how come na ako lang tinawagan ni Rose? Bakit hindi kasama si Yassie and Maureen? Pinigilan nya pa ako ng balak kong tawagan yung dalawa." Masungit na puna nya.

"Gago ba? Tatawagan mo yung dalawa eh sila nga may kasalanan kay Ma'am Audrey kung bakit na i stress yan! Ayaw kong makita yang dalawa nayan kasama yang letcheng Blake na yan! Baka hindi ko matansya masapak ko lang yung gago na yun!" Galit na giit nito.

Hinawakan ko ang kamay ni Rose at tumingin kay Lira n nagtataka.

Nakatingin lang si Lira samin ng nagtataka.

"Ako na ang magpapaliwanag so Rose kalma." Saad ko.

Pinaupo ko si Lira sa harap ko.

Naalala ko na naman ang nakita ko.

Until The EndWhere stories live. Discover now