UTE - CHAPTER 24

3 0 0
                                    

1 months later

After collecting all of the evidence para makulong si Yassie ay ready na ang lahat.

With the of Maureen and some of Audrey's friends ready na ang lahat.

Naghihintay nalang kami ng tawag mula sa pulis.

Kung tinatanong nyo kung nasaan ang parents ni Audrey ay ang sabi ng friends nya ay patay na ang mga ito 2 years ago pa.

Hindi man lang nagkuwento saakin si Audrey.

But its ok.

Nagulat kami sa tunog ng cellphone ko.

Binabalot kasi kami ng katahimikan kanina.

Sinagot ko ang tawag.

"Hello?"

[Sir punta na po kayo dito dala dala na po namin sya.] Saad ng nasa kabilang linya.

Ang pulis pala ito.

"Sige papunta na kami." Sagot ko pabalik.

Binaba ko na ang tawag at nilingon silang nakatingin saakin.

"Nahuli na daw sya. Tara na." Saad ko sakanila.

Nagsitayuan naman sila at tumakbo na kami palabas.

Nagsipasukan sila sa kotse ko.

Nang makapasok ako ay pinaandar ko na ito.

Gusto ko ng mabigyang hustisya ang pagkamatay nila nang sa gayon, makasunod na ako sakanila.

*****

Nang makarating kami sa Police Station ay sabay sabay na nagsilabasan at tumakbo papasok ang mga kasama ko.

Sumunod ako sakanila ng makaipark ko ang sasakyan ko.

"Walang hita kang babae ka! Demonyo ka!" Rinig kong sigaw ni Lira.

Nang tuluyan na akong makalapit ay nakita ko ang nakangiting si Yassie.

Para ba syang siyang siya?

"HAHAHAHA! Kasalanan ko bang malandi yang kaibigan mo?" Tumatawang sagot nito.

Sinampal sya ng malakas ni Lira dahil siguro sa galit.

Tinignan ko si Rose na tahimik lang sa gilid na nagtitimpi na sumabog mula sa galit.

"Huwag na huwag mong pagsasalitaan ng ganiyan ang kabigan ko! Walang hiya ka! Mas masahol ka pa sa hayop! Demonyo ka! Ikaw ang malandi!" Sigaw ni Lira habang pinipigilan sya ng mga pulis na sugudin si Yassie.

Lumapit ako sakanila.

Nakita ako ni Yassie kaya naman nagpanggap syang umiiyak at aping api.

"B-blake...look oh sinisigawan nya ako. Pinagbibintangan nya ako. Hinuli pa ako ng mga walang hiyang pulis nayan kahit wala naman silang ebidensya laban sakin. Ni hindi ko nga kilala yang mga lalaki nayan." Pag mamakaawa nya sakin.

Tinignan ko sya ng malamig.

Nilapitan ko sya tsaka ko sya sinampal.

Nakita kong namula ang pisnge nya.

Gulat syang humarap saakin.

Tumahimik ang paligid.

"B-blake.." Utal na tawag nya saakin.

"Hayop ka! P-paano mo ito nagawa sakin huh?! Paano mo nagawang tanggalin saakin ang kaligayahan ko?" Madiin ngunit maluha luhang saad ko.

May galit na namutawi sa mata nya.

Mapait syang napatawa.

"Bakit? Bakit kasi hindi nalang ako? Bakit kasi naghanap ka pa ng iba eh nanditi naman ako? Lagi akong nasa tabi mo pero naghanap ka pa ng iba?! Blake bakit si Audrey napakadali mo lang minahal pero akong nandito mula pa noon hindi mo nagawang mahalin! So bakit?!" Sigaw nya sa mismong harap ko.

May luhang naglandas sa mata nya pero wala akong mahagilap sa dibdib ko na awa para sakanya.

Galit lang ang tanging nararamdaman ko.

"Kahit kailan hinding hindi ko magagawang mahalin ang isang katulad mo! Mula pa noon oo nagkagusto ako sayo kaya nga sinunod ko ang dare na gusto mo diba? Pero nakilala ko si Audrey. Ibang iba sya kumpara sayo! I love her! And i just liked you before nothing else! Kaibigan nalang ang turing ko sayo! Bakit hindi mo matanggap yon?!" Umiiyak na aniya ko sa harap nya.

Gulat at sakit naman ang namutawi sa mata nya.

"Kaya nga pinatay ko sya HAHAHAHA! Para kung hindi ka man maging akin at least wala ng iba pang magmamamay-ari sayo." Saad nya tsaka sya muling tumawa.

Potangina.

"At sisiguraduhin ko naman na mabubulok ka sa bilangguang hayop ka dahil sa ginawa mo sa kaibigan at sa inaanak ko sana." Gigil na saad ni Lira.

Napabaling naman sakanya si Yassie.

"Nandyan ka pa pala? HAHAHA! Bakit hindi mo nalang sundan ang haliparot na kaibigan mo sa kabilang buhay? Hindi ba't walang iwanan ang goal nyo?" Natatawang giit ni Yassie.

"Eh kung bangasan ko kayang peklas mong hinayupak na killer ka? Alam mo kanina pa ako nang gigil sayong hayop ka eh!" Singit naman ni Rose.

Nakalimutan kong nandito pa nga pala sila.

"Oh nandyan ka palang Yaya ka?" Asar ni Yassie.

Dahil sa hindi na nakapag timpi si Rose ay binigyan nya ng mag asawang sampal si Yassie.

Namumula na ang pisnge nya dahil sa sampal naming tatlo. Sorry not sorry.

"Deserve mo yan gago!" Sigaw nito.

Dahil siguro sa napapansin na ng pulis ang nangyayari ay hinila na nila si Yassie papasok sa selda nito.

"Blake! I love you!" Sigaw nito sakin tsaka nag flying kiss sakin.

Nangilabot naman ako.

"Pakyu!" Magka panabay na sigaw ni Lira at Rose.

Humarap ako sa pulis na nandito.

"Pwede bang pakibantayan mabuti yan? For sure kasi gagawa ng dahilan yon para makalaya." Bilin ko dito.

Well.

This police station is mine.

Sumaludo ito saakin.

"Yes Sir." Saad nito.

Tumango ako at tinapik ang balikat nya.

Inaya ko na paalis ang mga kasama ko.

Nang nasa tapat na ako ng sasakyan ko ay tinapil ako ni Lira.

Humarap ako sakanya.

"Thank you Blake." Nakangiting saad nito.

"Welcome. Ginawa ko ito para sakanila. No need to thank me. Kagustuhan ko din toh." Nakangiting saad ko.

Tumango lang sya at nagpaalam na saakin. Hila hila nya si Rose. Gagala daw muna sila.

Napailing iling nalang ako at pumasok sa kotse ko.

Balak kong puntahan ang puntod nila.

Bumili ako ng Kandila at Bulaklak.

Nang makarating ako doon ay sinindihan ko ang kandila at nilapag ko ang bulaklak.

"Audrey and Baby Shaneila malapit na tayong magsama sama. Ngayon na nasolve ko na lahat pwede naman na siguro akong sumunod sainyo noh? Hindi ko na kasi kayang magpanggap na ayos lang saakin ang lahat. Hindi ko na kayang lokohin ang mga taong nasa paligid ko na ayos lang ako. Hindi ko na kaya. Susunod na ako sainyo ah? Para magkasama sama na tayo. Mahal na mahal ko kayong dalawa." Naiiyak na giit ko.

Tumayo na ako at nag drive na paalis.

Sisimulan ko na yung matagal ko ng balak. Ang sundan ko ang mag ina ko sa kabilang buhay.

Until The EndWhere stories live. Discover now