UTE - CHAPTER 23

2 0 0
                                    

11:30 PM AT AUDREY'S FUNERAL

Nakatulalang nakatingin ako sa kabaong ni Audrey.

Hinihimas ko ang salamin ng kabaong nya.

Wala nang gaanong tao dito dahil sa gabing gabi na. Umalis na ang mga bisita kanina.

"Sayang baby. Hindi ko man narinig sayo ang salitang matagal ko nang gustong marinig sayo. Ni minsan hindi ko narinig ang salitang 'I love you' sayo. Kahit man lang sa kahuli hulihang sandali ng buhay mo hindi ko narinig sayo yon. Pero ayos lang sakin yon kasi sa mga kilos mo palang ramdam ko nang mahal mo talaga ako. Kung nasaan ka man ngayon hintayin mo ko ah? Pangako susundan kita dyan kahit sa impiyerno pa yan." Saad ko.

May naglandas pang luha sa mata ko na mabilis kong pinahid.

"Ano ba yan tignan mo oh umiiyak na naman ako. Gabi gabi nalang ganito." I said and once again wipe those tears that keep on falling into my eyes.

Palagi nalang ganito ang eksena ko pag nakatitig sa kabaong nya. Umiiyak.

Oo lalaki ako pero kapag ba lalaki wala ng karapatang umiyak?

Hindi ko alam pero ganito talaga ako. Umiiyak pag dating sa mga taong mahalaga saakin.

Napapikit nalang ako at napatingala para pigilan ang luhang gustong kumawala sa mata ko.

Ang sakit kasi eh.

*****

10AM AT THE CEMETERY

Nakatitig ako sa lapida nya.

Tuluyan na nya talaga akong iniwan.

Katabi ng puntod ni Audrey ay ang puntod ng anak namin.

Audrey Morgan

Born: May 5, 1998
Died: Nov. 12, 2018

Shaneila Morgan Azarcon

Ganda sana ng magiging pangalan ng anak namin kung hindi lang sya maagamg kinuha saamin.

"Blake. Aalis na kami sasabay ka ba?" Napalingon ako kay Lira na kasama si Rose na parehas na namumula ang mga mata at ilong sa kakaiyak.

Napailing nalang ako tsaka pilit na ngumiti sakanila.

"Hindi na. Dito na muna ako." Sagot ko tsaka binalik ang tingin sa lapida ng dalawang taong mahal ko.

"Ok." Sagot nito tsaka narinig ko ang yapak ng paa nila.

Lumuhod ako sa harap nilang dalawa tsala hinimas ang lapida nila.

"Ang daya nyo namang dalawa. Bakit hindi nyo ko sinama sainyong dalawa ng umalis kayo? Edi sana magkakasama din tayong aakyat dyan. And Baby Shaneila i'm sorry ah? Naiiyak ako kasi hindi ka man lang namin nahawakan. Nayakap. Hindi mo tuloy naramdaman kung anong pakiramdam ng pagmamahal ng mga magulang. Andaya kasi kinuha ka agad samin. I'm sorry baby." Humahagulgol na aniya ko.

Naramdaman kong may pumatak na isang butil ng tubig mula sa kalangitan.

Uulan na ata.

Pero ayoko pang umalis. Hindi ko pa kayang mawalay sakanila.

Hinayaan kong mabasa ako ng ulan.

Umihip ang malakas na hangin.

Nanginginig na ako pero wala pa akong balak na umalis.

"Kuya!" Boses ni Sherein.

Lumapit sya saakin at pinayungan ako.

"Kuya why naman nagpabasa ka sa ulan huh!" Singhal nya.

Until The EndWhere stories live. Discover now