UTE - EPILOGUE

10 1 0
                                    

1 YEARS LATER

Nakatayo ako ngayon sa harap ng puntod ng aking Kuya at ng kanyang magiging pamilya sana.

Napabuntong hininga nalang ako tsaka umupo at pinalis ang mga dahong tumatabon sa lapida nila.

Kung hindi sana nangyari lahat ng yon siguro naging isang masayang pamilya sila.

Sinindihan ko ang kandila sa bawat isa sakanila at inilapag ang bulaklak sa gitna.

Nag indian sit ako sa harap nila.

"Hayyy Kuya, Ate, Baby Shaneila." Usal ko.

Napayuko nalang ako tsaka napabuntong hininga.

Feeling ko sa oras na bumuka ang bibig ko may luhang lalandas sa mata ko.

Humarap ulit ako sakanila.

Napalunok pa ako bago magsalita.

"M-miss ko na kayo. Lalo kana Kuya. Hindi ko talaga kaya pag wala ka eh. Masyado ata akong naka depende sayo. Pero alam mo Kuya sobrang thankful ko na ikaw yung naging Kuya ko kahit na sobrang mapang asar ka. Namimiss na kita Kuya. Tinatanong ko minsan sa tadhana kung bakit...bakit kailangan pang sainyo mangyari ito? Wala naman kayong ginagawa bukod sa mahalin yung isa't isa diba? Masama bang magmahal? Nakakamatay ba yon?" Natatawang tanong ko sakanila.

Pero alam nyo yung tawang walang kabuhay buhay? Ganon kasi nagawa ko.

Pero sa pagtawa ko may lumandas na luha sa mata ko.

"Sorry ah kunt nagiging madrama ako. Wala kasi akong makausap at mapaglabasan ng sama ng loob eh kaya dito nalang. At Kuya alam mo bang balak umalis nila Mommy kasama ako? Pupunta kami ng America." Malungkot na aniya ko.

Umihip ang malamig na hangin na tila'y kino comfort ako.

Napaiyak na naman tuloy ako.

"A-ayokong umalis Kuya. K-kasi pag sumama ako hindi ko na kayo makikita. Hindi ko na kayo madadalaw. Wala akong mapagsusumbungan." Umiiyak na saad ko.

Hindi ko mapigilan.

"Babalik ka pa naman diba?"

Lumingon ako sa likod ko ng marinig ko ang boses na iyon.

Doon ko nakita si Ate Lira.

Tumabi sya sakin at inakbayan ako.

"Babalik pa naman dito diba? Kaya bakit kailangan mong umiyak?" Tanong nya saakin.

Ngumuso ako.

"Hindi ko na kasi mabibisita sila Ate at Kuya." Aniya ko.

Pabiro nya akong pinalo sa braso.

"Alam mo Sherein babalik ka pa naman dito. Pwede mo pa silang dalawin kahit araw arawin mo pa pag balik mo. Tsaka malay mo dalawin ka ng Kuya mo don." Nakangising aniya.

Nangilabot ako.

Napakapit ako sa braso nya.

"Ate naman..." Natatakot na saad ko.

Napatawa naman sya sakin.

"Tignan mo gusto mong makasama at makita Kuya mo kahit na pumanaw na tapos takot ka naman palang dalawin ka nya kahit sa panaginip mo lang." Natatawang giit nya.

Napabitaw naman ako.

"Kasi namimiss ko na sila. Lalo ko silang mamimiss pag umalis na ako papuntang America." Malungkot na giit ko.

Inakbayan nya ako tsaka ginulo ang buhok ko.

"Wag ka ng malungkot. I'm sure masaya na yung Kuya mo kung nasaan man sya. Tsaka kung araw araw kang malungkot baka di ka mag ka jowa nyan." Biro nya.

"Ate!" Angil ko.

Tumawa sya.

"Ito naman di mabiro. Huwag ka na kasing malungkot. Isipin mo nalang hindi magugustuhan ng Kuya mo pag ganyan ka kalungkot. Masaya na yung Kuya mo kasi nakasama na nya yung taong mahal nya sa kabilang buhay tapos ikaw malungkot dyan kasi naiwan ka? Mag move on kana. Tandaan mo hindi ka magiging masaya ng tuluyan kapag hindi ka nag move on. Hindi ko sinasabing kalimutan mo ng tuluyan Kuya mo ah? Ang sinasabi ko lang tanggapin mo sa sarili mong wala na sya. Nawala man sya at least may nga memories kayo together na pwede mong ikeep." Aniya saakin.

May nag landas naman na luha sa mata ko dahil sa sinabi nya.

Napaiwas ako ng tingin tsaka pinalis ang luha sa mata ko.

"Pero Ate ang hirap kasi." Malungkot na saad ko.

Ginulo nya ang buhok ko.

"Oo nga mahirap pero tandaan mo. Time heals everything. Oras ang makakapag pahilom sa puso mo. Pag nandon ka na sa America simulan mo ng maka move on. Tsaka hanapan mo kong Afam." Natatawang aniya.

Napatawa nalang din ako dahil sa kalokohan nya.

"Ipapakilala kita pag meron akong nahanap." Sakay ko.

"Aba dapat lang noh! Gusto ko yung Afam na gwapong mayaman."

Nagtawanan kami sa biro nya.

Napatingin kami sa puntod nila.

"Ate pag wala na ako pwede bang ikaw ang maglinis dito sa puntod nila?" Walang lingong saad ko sakanya.

"Oo naman. Video-han ko pa kung gusto mo eh." Humagikgik na aniya.

Natawa nalang ako sa kalokohan nya.

Katahimikan na ang sunod na bumalot saamin.

Nadistorbo lang ng marinig kong tumunog ang cellphone ko.

Sinagot ko ito ng makita kong si Mommy ang tumatawag.

"Hello Mommy." Sagot ko.

[Anak nasaan ka na? Ikaw nalang ang hinihintay namin para makaalis na tayo. Baka ma late tayo sa flight natin.] Mommy said.

Nakaramdam ako ng lungkot dahil ngayon pala ang flight namin.

"Sige po Mommy pauwi na po ako." Mahihigang lungkot na aniya ko.

Tumayo na ako at inayos ang suot ko.

[Ok honey. Take care. I love you.] She said.

"I love you too Mommy." I said and end the call.

Humarap ako kay Ate Lira na nakatitig sakin.

Sumimangot ako sa harap nya.

"Ate kailangan ko na pong umalis. N-ngayon yung flight ko eh." Malungkot na saad ko.

Nalungkot ang mukha nyang humarap sakin.

Tumayo sya at niyakap ako.

"Mag-iingat ka don ah? Nabawasan na naman ako ng kaibigan." Malungkot na aniya.

Niyakap ko sya pabalik.

"Hindi naman ako mamamatay Ate. Lilipad lang ako papuntang America." Natatawang saad ko.

Bumitaw na ako sa yakap at ganon din sya.

Winagayway ko ang kamay ko sakanta tsaka naglakad palayo.

Ayokong lumingon kasi baka maiyak lang ako.

"Take care Sherein! Hanapan mo ko ng Afam ah!" Sigaw nya saakin.

Lumingon ako sakanya ng natatawa.

Tsaka tumango.

Tumingin ako sa kalangitan.

Hirap pigilan ng luha ko.

Huminga ako ng malalim.

"Kita mo Ate Audrey mahal ka ng kapatid ko. Nagawa ka nyang sundan hanggang sa kabilang buhay. Nakakamatay talaga ang pag-ibig."

Bulong sa hangging saad ko.

Sana makatagpo ako ng pag ibig na kagaya ng sainyo.

Yung handa akong sundan kahit sa kabilang buhay man yan.

Tunuloy na ako sa paglalakad.

Pag nasa America na ako.

Susubukan kong tanggapin sa sarilu kong wala na talaga ang kapatid ko.

Susubukan ko.

THE END

Until The EndWhere stories live. Discover now