Hello Again (Update 2.2.)

62.5K 4.3K 3.3K
                                    

Pinag-isipan ko itong mabuti buong magdamag. Aaminin ko, nag-alangan ako. Kung babalikan ko kasi ang premonition ko ay talagang bangungot ito. I tried to convince myself na wag ng tumuloy sa Casa Castellano dahil delikado. I've seen all the blood and crimes that are about to happen there. It's a suicide if I'll go there again. Pero hindi kaya ng aking konsensiya na kalimutan na lang ang lahat. May pangalawang pagkakataon na ibinigay sa akin para mabago ang mga maaaring mangyari at kailangan kong gamitin ang pagkakataong iyon.


"What is that?" Isang lalaki ang nagsalita sa aking likuran.


Nang linungin ko ito upang mapagsino ay nagulat ako. "G-Green? A-anong ginagawa mo rito?" Kanina pa yata siya sa likuran ko at nakamasid sa akin. Kasalukuyan akong nandito sa hardware ng isang mall.


Sinilip niya ang mga pinamili ko sa pushcart. "Anong gagawin mo sa axe?"


Tinalikuran ko siya at pinagulong na ang aking pushcart palayo. "Sinusundan mo ba ko?"


Humabol siya sa akin at dinampot niya ang bag ko.


Inagaw ko sa kanya iyon pero huli na nang mabuklat niya. "Medecine kit, rope, gloves and knife?" Pinaningkitan niya ako ng mata. "Are you going on a war or balak mo lang talagang murderin ang pamilya ko?"


Naagaw ko sa kanya ang aking bag. Ibinalik ko ito sa pushcart. "Ano ba talagang ginagawa mo dito?"


"I need to confirm kung nabaliw ka na ba talaga nang tuluyan."


"Hindi ako baliw!"


"Yeah, say all you want, but you look like a psycho killer to me now." Napailing-iling siya.


"Bakit ba nandito ka, ha? Di ba break na tayo?!"


"Ikaw lang ang nakipag-break, ako hindi." Ngumisi siya. "I'm not letting you go, Ember."


"Dahil malaki na ang gastos mo sa akin?" Sinalubong ko ang mga mata niya. Alam ko na susumbatan niya na naman ako. Kilalang-kilala ko na si Green at alam ko kung ano ang mga gagawin at sasabihin niya para makontrol ako. Pero this time ay hindi siya uubra sa akin, hindi niya ako magi-guilt trip o matatakot dahil buo na ang pasya ko na hiwalayan siya at ituloy ang plano ko papunta sa casa.


"Ang tapang mo na bigla, Ember. Hindi ka naman dating ganyan, ah?"


"Ipinaliwanag ko na sa 'yo ang lahat pero ayaw mo namang maniwala kaya pabayaan mo na lang sana ako."


Mahina siyang napahalakhak. "Is this all about your premonition again?"


"Ewan!" Nilampasan ko siya matapos akong umirap sa kanya.


"Hey! Bakit iniirapan mo na lang ako ngayon, huh?!" Humabol siya sa akin.


Hindi ko siya pinansin. Tuloy lang ako sa pagtulak sa cart.


"Okay, fine!" Humarang siya sa daraanan ko. "I'll go with you."

Casa Inferno (The heart's home)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon