Chapter 14

166K 8.4K 5.1K
                                    

Chapter 14

PADASKOL kong binuksan ang pinto ng kwarto papasok. Nanginginig akong dumeretso sa aking aparador. Katatapos lang ng pakikipag-usap ko kay Green sa cell phone.

Sariwa pa sa isip ko ang mga sinabi niya. Si Lolo Saul daw ay hindi si Lolo Saul. Si Lola Soler ay hindi si Lola Soler. Kung ganon ay sino ang dalawang matandang ito na kasama namin?

Nasaan ang tunay na Lolo Saul at Lola Soler?

Dinampot ko ang aking damit at inihagis sa kama. Sa ilalim ng aparador ay hinila ko ang aking bag at marahas itong binuksan. Isinalampak ko sa loob nito ang lahat ng aking madampot. Sa sobrang takot ay hindi ko na alam ang aking ginagawa. Basta ay natatandaan ko lang ay kailangan kong mag-empake.

Kailangan kong makaalis dito, kailangan kong nakatakas dito!

Kulang na lang ay suntukin ko ang sarili ko. Bakit nga ba nag-stay pa ako dito gayung nararamdaman ko na parang may mali? Ang tanga ko! Sana noon pa lang ay nakinig na ako sa mga banta ni Klay sa akin!

Napakurap ako.

Si Klay?

Ano nga ba ang dahilan kung bakit pinili ko na mag-stay dito? Bakit hindi ko magawang umalis dito sa kabila ng mga maling nangyayari simula pa lang nang mag-stay ako dito?

Natutop ko ang aking bibig. Ipinilig ko ang aking ulo.

Bakit nga ba? Dahil hindi ko maiwan si Klay? Pero sino ba siya? Ilang araw ko pa lang siyang kilala, di ba? Bakit ako mag-aalala sa kanya?

Nagpatuloy ako sa pag-e-empake. Kahit nanginginig ang mga kamay ko ay binilisan ko ang aking pagkilos. I have to go. I need to go home. Bahala na kung saan kami magkikita ni Green. Ang mahalaga ay makaalis ako dito bago magdilim.

Hindi na ako nag-abala na ligpitin ang ibang gamit ko. Sayang lang ang oras ko kung gagawin ko pa ito. Isa pa, wala na ako sa sarili. Wala akong ibang nasa isip kundi ang makaalis sa lugar na ito.

Hindi na ako nagpalit ng damit. Naihalo ko nga yata sa loob ng bag ang malinis at maruming damit. Bitbit ang aking bag ay patakbo akong lumabas ng pinto. Naibagsak ko lang ito sa sahig nang may bumungad sa harapan ko.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Lola Soler.

Napaatras ako.

Shit!

Napatingin siya sa bag. "Aalis ka?"

Umiling ako. "H-hindi po..." Tagaktak ang pawis ko.

"Bakit ka may dalang bag?"

Napalunok ako. Kalmado kuno na nilapitan ko ang bag ko. "I-inilagay ko po dito maruruming damit ko. P-plano ko pong labhan bukas." Ginalaw ko ang zipper ng bag matapos kong lumuhod sa haraan nito.

Nakatitig lang siya sa akin. Pormal na pormal ang kanyang itsura. Hindi ako makatingin sa kanya. Isang tanong niya pa ay bibigay na ako.

Narinig ko ang pagsikip ng kanyang paghinga. Lagot!

Diyos ko! May inilabas siyang kutsilyo mula sa kanyang likuran!

Namanhid ang aking katawan kaya hindi ako makakilos. Parang tinakasan ako ng lahat ng pakiramdam. Tanging utak ko na lang ang gumagana. Tinitimbang ko ang kanyang galaw kung saan niya ako sasasaktan. Ang pinakamalapit na posibilidad ay sa ulo. O pwede ring sa leeg, o sa sentido.

Napapikit ako.

"Gamitin mo ito." Sabi niya.

Napadilat ako. "P-po?"

"Iyong laundry area dito ay iginapos ko ng tali ang pinto. Gamitin mo ito para mabuwal iyon."

Namutla akong inabot ang hawak niyang kutsilyo.

Casa Inferno (The heart's home)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon