Chapter 25

187K 7.2K 2.8K
                                    

Chapter 25

PRESENT

Maingat kong isinara ang diary na hawak ko. Totoo ba ang lahat ng nabasa ko? Si Corazon ba talaga ang nagsulat nito?

Hindi ko man alam ang kanyang sulat-kamay, ipinadama naman sa akin ng bawat pahina nito na wala itong halong kasinungalingan. Ang bawat letra nito ang sumasagisag sa mga sakit na kanyang pinagdaanan. Ang pait sa kanyang puso ang lumalarawan sa diin ng kanyang pagkakasulat.

Oh, God. Anong gagawin ko? Hindi ko na alam ang iisipin ko matapos kong mabasa diary na ito.

Pumukaw sa akin ang paghagulhol ng matandang lalaki na si Rogelio. Tulad kanina, nanginginig pa rin ang katawan niya. And based nga sa nabasa ko, hindi na siya ang asawa ni Corazon. Pihadong ang katawan niyang ito ay pag-aari na nga ng diablo.

Kailangan kong makatakas sa kanya. Dahil kung sakaling hindi totoong diablo ang nasa katawan niya, tiyak naman na nasiraan na siya ng bait.

Sino ba naman ang hindi mababaliw sa nangyari sa kanila?

Habang abala si Rogelio sa paghagulhol sa isang sulok ay marahan akong gumapang palayo sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang kanyang nasa isip. Nakasubsob lang ang kanyang mukha sa kanyang mga braso na nakayapos sa kanyang mga tuhod.

Maingat akong naglakad patungo sa pintuan palabas. Halos hindi na nga dumampi sa sahig ang talampakad ko.

Subalit bago pa ako makalabas ng pinto ay nahablot niya ang binti ko!

Shit!

Tumayo siya habang bitbit ang aking isang binti. Patiwarik akong lumutang sa ere bago niya ako itinapon sa kung saan!

Ang lakas niya!

Natagpuan ko ang aking sarili na nakasalansan mula sa natumbang aparador. Dito niya ako siguro itinapon.

Masasakit ang katawan ko. Pakiramdam ko ay nabali ang tadyang ko. Kumirot na naman ang balikat ko na sinakmal niya kanina. Umagos muli ang dugo mula rito. Pakiramdam ko ay naliligo na ako sa sarili kong dugo.

Napangiwi ako matapos kong hilutin ang aking likuran. Hirap man akong itindig ang aking katawan ay sinikap ko pa rin.

Kailangan kong makatakas! Papatayin niya ako!

“Kasalanan nila ang lahat,” maaligasgas ang tinig na sabi niya. Mayamaya pa'y humalakhak siya. Banat na banat ang kanyang nangulubot na mukha.

Sa paningin ko ba'y tila napupunit ang kanyang pisngi mula sa kanyang pagkakangiti. Sumulpot ang nangingitim at nabubulok niyang mga ngipin.

Walang kasalanan si Klay sa mga nangyari. Wala siyang alam na ganoon pala ang totoong nangyari.

Sa kagustuhan Don Saul at Doña Soler na gumaling ang kanilang apo, inialay nila ang katawan ni Rogelio sa diablo. Pero walang alam si Klay sa ginawa nila. Hindi niya kasalanan kung gumaling man siya sa sakit niya!

Isang sakit na hindi rin alam ng makabagong teknolohiya kung paano malulunasan. Isang sakit na akala ni Green at ng ibang tao na isa lamang simpleng karamdaman.

Walang may alam na ang sakit pala ni Klay ay galing rin sa diablo. Dahil ang matandang mag asawang Castellano pala ay matagal ng may koneksyon sa kadiliman, bilang kapalit ng kanilang tinatamasang kayamanan. Iyan ang ipinapahiwatig ng diary ni Corazon.

Ngunit inosente si Klay. Hindi niya ginusto ang buhay na pinasok ng kanyang lola't lolo. Wala silang kamalay-malay ni Green sa totoong pinagmulan ng lahat ng ito.

At dahil tuso ang diablo, sa katapusan ay wala ring napala ang tunay na Saul at Soler Castellano. Sa huli, sila rin ang pinarusahan ng kasakiman nila. At magsisi man sila ay huli na.

“Kasalanan nila ang lahat!!!” biglang sigaw ni Rogelio.

Ang sakit sa tainga ng kanyang boses. Sa pandinig ko ay para bang nagmumula siya sa ilalim ng lupa. Makapanindig balahibo. Nakakarimarim.

Iika-ika akong nanakbo palabas ng pinto. Sa di kalayuan ay natagpuan ko doon ang palakol na nakatarak sa sahig.

Mabilis ko itong nilapitan at hinugot. Habang sa likuran ko ay naririnig ko ang mabibilis na yabag ni Rogelio na papalapit sa akin!

I got to move fast.

Mabilis akong umikot paharap at inihampas sa kanya ang palakol. Pero bago ko iyon nagawa ay nasalo niya kamay ko. Sa isang iglap ay tila ba dumulas ito sa kamay ko. Bigla na lang itong nawala sa akin nang mabitawan ko ito sa sahig.

Sinakal ako ni Rogelio at iniangat sa ere. Dahil malapad ang palad nila at mahahaba ang kanyang mga daliri, isang kamay lang ang gamit niya nang pisilin niya ang aking leeg.

Hindi ako makahinga. Unti-unti ay naghahabol na ako sa paghinga.

Sinubukan ko siyang kalmutin pero balewala. Manhid na yata ang kanyang balat kahit sugatan ko pa siya.

[ A horror novel by Jamille Fumah ]
[ all rights reserved 2017 © JFstories ]

Nanghihina na ako. Lumalabo na yata ang paningin ko.

Mamamatay na ba ko?

Hanggang dito na lang ba ko?

Hanggang sa namalayan ko na bumagsak na ang aking kamay. Nagdidilim na rin ang paningin ko nang biglang may tumilansik sa aking dugo. Pagbagsak ko sa sahig ay kasabay ko ang putol na kamay ni Rogelio.

Nang lingunin ko kung ano ang nangyari ay tinaga pala ng palakol ng kung sino ang kanyang braso.

It was Klay!

Nilapitan agad ako ni Klay at binuhat palayo kay Rogelio. Maingat niya akong inilapag sa sahig. Hindi man siya makapagsalita ay nababasa ko naman sa kanyang mga mata ang pag-aalala.

Bahagya lang napaupo si Rogelio nang matuklasan niyang wala na siyang isang braso. Pero hindi kakikitaan ng sakit ang kanyang mukha. Parang wala lang sa kanya nang putulin ni Klay ang braso niya.

“K-Klay...” Napatingala ako sa kanya. Tulad ko ay duguan na rin siya.

Ngumanga nang malaki si Rogelio na halos ikapunit ng kanyang pisngi. Pagkuwan ay naglabas siya ng kakaibang ingay mula sa kanyang bibig.

Ang kanyang boses ay makapanindig-balahibo. Parang nagmumula yata ito mula sa impiyerno.

Kinabig ako ni Klay at dinala sa kanyang likuran. May hinugot siya sa kanyang bulsa at itinutok kay Rogelio.

Baril!

Pero bago niya makalabit ang gantilyo nito ay nakalapit na pala sa amin si Rogelio.

“Klay!” sigaw ko.

Mabilis kasing nakapitan ni Rogelio ang braso ni Klay at binali ito.

Napaungol sa sakit si Klay. Pagkatapos ay sinakal siya nito at malakas na idinikdik sa pader.

Nang mabitawan ni Klay ang baril ay dinampot ko agad ito. Kamuntik ko pa itong mabitawan nang itutok ko ito kay Rogelio. “B-bitawan mo siya...” Kandautal ako sa takot. “K-kung hindi ay babarilin kita...”

Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung kaya ko itong iputok! Natatakot ako na baka makapatay ako!

Kahit diablo pa siya, ang katawan niya ay sa tao pa rin. At hindi buo ang loob ko na kumitil ng buhay ng kahit sinong tao. May sanib man ito o wala.

Umikot ang ulo ni Rogelio paharap sa akin at ngumiti ito. Ang dugo at laway niya ay naghahalo habang umaagos ito mula sa kanyang bibig.

Anong gagawin ko?!

I got to think fast! Mukhang hindi na makahinga si Klay dahil sa pagkakasakal niya. Ilang sandali na lang ay malalagutan na siya ng hininga.

Kailangan ko siyang barilin. Kailangan ko siyang patayin! Pero kaya ko ba? Paano kung mapatay ko siya?

Kung hindi ko naman siya babarilin ay baka si Klay naman ang mapatay niya.

“K-Klay...” Natakot ako nang makita kong nangingitim na ang mga labi ni Klay.

Bahala na!

Pumikit ako bago ko pinaputok ang baril.

Shit! Hindi ko siya tinamaan!

Casa Inferno (The heart's home)Where stories live. Discover now