Hello Again (Update 2.1)

109K 5.5K 9.3K
                                    

"DON'T WORRY. EVERYTHING'S GONNA BE OKAY."


Napaatras ako. Alam ko na ngayon ang totoo—na iba na siya.


Hindi na siya iyong Klay na akala kong "siya". Niloloko niya lang ako. Pinapasakay. Itinatali sa kanya para hindi na makawala pa. Alam ko na ngayon na nagpapanggap lang siya, hindi na siya normal na tao –isa na siyang diablo!


Pero nasaan na ang tunay na Klay?


Buhay pa ba ito? Nasa loob pa rin ba si Klay ng katawang ito?


May paraan pa ba para mabawi niya ang kanyang katawan at makaligtas siya? May paraan pa ba para maitaboy at mapabalik sa kung saang lupalop man ng impyerno nagmula ang diablong umagaw sa katawan niya?


"Is something the matter, Ember?"


"W-wala..." Bitiwan mo na ang kamay ko, Klay!


"Are you sure? Namumutla ka."


"A-ayos lang ako..." Please, bitawan mo na ako.


Ngumiti siya sa akin sa rearview mirror ng kotse. "I know you're lying, Ember."


"H-hindi. Ayos lang talaga ako, pagod lang. B-bilisan na nating makarating sa pier p-para makapagpahinga na tayo..."


Napalunok ako nang tila nagbago ang kulay ng mapungay niyang mga mata. Lalo akong binaha ng kaba ng ihinto niya ang kotse sa gilid ng kalsada.


"B-bakit tayo tumigil, Klay?"


Hindi siya kumibo. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana habang seryoso ang kanyang mukha.


"K-Klay, b-bakit tayo tumigil?" Pinilit kong magpakatatag at wag ipahalata sa kanya ang takot na nararamdaman ko kahit pa alam kong hindi ako nagtagumpay. Hindi ko kayang itago sa kanya ang panginginig ng boses at mga kamay ko.


Cool na sumandal siya sa sandalan ng driver's seat at sumipol.


"K-Klay, tara na... B-baka hindi tayo makaabot sa barko." Dahil hindi naman kami nakapagbook ng flight at hindi sapat ang perang bitbit ko para makapag-airplane kami pabalik ng Manila.


Hindi pa rin siya tuminag. Kampante lang siya sa tabi ko habang hawak-hawak pa rin ang nanlalamig at nanginginig na kaliwang palad ko.


"K-Klay... tara na sabi..."


Gustong-gusto ko nang bawiin ang palad ko mula sa pagkakahawak niya pero natatakot ako sa magiging reaksyon ni Klay. At naiinis ako sa sarili ko dahil kahit natatakot ako sa kanya ay hindi ko pa rin magawang magalit na niloko niya ako.


May parte ko na hindi matanggap na ang nasa loob niya ngayon ay isa na ngang diablo.


Casa Inferno (The heart's home)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon