Chapter 13

163K 9.2K 4.4K
                                    

HINDI ako pwedeng magkamali. Kay Aling Belen ang botang iyon!

At anong ibig sabihin nito? Bakit puro dugo ang botang ito? Anong nangyari kay Aling Belen? Bakit hindi siya nagpakita nitong Linggo?

Hinihingal akong napatalukbong ng kumot matapos kong lundagin ang aking higaan. Takot na takot kong isinara ang pinto bago humilata at tumalungko.

Posible nga kaya? Totoo kaya na baka pinatay niya si Aling Belen?

Ipinilig ko ang aking ulo. Isang tao lang ang unang pumaosk sa isip ko.

Si Lola Soler.

Bumalikwas ako ng bangon at lumabas ng kwarto. Kahit nanginginig ako sa takot ay binalikan ko ang ilalim ng lababo. Baka kasi namamalik mata lang ako. Baka kasi guni-guni ko lang ang nakita ko.

Pero nang silipin ko ulit iyon ay nahintatakutan ako. Ilang beses ko pang ikinurap ang mga mata ko.

Katabi ng bota na ito ang duguan din na palakol. Ang palakol na nakita ko noong una na halos mukhang bago.

Nanakbo ako papasok sa aking kwarto. Isinara ko ang pinto at ni-lock ito. Napahagulhol ako. Niyakap ko ang sarili ko habang umiiyak.

Natigilan lang ako nang maaninagan ko ang hugis ng isang lalaki sa aking harapan.

Napaatras ako. "K-Klay?"

Pumaling ang kanyang ulo habang nakatitig sa akin.

Nilingap ko ang paligid. Wrong room. Sa takot ko ay hindi ko namalayan na kwarto pala ni Klay itong napasok ko.

Bakas sa mukha ang pagtatanong. Lumapit siya sa akin kaya napayuko ako. Ikinubli ko ang aking mga luha ngunit bigla niyang iniangat ang aking mukha.

Tiningala ko siya at saka niya pinunasan ang aking mga luha.

"K-Klay..." Usal ko.

Kinabig niya ako papunta sa malapad niyang dibdib at ikinulong sa kanyang braso. Napakainit ng kanyang katawan nang mga sandaling iyon.

Nagpatuloy ako sa paghagulhol.

Hinimas niya ang aking likod. Inalo niya ako.

"P-pinatay siya..." Ani ko.

Kumalas siya sa akin.

"P-pinatay si Aling Belen..." Garalgal ang boses ko. "P-pinatay siya..."

Tinalikuran niya ako. Nagtuko siya sa kanyang aparador at itinulak ito. Iginaya niya ako sa lagusang natatakpan niyon.

"No, Klay..." Umiling ako. "H-hindi ako aalis dito nang hindi ka kasama..."

Napayuko siya.

Lumapit ako sa kanya at kinuha ko ang kanyang palad. "S-sumama ka sa'kin... t-tumakas tayo..."

Umiling siya.

"B-bakit? Bakit ayaw mo?"

Hindi siya kumibo.

"Klay, pinatay niya si Laing Belen." Si Lola Soler ang tinutukoy ko. "Papatayin niya rin ang Lolo mo, papatayin ka rin niya..."

Madilim ang kanyang mukha. Nararamdaman kong may itinatago siya sa akin.

"Please, tell me..." Muli kong hinawakan ang kanyang kamay. "Bakit ayaw mong umalis dito? Bakit ayaw mong tumakas kasama ako?"

Tumingin lang sa akin ang malamlam niyang mga mata.

Napayuko ako. "I get it. Mahal mo nga pala ang lola mo..."

Wala ako sa sariling lumabas ng kanyang kwarto. Hindi ko pa rin alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.

Casa Inferno (The heart's home)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon