Chapter 5

185K 8.7K 5.3K
                                    


BIGLA akong nakarinig ng kumakalam na tiyan. Sa likuran ko ay naririnig ko ang lumalagutok na mga buto at tila napupunit na laman.


Napaatras ako nang lingunin ko ito. Bakit itong ika-anim na kwarto -


- bakit nakabukas ito?!!


Pinakatitigan ko iyon. Para kasing may nakikita akong taong nakadapa sa loob niyon.


Ano ang nilalang na iyon? Bakit nakatingin sa akin habang gumagapang ito?


Napaatras ako.


Hindi ko maigalaw ang nanginginig kong mga tuhod. Gustuhin ko mang sumigaw ay hindi ko magawa. Parang biglang may bumara sa aking lalamunan kaya hindi ako makapagsalita.


Papalapit na siya. Gumagapang siya pero baligtad ang katawan niya.


Tagaktak na ang aking luha sa takot. Lalo na't bumilis ang paggalaw nito. Nang makalapit ito sa akin ay nilundag ako.


"W-wag..."


"Wag..."


"Wag!!!"



NAPABALIKWAS ako ng bangon mula sa aking pagkakahiga. Napahawak ako sa aking dibdib habang habol ko ang aking paghinga.


Bangungot!


Anong klaseng bangungot iyon? Parang totoong-totoo. Pero wala na akong pakialam, ang importante ay hindi talaga iyon nangyari. At ang importante ay nagising agad ako.


Hindi pa siguro ako magigising kundi dahil sa isang katok. Sinilip ko muna ang bintana kung maliwanag na bago ako tumayo.


Mabuti na lang at umaga na pala. Nawala na rin ang takot ko nang marinig ko ang walang emosyon na boses ni Lola Soler.


"Ember, gising na," tawag niya.


Kandadulas akong nagligpit ng hinigaan ko. "S-sandali lang po." Napahinto lang ako nang makita kong basa na naman ang sapin ng kama ko.


Naihi na naman ako? Siguro dahil sa binangungot ako. Kung totoo mang mangyari iyon ay maiihi talaga ako.


Binuksan ko ang pinto ngunit bahagya lang. "G-goodmorning po..."


Nagsalubong ang makakapal na mga kilay ni Lola Soler habang pilit sinisilip ang loob ng aking kwarto. "Asikasuhin mo na iyong ika-anim na kwarto."


"P-po?" Napalunok ako. Iniisip ko pa lang na pupunta ako doon ay nanginginig na ang mga tuhod ko.


Casa Inferno (The heart's home)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon