Chapter 16

169K 8.2K 1.7K
                                    

Chapter 16

PAST...

Nanginginig ang katawan ko, pakiramdam ko'y mabubuwal ako sa aking pagkakaupo sa silyang de gulong. Dumating na ang araw na kinatatakutan naming mag-asawa. Iyon ay ang makitang bukas ang ika-anim na pintong ito sa dulo ng aming bahay.

Sino ang nagbukas ng pintong ito? Paano nabuksan ang pintong ito? Bakal na pinto naman ito na puno ng kandado.

Walang ibang maririnig kundi ang tiyan nila na kumakalam. Walang ibang makikita maliban sa madilim na kapaligiran dahil walang bintana malapit sa hallway na kinaroroonan nitong dulong kuwarto.

"Soler, I want you to get my gun..." Utos sa akin ng aking asawang si Saul.

Nilingon ko siya. Kahit matanda na ay matikas pa rin ang kanyang pagkakatayo. Matapang siyang nakatingin nang diretso sa loob ng madilim na kuwarto, ngunit hindi mapagkakaila na katulad ko ay natatakot din siya. Pilit niya lamang nilalabanan ang takot dahil alam niyang mas kailangan naming maging matapang ngayon.

"Umalis na lang tayo... ipapahanda ako ang kotse kay Klay..."

"No." Tumigas ang anyo niya. "It's too late for us to escape. Just get my gun. Please."

Nagluha ang mga mata ko sa takot. "P-pero–"

"Soler, please! Kunin mo ang baril ko sa kuwarto at bilisan mo!"

Nanginginig man subalit sinikap kong makagalaw. Mabilis kong pinihit patalikod sa kanya ang aking wheelchair. Pinagulong ko ang gulong nito gamit ang aking mga kamay. Hanggang sa marating ko ang aming kwarto malapit sa pababang hagdan.

Nang makapasok ako doon ay iniangat ko agad ang foam ng gilid ng kama. Sa ilalim kasi nito ay nakatago ang baril ng asawa ko. Nang bigla kong maalala si Klay, ang apo namin na kasalukuyang nagbabakasyon dito.

Lumabas ako ng kwarto at pinuntahan ang silid ni Klay. Alam kong nagtataka siya sa mga nangyayari. Alam kong naguguluhan siya sa biglang pagpapasok namin sa kanya sa loob ng kanyang kuwarto. Pero sa ngayon ay iyon lang ang ligtas na lugar para sa kanya. Tama si Saul; huli na para patakasin namin si Klay. Huli na para tumakas kami.

Kinatok ko si Klay. Halos hambalusin ko ang pinto niya sa aking pagkatok.

Nagbukas siya ng pinto. Naluluha akong tumingala. Ang malamlam na mga mata ng aking binatang apo ang sumalubong sa akin.

"Care to tell me what's wrong, 'La?" Mababakas ang sarkasmo at pagtatampo sa tinig niya.

"I'm so sorry, Klay." Hinuli ko ang isang kamay niya at pinisil iyon nang mariin. "You know how much lolo and lola loves you, right?"

Bumaba ang tingin niya sa mahabang baril na hawak-hawak ko. "What the hell is happening, 'La?!"

"C-can you just promise me one thing, apo?" Pumiyok ang tinig ko. "W-wag na wag kang lalabas ng kwarto mo." Pagkuwan ay itinulak ko na siya at hinila ko na ang pinto niya para muli iyong isara.

Pinagulong ko na muli ang aking wheelchair para balikan si Saul. Ngunit hindi pa ako nakakalayo nang humabol si Klay.

"Please tell me, La! Ano po ba talagang nangyayari?"

Matagal akong napaisip bago muling nagsalita. Karapatan niyang malaman ang nangyayari, pero hindi pa muna sa mga oras na ito. "B-bumalik sa kwarto mo... sasabihin ko sa'yo ang lahat mamaya."

"But La–"

"G-gawin mo na lang ang utos ko, Klay. Please?"

Nagtagis ang mga ngipin niya saka naiiling na bumalik sa kanyang kwarto.

"M-mangako ka... H-hindi ka na lalabas sa kwartong iyan." Pahabol ko sa kanya.

Salubong ang mga kilay na nilingon niya ako.

"Promise me, Klay. Please?"

Tumango lang siya.

Kilala ko ang apo kong ito. Matigas ang ulo niya pero masunurin siya. Kapag may inutos ako sa kanya ay ginagawa naman niya.

Hindi ko hahayaan na pati siya ay mamatay. Poprotektahan namin siya ni Saul kahit pa maging kapalit ay buhay naming mag-asawa. Kasalanan namin ito at hindi dapat madamay si Klay.

Naluluha na ang aking mga mata na tinalikuran ko na siya. Bitbit ang baril ay mabilis kong pinagulong ang aking wheelchair pabalik kay Saul na nasa dulong hallway.

Kamuntik pa akong mapahinto dahil nakaramdam ako ng pagod. Humihingal na ako. Nanginginig na ang mga palad ko kaya hindi sinasadyang nabitiwan ko ang baril na hawak-hawak ko.

Umangat ako mula sa aking wheelchair na naging dahilan para malaglag ako papunta sa sahig. Napaigik ako sa kirot na sumigid sa aking balakang, ngunit hindi ko na iyon ininda. Gumapang ako patungo sa baril na nabitawan ko gamit ang aking magkabilang siko.

Nang madampot ko ang baril ay maluha-luha kong nilingon ang silyang de gulong na nasa di kalayuan. Nakatumba na rin pala iyon. Wala na yata akong lakas para gapangin pa iyon at itayo. Wala na rin akong oras.

Gamit ang nanghihina kong mga tuhod ay gumapang na lamang ako. Gumapang ako hanggang sa makakaya ko tutal malapit na rin naman ako kay Saul. Kahit hindi ko nakikita ang madilm na dulo ay alam kong nandon si Saul. Salam kong sasalubungin naman ako ng asawa ko.

"Saul, narito na ako... natumba ang wheelchair ko..." mahinang sabi ko.

Pero wala akong natamong sagot. Hanggang sa di ko nalamayang nakalapit na ako sa ika-anim na kwarto.

Madilim. Nasaan na ang asawa ko? Napalunok ako nang may naaninagan ako. Alam ko... may papalapit sa akin. Isang tao na malaki pa sa akin. Malaki pa sa asawa ko.

"S-sino ka?" Nangangatog na tanong ko sa lalaking nakatayo sa aking harapan. Madilim ang paligid pero kakatwang naaaninagan ko ang itsura ng kanyang maitim na mga labi.

Ngumiti siya sa akin sanhi para lumitaw ang kanyang naninilaw na mga ngipin. Napansin ko na may nginunguya siya. Naririnig ko ang lumalagutok na mga buto habang ngumunguya siya. Maingay sa pandinig ko ang laway na pumatak sa sahig na nagmumula sa kanya.

Siya na ba ito? Sila na ba ito? Iniisip ko pa rin kung paano sila nakalabas sa ika-anim na pinto.

Tinutukan ko siya ng baril dahil sa takot ko. "A-anong ginawa mo sa asawa ko?" Nabasag ang tinig ko. Nangangamba ako na baka ang nginunguya niya ay ang laman ng asawa ko.

Pumaling ang kanyang ulo. Ngumanga siya nang pagkalaki-laki, at pagkuwan ay nanakbo nang mabilis palapit patungo sa akin! Mabilis na papalapit sa akin!

Bago ko naiputok ang baril ay nasakmal na niya ang kamay ko. Sa lakas ng pagkakakagat niya ay napunit ang buto at balat ko!

Napahiyaw ako. Naputol ang aking tatlong daliri!

Napakatibay ng kanyang mga ngipin. Makapal ang mga ito kahit naninilaw. Malakas ang kanyang panga na pang bakal.

Napakabilis din ng kanyang mga nag-uugat na mga binti. Para siyang lumulundag nang manakbo siya papalapit sa akin.

Wala akong nagawa kundi ang mapaiyak sa sakit. Napasigaw ako sa sakit. Namilipit ako sa sakit. Nakakapanghilakbot na makita na nginunguya na niya ang mga daliri ko gamit ang kanyang mga ngipin.

Hindi ko naman magawang makagapang palayo dahil nanigas bigla ang aking katawan. Nabigla ako sa ginawa niya. Nabitawan ko tuloy ang baril na hawak ko. Hindi ko na alam kung saan napunta ito.

Nang malunok niya ang parte ko, humakbang siya palapit sa akin. Nakakangilag ang kanyang mga yabag. Nakakasindak ang kanyang katawan. Wala siyang saplot maliban sa mga dugo na nasa kanyang balat.

Takot na takot ako.

Nang makalapit siya sa akin lumapit ang mukha niya sa mukha. Naamoy ko ang masangsang na amoy mula sa kanya. Ang malansang amoy mula sa kanyang hininga.

"D-don't hurt my grandson... I-I'm begging y-you..." hirap na sambit ko.

Ngumisi ang nilalang saka dinakot ang aking pisngi.

Nablangko ang paningin ko sa ginawa niyang ito. Sa lakas ng kanyang braso ay piniga niya ang aking pisngi. Pumutok ang mga ugat sa mga mata ko.

Naghiwalay ang panga ko! Isa-isang nalagas ang mga ngipin ko! Naramdaman ko ang paghiwalay ng aking buto sa laman ko. Hanggang sa naligo na ako sa sarili kong dugo!

Casa Inferno (The heart's home)Where stories live. Discover now