Chapter 23

149K 7.2K 2.1K
                                    

Chapter 23


Diary ni Corazon: Nilalaman Part 2:

Nasaan ang asawa ko?!

Kung hindi ko pa narinig ang tila mabigat na patak ng tubig na bumabagsak sa sahig ay hindi pa ako mapapamulat mula sa aking pagkakapikit.

Nasaan ako? Bakit napakadilim ng paligid?

Wala akong makita, subalit may naamoy akong masangsang na amoy. Ano ang amoy na yun? Saan kaya nanggagaling yun?

Sinubukan kong kumilos para lang malaman na nakagapos ang aking mga pulso sa aking likuran. Anong nangyari? Anong ginagawa ko dito?

Nasaan si Rogelio?

Unti-unti ay bigla kong naalala ang mga nangyari. Hindi ko na nga lang alam kung kailan nangyari. Pero natatandaan ko na ang lahat. Naganap ito matapos naming magtangka ni Rogelio na umalis sa casa na ito.

Ngunit totoo ba an gsinabi ng asawa ko? Na iaalay kami ni Don Saul at Doña Soler sa isang diablo para gumaling si Klay mula sa sakit nito?

Hindi ako makapaniwala. Ayoko sanang maniwala kung hindi pa kami nawalan ng malay-tao ni Rogelio matapos may humampas sa ulo namin.

At heto nga, pagmulat ng mga mata ko ay narito ako sa isang kwarto na hindi ko alam kung saan ito.

Madilim ang paligid at wala akong halos makita. Wala akong ideya sa kung ano ang nasa tabi ko maliban sa amoy na naaamoy ko.

May bahagyang umungol sa di kalayuan. Sa pandinig ko ay tila ba may napupunit na mga laman.

"M-may tao ba dyan?" mangangatal kong tanong. Hindi ako gaanong makapagsalita dahil nanunuyot ang aking lalamunan.

Ilan garaw na ba akong nandito? Bakit pakiramdam ko ay wala na akong laway?

Umungol muli ang kung sino.

Napalunok ako. Hindi ko alam kung sino ito.

"T-tao po..." Napaluha ako. "T-tulungan nyo po ako..."

Subalit biglang naglaho ang naririnig ko.

Sinubukan kong igalaw ang kamay ko na nasa aking likuran at nakagapos pero wala akong lakas. Hindi ko na maramdaman ang braso. Namamanhid na ang mga ito. Sinikap kong makatayo subalit nanghihina ako. Wala akong lakas. Bakit nga ba nanginginig ang mga tuhod ko?

"T-tulong..." sumigaw ako pero mas mahina pa ang boses ko sa bulong. Namamalat ako. Nananakit ang lalamunan ko.

"C-Corazon..." Isang tinig ang narinig ko sa di kalayuan.

"R-Rogelio?" Nilingap ko ang paligid kahit wala akong matagpuan.

"T-tulungan mo ako, Corazon..."

"N-nasaan ka?"

"T-tulungan mo ako..."

Napahagulhol ako. Wala akong magawa kundi ang gumapang. "N-nasaan ka?!"

"T-tulong..."

Pinakinggan ko ang boses niya. Hindi ko man siya nakikita, alam kong malapit lang siya. "N-nasaan ka..." iyak ko.

"H-hirap na hirap na ako..." hagulhol niya.

"N-nariyan na ko–" Biglang may liwanag na sumalubong sa akin. Napapikit ako dahil masakit ito sa mata.

Bumukas pala ang pinto. Iniluwa ng pintong ito sa Don Saul.

Casa Inferno (The heart's home)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon