Chapter 2

219K 10.6K 6.4K
                                    

MABILIS akong napabangon nang magmulat ang aking mga mata. Agad kong kinapa ang aking ulo.


Anong nangyari? May pumukpok ba sa ulo ko?


"Ember?"


Napalingon ako sa matandang babaeng nagsalita. Nakaupo si Lola Soler sa di kalayuan. Samantalang ako ay nakaupo rin sa kama na kanyang binabantayan. "P-po?"


"Ember ang pangalan mo, hindi ba?"


"O-opo. Ano pong nangyari sa akin?" Himas-himas ko pa rin ang aking ulo. May nakakapa akong bukol don.


Tumingala siya. "Tingnan mo."


Napatingala din ako. Nakita ko ang kisame na gawa sa kahoy. Ang ilan dito ay nakaangat at tanggal na sa pagkakapako.


"Nabagsakan ka ng kahoy mula sa kisame."


Nabagsakan? Pero parang iba ang naalala ko. Parang may humampas sa—


Tumindig si Lola Soler at tinalikuran ako. "Siya nga pala, may huli pa akong habilin."


"A-ano po?"


"Mahigpit kong ipinagbabawal na lumabas ka ng kwarto sa gabi."


Nilingon niya at nahintatakutan ako sa kanyang mga mata. Salubong ang makakapal niyang mga kilay.


Naglakad na siya palabas ng kwarto. "Pakainin mo na ang asawa ko."


Nang mawala siya sa aking paningin ay kinuha ko ang aking bag na dala. Hinugot ko sa bulsa niyon ang cellphone.


Wala pa ring signal.


...


"WHAT HAPPENED? Nakarating ka na ba diyan? Are you safe? Is everything all right?" sunod-sunod ang tanong sa akin ni Green sa kabilang linya.


Akala ko hindi ko na siya makakausap dahil mahirap kumuha ng signal, mabuti na lang at nadiscover ko itong daan papunta sa bubong. Dito pala sa itaas, kahit papaano ay may signal.


"Oo. Nandito na ako. Nakita ko naman agad itong casa."


Napabuga siya ng hangin. "Kagabi pa ako tumatawag sa 'yo, hindi ka ma-contact."


"Wala kasing signal."


"Ah, oo nga. Mahina pa rin pala ang signal diyan."


"Oo. At liblib pala itong kinaroroonan ng mansiyon niyo. Saka parang hindi na ito naaasikaso. Nasasayangan ako, Green, kasi kung tutuusin ay maganda itong lugar kapag inayos lang at i-maintain."


"May nagme-maintain niyan. Siguro mula lang nang ma-stroke si Lola kaya biglang lumungkot iyang place diyan. Anyway, okay ka lang ba diyan? Anong ginagawa mo?"

Casa Inferno (The heart's home)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon