02: The Gossips

48 4 0
                                    

"Kaibigan mo ba 'yong si Haze?"

I nodded. "Her family owns this mall."

She froze. "What?!"

"M means Mendes. Haze is a Mendes."

"Grabe! Akala ko namamasyal lang siya. Ang bigatin naman ng kaibigan mo," aniya. "She's pretty, 'no?"

"Yes. Pati rin ang mga kapatid niya."

"Sobrang ganda niya, 'no?" tanong niya ulit.

"Oo. Maganda siya." Pinagbuksan ko siya ng pinto upang makapasok kami sa isang fast food chain na pinili niya.

"Oh. Kung maganda siya, ibig bang sabihin no'n ay type mo siya?"

Pinanliitan ko siya ng mata. Hindi ko alam kung anong gusto niyang malaman pero sasagutin ko lang siya ng totoo. "Hindi naman porke't sinabi kong maganda ay gusto ko na." Paliwanag ko saka ko tinuro ang bakanteng upuan. "Doon mo na lang ako hintayin. Ako na lang ang mag-o-order. Anong gusto mo?"

"Sama na ako sa 'yo," aniya saka ngumuso.

"Sure ka ba? Sige."

"Maganda naman siya. Mukhang mabait. Bakit hindi mo niligawan?" She stopped kaya napatingin ako sa kanya. "O baka taken ka na?"

My forehead creased. "Wala akong girlfriend."

"Bakit hindi mo siya niligawan kung gano'n?"

"Magkasing-edad lang yata kayo," I commented. "She's too young for me. Mas bata pa siya sa pinakabata kong pinsan."

There was a long silence. Natuon ang atensiyon ko sa cashier at sabay kaming nag order ni Elimae. "As long as hindi minor, I think okay lang naman 'yon. Alam naman na ng mga ka age ko ang tama at mali."

"My sister also said the same thing... Gusto niya nga akong ireto sa mga single friends niya pero hindi kasi ako sanay sa ganon." Kinuha ko ang order number namin saka umupo habang hinihintay ang pagkain.

"Okay..."

"Si Ren ba 'yan?!"

Malakas akong bumuntong-hininga nang makarinig ako ng bulong-bulungan. Hindi ko nilingon kung sino ang mga 'yon. Medyo sanay na ako sa ganyan. Madalas talagang may nakakakilala sa 'kin dahil lagi naman akong lumalabas sa mga articles online dahil sa pagiging single ko.

"Siya na lang ang natitirang single sa angkan nila, 'di ba?"

Tiningnan ko si Elimae. She seemed uncomfortable with the murmurs around us. I looked down. I didn't know what to do. Ayain ko ba siyang sa iba na lang kumain?

"Girlfriend niya kaya 'yang kasama niya?"

"Probably not! Ang bata naman ng girlfriend niya kung gano'n. Eh, ang alam ko ang daming businesswoman at sikat na mga babae ang nagpo-propose kay Ren para lang pakasalan siya."

I sighed again. Bakit ba updated na updated sila sa buhay ko? I always received a marriage proposal from women. Gusto akong pakasalan ng iba dahil sa pangalan ko. 'Yong iba naman purely for business. May iba ring gusto lang daw nila ako. They all had their own reasons to asked me to marry them but I told my parents to reject any proposals.

I don't marry for convenience.

"Ngayon ko lang nakita si Ren na may kasamang babae na sila lang dalawa."

"Baka nauuto ni Ren 'yang babae?"

"Gaga! Hindi ganyan ang ugali ni Ren. Napakabait niyan. Halos wala kang mababasang bad articles sa kanya. Siguro 'yang babae ang kumakapit kay Ren dahil yata sa pangalan niya at sa per—"

When The Flower Falls (Fitzmael 7)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora