30: Suicidal Maniac

38 3 0
                                    

JEALRAIN MARTINEZ - FORRESTER

"Another Fitzmael again on the news?" nababagot na tanong ni Kyler habang pinapakita niya sa amin ang kanyang laptop na may nakasulat na article tungkol sa mga Fitzmael.

I've heard a lot of things about them from Kyler but I was never curious that's why I had no idea who they were.

I rolled my eyes when I heard Kyler's sigh. Palagi naman siyang naiirita kapag nakakakita ng mga balita tungkol sa pamilyang 'yon pero hindi niya mapigilang 'di basahin. Tanga ba siya?

"Ano namang balita 'yan?" tanong ni Ari.

"According to this article, 'yung nag-iisang single na lalaki sa angkan nila ay may girlfriend na." Seryosong sabi ni Kyler.

"Sana all. Tapos?"

"Ta's sabi, siya ang unang girlfriend niya. Biruin mo, mag-ti-trenta na yata 'tong lalaking 'to tapos ngayon lang nagkaroon ng girlfriend?" Napapailing na sabi ni Kyler.

"Mga chismoso," sabi ko.

"Syempre. Chismis ang almusal namin ni Kyler, eh," natatawang sabi ni Ari habang kumakain ng mangga. "Siguro masyadong masaya na buhay 'yang lalaking 'yan kaya hindi niya naisip magkagirlfriend nang maaga."

"I heard family oriented 'to. Sa tingin ko, kapag nakukuha mo naman ang buong pagmamahal mula sa pamilya at mga taong nakapaligid sa 'yo, wala na sa utak mo ang paghahanap ng girlfriend. I think that's what happened to him."

"Grabe ka naman! Nagkaroon ako ng girlfriend no'ng six years old pa lang ako. Masaya naman ako sa pamilya ko." Nakangusong sabat ni Ari.

"Siguro nga malandi ka," natatawang sabi ni Kyler saka umiling-iling

"Ayaw ni Uncle sa kanila, 'no?"

"Yep," Kyler replied then sipped his coffee. "Uncle despised the Fitzmaels. I think it's related to trust. Kapag nawala ang tiwala, sobrang hirap na nitong buuin."

"Ang aga mo namang humugot," pang-aasar ni Ari.

Humarap ako sa salamin at inayos ko ang aking sarili. Balak ko kasing magpunta sa resort mamaya at maglinis. Wala naman kasi akong ibang ginagawa.

"Rain..." pagtawag sa 'kin ni Kyler.

"Oh?" sagot ko saka ko siya nilingon.

"How are you feeling?"

"Tinatanong mo talaga ako niyan? Alam mong ayoko siyang makita, 'di ba?"

"Hindi ko naman mapipigilan ang pag-uwi ni Uncle. This place is his home after all."

"Home?!" Mariin akong napapikit. Kinuyom ko ang aking mga kamao. "Paano niya nasasabing ito ang tahanan niya kung hindi naman niya inuuwian?!"

Agad na lumapit sa 'kin si Ari at binigyan ako ng tubig.

"I'm sorry. I was insensitive," Kyler sincerely apologized.

I took a deep breath. "I'm sorry too. You're just asking how I feel pero ginawa kitang outlet sa galit na nararamdaman ko."

Lumapit sa 'kin si Kyler at ginulo ang aking buhok bago siya lumabas. Tiningnan ko ang kanyang likod habang siya ay papalabas ng bahay. I felt bad for what I did.

"Maglilinis ka ba ulit sa resort?"

I nodded.

"Sige."

***

"A cheating scandal?!"

Mariin na naman akong napapikit nang marinig ko ang boses ni Kyler habang kunot-noong nakatingin sa kanyang monitor. Kahit hindi ako tumitingin sa mga balita ay tiyak na hindi ako mahuhuli dahil halos lahat ng nakikita niya ay malakas niyang binabasa para marinig namin. Kahit mapa-sports or mga nanalo sa lotto ay sinasabi niya sa 'min. Ganyan siya ka tutok sa mga balita.

When The Flower Falls (Fitzmael 7)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora