01: The Beauty Queen

62 4 1
                                    

"Tay, ito po ang bayad namin," sabi ni Hunter nang makarating kami sa tapat ng isang dormitory building na malapit sa Fitz University. "Huwag niyo na lang pong suklian," dagdag niya saka niya ako tinapik para lumabas ng taxi.

"Paano tayo makakapunta sa M's Mall kung binayaran mo na agad ang taxi?" takang tanong ko sa kanya nang makalabas ako.

"Sabi ni Jenna sasakay na lang daw tayong apat ng jeep para makatipid." Naglakad siya papalapit sa may pinto habang may tinatawagan. "Love..." sabi niya saka dahan-dahan siyang lumingon sa 'kin. He tilted his head a little at napakamot pa siya sa kanyang ulo. "J-Jenna... N-Nandito na kami sa labas."

Natawa ako nang bahagya. Kunot ang noo ko dahil sa sinag ng araw. Kahit maaga pa ay ang sakit sa balat ng araw. Kailangan ko na ngang mag plano ng panibagong event para sa tree planting ng foundation namin. Sa Village kasi ay napapalibutan kami ng mga puno. My parents loved nature. Halata naman siguro dahil pangalan pa lang namin ay mga bulaklak at halaman na.

Naputol ang aking pag-iisip nang makarinig ako ng boses ng mga babaeng nagtatawanan. I slowly turned my head to look at them... but my eyes fixated on her.

Siya ba si Elimae?

"Hi, Kuya Hunter!" she said so cheerfully then hugged him.

"Eli!" Hunter replied with full of enthusiasm. "Love!" pagtawag niya kay Jenna saka hinalikan ito sa pisngi. Sinuklian naman siya ng yakap ni Jenna.

"Anong pangalan mo, Kuya?" tanong ni Elimae sa 'kin. Her crimson red lips turned up to form a smile. Her eyes were gleaming. Those wolf-cut hair suits her. She looked cool and pretty.

"Don't call me Kuya. Halos magkasingtangkad lang kaya tayo," tugon ko.

"Pinagpala kasi ako sa legs," pabiro niyang sabi. "Pero ang sabi sa 'kin ni Ate na hindi nagkakalayo ang edad niyo."

I nodded. "Oo..." I cleared my throat. "Ilang taon ka na ba?" Nagsimula na kaming maglakad. Nauna ang lovebirds kaya nakasunod lang kami sa kanila. Lumipat ako sa kabilang pwesto ni Elimae dahil baka mahagip siya ng mga dumadaang motor.

"Twenty. How about you?" Binuksan niya ang kanyang payong at pinayungan ako.

"Twenty-nine," I replied. "Ako na." Kinuha ko ang payong sa kanya dahil ayokong mapagod siya sa paghahawak.

"First time mo bang mag commute?"

"Oo."

"Mayaman ka siguro."

"Hindi naman..." sabi ko. Napahinto ako nang napahinto sina Jenna. Hunter looked at me and just nodded bago sila sumakay sa jeep. Nauna si Jenna at Hunter sa pagpasok. "Mauna ka na." Dahan-dahan kong hinawakan ang kanyang kamay upang alalayan siya sa pag-akyat. Napabuntong-hininga ako dahil naka-mini skirt pa siya. Kung wala ako ay baka makitaan siya sa pag-akyat sa jeep.

"Tumabi ka sa 'kin, Kuya."

"Huwag mo akong tawaging Kuya."

"Hindi ko nga alam ang pangalan mo."

"Ren... My name is Ren. And you're Elimae," I smiled. "Nice to meet you." Kinuha ko ang panyo sa aking bulsa saka 'yon nilatag at nilagay sa mga hita niya. Napapansin ko kasi ang titig ng ibang mga pasahero sa kanya.

"Thank you, Ren."

"Okay ka lang ba?"

She slowly nodded. "Oo. Ikaw ba?"

"Okay lang." Nagsimula nang mapuno ang jeep kaya mas nagsiksikan pa kami lalo. Ang init pa sa loob tapos ang jeep hindi pa umaalis kahit alam namang puno na. Kulang pa raw ng isa, e.

When The Flower Falls (Fitzmael 7)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant