25: Birthdays

44 3 5
                                    

Nang makabalik ako sa Axi's club ay nakita kong inaalalayan nila Kyler at Ari si Rain sa paglalakad palabas. Nang makita ako nila Ari ay agad nila akong tinanguan.

"Let me guess," panimulang sabi ni Kyler. "You drove back here to explain what we saw earlier, right?"

"Yes. I—"

"No need to explain." He chuckled then he took a glance at Ari. "I told you."

"Galit siya?" tanong ko sa kanila saka ko kinuha at binuhat si Rain.

"Hindi," diretsong sagot ni Ari. "Kahit lasing 'yan, hindi siya nagsalita nang kung ano mang masama tungkol sa 'yo."

"Pumasok na kayo sa kotse," Kyler uttered. "Iwan mo na lang dito ang kotse mo. Sumabay ka na sa 'min."

Malawak akong ngumiti saka tumango. Dahan-dahan akong pumasok sa kotse ni Kyler. Mahimbing nang natutulog si Rain sa aking mga bisig. Napapangiti ako. Sa wakas, kasama ko na rin siya.

"Nasa Karao si Mr. Forrester?" tanong ko sa kanila.

"Yep," Ari answered. "Hindi siya umaalis do'n, eh."

I nodded.

"May nakita nga pala akong magandang babae kanina sa club," ani Ari. "Kaso hindi ko natanong 'yong pangalan. Ang ganda ng babaeng 'yon."

"Isa ba sa mga kasama ko kanina?" tanong ko.

"Hindi, eh."

"Anong itsura niya? Baka kilala ko." Napangiti ako nang hinigpitan ni Rain ang pagkakayakap niya sa 'kin. Binalik ko ang aking atensiyon kay Ari na mukhang hindi makalimot sa babaeng nakita niya sa club.

"She has a long, straight and jet black hair. Sobrang tangos pa ng ilong at may dimple pa kapag ngumingiti." Malakas siyang bumuntong-hininga. "Hindi ko man lang natanong ang pangalan."

My forehead creased. "Hmm... Wala bang specific na descri—"

"Shit!" Ari exclaimed! "Naalala ko na!" He chuckled. "She has a lily flower tattoo on her back!"

I scoffed, chuckling a bit. I knew it. It must be her. "She must be Hera."

Agad siyang napalingon sa 'kin. "H-Hera?"

I nodded. "Yes. Hera Esposito. She's Spanish."

"Wait. Tingnan ko sa IG kung siya ba talaga. Baka mamaya umasa ako," aniya saka siya seryosong nagtipa sa kanyang cellphone. "Shit! Ang ganda naman ng babaeng 'to. Siya nga 'to." Masaya niyang sabi saka pinakita sa 'kin ang IG feed ni Hera.

"Ngayon ko lang nalaman na nandito siya ulit."

"Magkaibigan ba kayo?"

I shook my head. "Hindi, eh."

"Eh, bakit mo naman siya kilala kung gano'n?"

"She was my best friend's fiancé."

"What?!" He exclaimed.

Pati si Kyler na nagmamaneho ay napahinto sa gilid ng kalsada saka tumingin sa 'kin. "Was?"

I nodded. "Oo."

"Bakit?"

"My best friend is in love with my sister and they're now happily married," masaya kong sabi sa kanya. "Dati ko pang kilala si Hera dahil fiancé nga siya ng best friend ko pero hindi ko naman siya nakausap."

"That means single siya?" Ari asked, his eyes were twinkling.

"That, I don't know."

"Tanungin ko na lang siya."

When The Flower Falls (Fitzmael 7)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum