20: Drizzle Of Hope

40 3 2
                                    

"Gusto kong mangisda," Rain uttered. Katatapos niya lang magdala ng pagkain. Mag-i-isang linggo na rin ang lumipas matapos ang nangyari kay Jealrain at no'ng lagnatin ako. Palagi niya akong binibisita sa unit ko. Ngayon ay napagpasyahan naming lumabas at maglakad-lakad dahil maayos na ang panahon at wala na kaming sakit pareho.

"Bakit naman?"

"Gusto kong kumain ng isda eh," nakanguso niyang sabi habang tinitingnan ang kanyang sarili sa salamin. "Ang gulo pala ng buhok ko. 'Di mo man lang ako sinabihan."

"Hindi ka pa pwedeng lumaot," paalala ko sa kanya. "Saka okay lang naman ang buhok mo, ah?" Tumayo ako at pinuntahan siya sa harapan ng malaking salamin. Tiningnan ko ang aking sarili. I only wore beach shorts while she was wearing a crop-top shirt and bikini. Hinawakan ko ang kanyang ulo saka ulit ginulo ang kanyang buhok. "That's better."

"Tsk!" Tinalikuran niya ako saka siya nagtungo sa may pintuan. "Tara na!"

Tumango ako at sinundan siya. "Saan tayo pupunta?" tanong ko nang makarating kami sa labas ng resort. Nakita ko ang mga guests sa resort na 'to. Ang daming tao ngayon pero hindi naman siya gano'n ka crowded. Most of them were looking at Jealrain.

"Anong gusto mo, bibili tayong bracelets or magpapa-henna tattoo?"

Napangisi ako. "Why not both?"

Malawak siyang ngumiti saka tumango-tango. "Perfect!" Nauna siyang maglakad papunta sa nagtitinda ng mga bracelets.

"Kumusta po kayo, Madam?" bati ng babaeng nagtitinda nito.

"Ano ka ba? 'Wag mo na akong tawaging Madam! Jealrain is fine," she said, smiling.

Napakamot siya sa kanyang ulo. "S-Sige po, J-Jealrain..." Pilit siyang ngumiti. Hindi yata siya sanay sa gano'n. "Pili na po kayo ng gusto niyong beads. May mga letra rin po riyan na pwede niyong ilagay."

Hinagod niya ang aking likod saka tinuro ang mga beads. "Pumili ka na. Anong gusto mo?"

"Maganda yata kapag pangalan natin ang ilalagay."

She immediately nodded. "I like that!"

Nang matapos kami sa pamimili ng desinyo sa aming bracelets ay pinanuod namin ang babaeng gawin 'yon. Napangiti ako nang makitang nabuo na ang isang bracelet na may nakalagay na Rain. Inabot ng babae kay Rain ang bracelet pero inunahan ko siya sa pagkuha.

"This is mine," sabi ko saka ako ngumisi.

"Epal ka? Akin 'yan!"

"Nope." Agad kong sinuot ang bracelet niya kaya wala na siyang nagawa pa. Sawang-sawa na ako sa pangalan ko kaya wala talaga akong balak na suotin 'yong bracelet na may pangalan ko. "It would've been nice to see you wear a bracelet with my name on it."

"Magkatunog kaya tayo ng pangalan!"

"Ito na po," ani ng babae bago inabot ang isa pang bracelet na may pangalan ko.

"Thank you," sagot ni Rain saka niya sinuot 'yon saka ngumiti.

"Bagay po... kayo," sabi ng babae.

Agad kaming napalingon sa kanya. Parehas kaming nagulat ni Rain sa sinabi ng babae.

"Ang ibig kong sabihin, bagay sa inyo ang bracelet..." Then she grinned.

"Ah..." sabay naming tugon ni Rain saka bahagyang natawa. Napailing-iling ako habang inabot sa kanya ang bayad. Bago kami umalis ay nagpaalam kami sa kanya. Sa tingin ko ay magkasing-edad lang ang babae at si Serene. Nakabuntot lang ako kay Rain papunta sa henna tattoo shop.

"Anong design ng ipapa-henna natin?" I asked. Nakapila kami dahil may customer pa ang nauna sa 'min.

"N-Natin?"

When The Flower Falls (Fitzmael 7)Where stories live. Discover now