16: Downpour

40 3 0
                                    

TRIGGER WARNING

Napaluhod ako dahil nahihilo ako at nawawalan ng lakas. Malalalim ang aking paghinga. Patuloy pa ring umaagos ang aking mga luha. Yumuko ako at niyakap ang aking sarili dahil biglang umihip ang malakas na hangin. Mas lalo akong giniginaw dahil basang-basa na ako.

Ilang minuto ang lumipas nang may nakita akong nakatayo sa aking harapan. Una kong nakita ay ang kanyang mga paa. Dahan-dahan akong tumingala pero hindi ko masyadong makita ang kanyang mukha dahil sa malakas na ulan—hindi ko mabuksan nang maayos ang aking mga mata.

Nagulat ako nang biglang tumama sa aming dalawa ang dagat. Mas lalo lang lumakas ang pag-alon nito. Tiningnan ko ang kanyang kamay—inabot niya sa 'kin ang isang bote ng beer.

"N-Nangangalay ako," she said. Her voice was shaking just like her hands. It felt like she was trying to hide it from me.

"Are you cold?"

"No. Kunin mo na," she replied with her monotonous tone. "Gusto mo bang magkasakit?"

Kinuha ko ang beer sa kanya at agad 'yong tinungga. Nakita ko naman siyang umupo sa gilid ko. I could hear her heavy breathing. She was also quivering.

"What's the reason why you wanna die?"

"Her," maikli kong tugon.

"Hmm..." she mumbled. "Bakit? Why her?"

"She's my first love..." I sighed. "Hindi ko alam na ganito pala ang pagmamahal. Kung gaano ka kasaya, gano'n din ang sakit." Tinungga ko ulit ang beer bago nagsalitang muli. "It's so painful... My chest hurts." I heaved a sigh then emptied my beer.

"That's scary..." She briefly paused. "But it must be nice... to be in love and to be loved."

I looked down and broke down in tears. My mind kept on betraying me because for the nth time, our memories came into my mind again—and my heart hurts. I missed her. I fucking missed Elimae and how we used to be.

Naalala ko 'yong una ko siyang makita... kung paano niya ako niyakap no'ng mga panahong natatakot siya—no'ng umiyak siya at no'ng sinabi niyang gusto niya ako. Naalala ko ang mga panahong sobrang saya ng pamilya ko dahil sa kanya... at sa isang iglap lang, nawala ang lahat.

"Sobrang mahal mo talaga siya, ano?"

I slowly nodded. "Oo. Hindi ko nga kayang magalit sa kanya kahit na may karapatan ako." Tiningnan ko siya at nakita ko siyang humiga sa buhangin habang niyayakap ang kanyang sarili. "Sigurado ka bang hindi ka giniginaw?"

"No..." She cleared her throat. "Paano kung hindi pala talaga kayo para sa isa't-isa?"

"I'd rather be single for the rest of my life," pag-aamin ko.

She scoffed. "Ganyan ba talaga?"

Humiga din ako sa buhangin at pumikit dahil hindi pa rin humihinto ang ulan. "Ang alin?"

"Kapag ba nagmahal kayo ng todo sa isang tao, hindi na kayo maghahanap ng iba?"

Napaisip ako. "Para sa 'kin, oo. Walang makakahigit sa kanya dahil the best na siya, eh. Siguro kung may dadating man, hindi ko siya kayang mahalin kagaya ng pagmamahal ko sa kanya."

"Tama ka... M-Mas mabuti ngang maging single ka na lang habangbuhay." She clicked her tongue. "I-I wish my Dad did the same thing." She whispered. I could feel the pain in her voice.

"Ren!"

Napatingin ako sa kung saan nanggaling ang boses na 'yon. Sa pagkakaalam ko ay wala na sila Zius kaya malabong sila ang tatawag sa 'kin. Napatingin ako sa katabi ko. Agad siyang tumayo.

When The Flower Falls (Fitzmael 7)Where stories live. Discover now