32: Anonymous

35 2 0
                                    


Pagdating sa unit ay agad ko siyang dinala sa bathroom. Bigla siyang nasuka at agad na lumapit sa bowl. I was caressing his back. "Kaya mo bang maligo?" I asked.

He shook his head. "Magpapakamatay na nga ako tapos gusto mo pa akong maligo?"

I heaved a sigh then rolled my eyes. Kinuha ko ang shower hose at tinutok 'yon sa kanyang mukha.

"Ano ba?!" He hissed. "Nananadya ka ba?"

"Gustong-gusto mo nga sa ulan kanina tapos magrereklamo ka sa shower?" Tinapat ko sa katawan niya ang tubig. Matapos ang ilang sandali ay nilapag ko ang hose sa harapan niya. "'Yan. Pwede na kitang iwan. Magbihis ka mag-isa mo," sabi ko saka ko siya iniwan.

***

Hindi ako makatulog. Ayokong umuwi sa bahay at ayoko ring abalahin ang ibang tauhan na bantayan ang lalaking 'yon. Responsibilidad ko siya. Ayokong mahirapan ang ibang tao.

Nagbabasa ako ng libro habang nagpapaantok. Gulat ko nang makitang unti-unti nang nagliliwanag ang kalangitan. Napalingon ako nang makarinig ng yabag. Walang emosyon kong tiningnan ang lalaking 'yon. "Are you gonna kill yourself again?"

"It's none of your business."

I sighed. "Don't..." Hirap na hirap ako. "Don't do it again."

"It's easy for you to say that."

Yes, he was right. I was never in their position. I would never understand them. I cleared my throat. "You can hate me all you want but I'm not gonna let you die. Not here. Not on my watch." I looked into his eyes then gulped. "I won't allow myself to do nothing—even if you're not aware of it, alam kong kailangan mo ng tulong."

Nakatitig lang ako sa kanya. "But to be clear, I'm not here to fix you, Mr. Whoever-You-Are." I raised my brow then crossed my arms. "I'm only here to stop you from killing yourself. You will still do your own thing to heal from your wounds... And maybe... one day... you'll thank me," I added then I stood up and gently tapped his shoulder. "Hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa mga susunod na taon pero kung gusto mong makalaya sa sakit na nararamdaman mo, kailangan mo 'yang pagtrabahuan. And you should work on yourself first."

May kirot sa 'king puso nang makita siyang naging emosyonal. "You're crying," I mumbled then wiped his cheek. "You should sleep. Bumalik ka na sa unit mo."

"Tsk!" He hissed then walked away.

I'll take care of you, Mr. Fitzmael.

***

"Sugarplums..." ani Kyler habang binubuksan ang jar na may lamang sugarplums na gawa mismo ni Dad.

Matagal ko 'yong tinitigan saka ako umiling. "Busog ako."

"Okay," nilapag niya ang jar sa 'king harapan saka nagpaalam. "Aalis muna ako."

Nang makaalis si Kyler ay kinuha ko ang jar. Bahagya akong napangiti dahil alam pala ni Dad na paborito ko 'to at nag-abala pa siyang gumawa at punuin ang isang jar. Agad akong naglakad patungo sa labas ng resort upang kainin ang sugarplums nang makita ko ang lalaking 'yon na walang buhay na nakatingin sa karagatan. Pasikip nang pasikip ang aking dibdib habang papalapit ako nang papalapit sa dalampasigan pero iwinakli ko 'yon. Ayokong may nakakakita ng kahinaan ko.

I'm not weak anymore.

"Hoy!" I shouted.

"Nandito ka na naman?!" iritado niyang sabi.

"You can't get rid of me," pang-aasar ko sa kanya. Binuksan ko ang jar at malawak na ngumiti. "Kumakain ka ba ng sugarplums? Here. Take it—"

Nagulat ako nang bigla niyang winakli ang aking kamay dahilan nang pagtapon ng sugarplums. "Are you okay?"

When The Flower Falls (Fitzmael 7)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant