28: The Turning Point

45 4 2
                                    

Biglang nagbukas ang gate ng bahay nila Lilac at agad ko namang pinasok ang kotse. Malawak ang aking ngiti nang makita sina Lilac at Zius kasama ang kanilang tatlong anak na masayang kumakaway sa amin.

"Belated happy birthday, Ren!" agad nilang bati sa 'kin saka nila ako sinalubong ng mga yakap.

"Uncle Ren!" pagtawag sakin ng mga bata.

Umupo ako at niyakap sila nang mahigpit. Pagkatapos ay tumayo ako at tiningnan si Rain. Tahimik lang siya habang nakangiti sa amin. I slightly tilted my head then offered my hand. "Come here," malambing kong sabi.

She nodded then took my hand. "Hi, you must be Lilac," she sweetly said but I could feel her hand slightly shaking.

"And you must be Rain," Lilac said then she smiled a little.

Napatingin si Rain sa 'kin. Bakas sa kanyang mukha ang galak. Binalik niya kina Lilac ang kanyang atensiyon. "Yes. I'm Jealrain Martinez, Ren's girlfriend."

Biglang uminit ang aking pisngi. She was so proud of me and I liked it—I loved it! Ang sarap pakinggan na sa kanya ako.

"Welcome to our home, Rain," Lilac replied then she looked at Arsenic who kept on poking her hand. "Yes, baby?" Lilac kneeled down and asked.

"I'm so happy, Mother," Arsenic replied. "Are they going to marry each other?" he whispered but it was loud enough for us to hear it.

Bahagyang natawa si Zius saka umiling-iling. Magsasalita na sana siya nang bigla siyang unahan ni Rain. "Yes, I'm going to marry your Uncle Ren," she replied.

Biglang humiyaw ang tatlong bata saka sila nagyakapan. "Did you hear that, Cad?" masayang sabi ni Arsenic.

"Yes! I'm so excited!"

"Uncle is not sad anymore!" sabi ni Krypton.

"Aunt Rain is pretty!" sabi naman ni Cadmium.

"And their names almost sound the same!"

Malakas kaming humalakhak habang tinitingnan ang mga bata saka ako lumuhod at binuksan ko ang aking bisig. Agad nila akong nilapitan at niyakap ulit. Sabay-sabay ko silang binuhat at pumasok sa loob ng bahay ni Lilac. May kabigatan na ang mga pamangkin ko. Ilang buwan lang naman akong nawala pero parang ang laki-laki na nila.

"I'm Erazius Gomez, Lilac's husband. Nice to meet you, Rain."

"It's a pleasure, Zius."

Narinig kong biglang tumunog ang phone ni Zius kaya agad siyang nagpaalam sa amin bago niya 'yon sinagot. "Yes? What?! Mamayang gabi?" Bigla siyang umiling-iling. "I almost forgot that our parents-in-law like to organize parties... Alright. How are you? Bumisita naman kayo rito. Pakisabi sa asawa mo na huwag kang sino-solo lagi! Hintayin namin kayo. Bye, Eli. Love you."

"E-Eli?" bulong sa 'kin ni Rain.

Agad ko siyang tiningnan. "That was Elisha." I smiled. "Zius' twin sister and her husband is my twin brother."

She gasped. "You have a twin? Identical twin?"

I slowly shook my head. "Hindi kami identical. Si Catmint at Lilac ang identical samantalang fraternal twins kami ni Cedar, ang kakambal ko."

"May anak na ba sila?"

"Buntis si Elisha at due date niya ngayong buwan. Si Catmint naman ay sa November pa ang due niya. Both of them are carrying twins."

"Ang laki ng pamilya niyo," mangha niyang sabi.

"Dagdagan pa natin," natatawa kong sabi.

"Triplets..." she muttered. "I want triplets, Ren," sabi niya habang nakatingin sa baby elements na masayang naglalaro.

When The Flower Falls (Fitzmael 7)Where stories live. Discover now