18: Rainfall

36 3 0
                                    

"Hoy! Gising!"

Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata at bumungad sa 'kin ang nakangising mukha ng babaeng 'yon. "Bakit? Inaantok pa 'ko."

"Dinala ko na 'yong breakfast mo. Aalis ako ngayon." Bigla niya akong tinalikuran at lumabas sa 'king kwarto.

I immediately stood up then followed her. "Huh? Saan ka pupunta?" Huminto siya kaya napahinto rin ako. Napaatras ako dahil ang lapit namin sa isa't-isa. Wala pa akong ligo at toothbrush kaya nahihiya ako. "Bakit ka naman aalis?"

"Basta."

"Saan ka naman pupunta?"

"Sa kabilang isla... If your anxiety attacks, just tell me, okay?"

"Babalik ka ba agad?"

"Oo... Sige na, aalis na ako habang hindi pa umuulan." She turned around then walked away.

Nang makaalis siya ay agad akong naligo. Pagtapos ay kinain ko ang dinala niyang pagkain. Dahil wala akong magawa ay nilinis ko na lang ang unit ko. Gusto ko sanang uminom pero alam ko na kung anong mangyayari kapag lasing ako...

I don't want to burden her.

I was about to sleep when I heard my phone rang. I smiled when I saw Lilac's name. "Yes, Li?" I answered.

"Ayaw sana kitang istorbohin..." she paused. "But you need to know this."

Napaupo ako sa 'king kama at tumikhim bago nagsalita. "B-Bakit? May nangyari ba sa inyo?" Pinindot ko ang loudspeaker ng aking cellphone at kinuha ang aking maleta. Kung sasabihin niyang may emergency, aalis agad ako. Mag-iimpake na sana ako nang marinig ko siyang magsalitang muli.

"It's about Elimae..."

I froze. Binitawan ko ang mga damit na hawak-hawak ko at binalik 'yon sa closet. Huminga ako nang malalim.

"She invited us for dinner last night," she began. "Nando'n kami para kumustahin siya."

"May sinabi ba siya sa inyo?"

"She just said that she's trying to be okay. Sinabihan niya rin kami na naghahanda na siya para sa Bb. Pilipinas."

"Good for her." I was genuinely happy for her. I was glad that she already had the confidence to pursue her dream. "W-Wala na ba siyang ibang nasabi?"

Ayokong malaman nilang may sinabing masama si Elimae sa pamilya namin.

"Wala naman, Ren. Inu-update lang kita kasi baka pag binuksan mo bigla 'yong Instagram mo ay magtaka ka kung bakit may nakapost na picture si Elimae about sa dinner namin kagabi."

"Oh. I uninstalled my ig."

"Mother, where are you po? I'm here, baby. Why are you sad? I miss you, Mother. Aw, come here. Kinakausap ko lang ang Uncle Ren mo. I miss Uncle Ren."

Napangiti ako sa narinig ko sa kabilang linya. "Tell Arsen that I miss him also."

Lilac chuckled, "Uncle Ren misses you too. Arsen, let's play! Ate Amara wants us to braid her hair!" Medyo umingay ang backgroud noise ni Lilac. Pagtapos ng ilang segundo ay nagsalita siyang muli. "Ren..." seryoso ang kanyang boses.

"Yes, Li?"

"I feel like something bad is happening," she began. "I'm so sorry if I feel this way towards her but something's fishy. I'm not comfortable with her anymore. Sa tingin ko ay ako lang ang nakakaramdam nito. Baka nag-o-overthink lang ako."

I heaved a sigh. "You don't have to be sorry."

"Sige na, Ren. Alam kong kailangan mong mapag-isa ngayon. Call me when you need me, okay?"

When The Flower Falls (Fitzmael 7)Where stories live. Discover now