10: Quality Time

37 4 0
                                    

Tinanghali na kami nang gising. Nag-uunahan pa kami sa pagligo. Mabuti na lang at may mga damit dito si Franco kaya sinuot namin 'yon.

"Ubos na 'yong bagong briefs sa closet ni Franco?" tanong ni Imil habang naghahalungkat sa closet at nagbibihis. "Walang matitirang briefs for Marcus."

"Tinago ko," Zius whispered.

Napapailing ako. Naliligo pa si Franco sa kabilang banyo kaya kinatok ko si Marcus. Kanina pa siya nando'n kaya nagtataka ako at bakit hindi pa siya lumalabas.

"Hoy!" I shouted while slamming the door. "What took you so long?"

"Tumatae ako!" masungit niyang tugon.

"Kanina ka pa! Naiihi ako!"

"Anong gagawin ko, ha?!"

"Aba! Bilisan mo!"

"Umihi ka sa kabilang banyo! Istorbo ka!"

Malakas akong tumawa saka napailing. Paglabas ni Marcus ay dali-dali niyang hinanap ang briefs. Kaming lahat ay nakatingin lang sa kanya habang nagmamaang-maangan.

"Alam kong tinatago niyo ang brief!" ani Marcus habang nakanguso.

Hindi kami umimik.

"Ah, ganyan pala gusto niyo, ah?" Sinimulan niyang tanggalin ang bathrobe na suot-suot niya. "Maghuhubad na lang ak—"

"No!"

"Don't!"

"Here's your fucking briefs!" ani Zius saka umaaktong parang nasusuka saka umalis. "Gusto mo lang yatang maghubad. Tsk!"

Humalakhak si Marcus. Napapailing na lang ako. Pagtapos naming mag-ayos ay dumiretso na kami sa Bloom Village. I sighed in relief when I saw Beberly preparing lunch for me. Wala kasing pagkain doon sa bahay ni Franco dahil sinimot na nila Archer ang mga natira.

Nang matapos akong kumain ay nagbihis ako dahil kailangan kong bumisita sa base ng L'azienda. Mabuti nga ngayon at walang naka-assign sa aking matinding mission. Bago ako umalis ay nagtungo ako sa bahay nila Elimae.

"Pasok ka muna," pagyayaya niya sa 'kin. She held my hand then pulled me gently inside her home.

"Nandiyan si Jenna?"

"Wala. Umalis, e."

I stopped in my tracks. "Mamaya na lang ako papasok kung nandiyan na si Jenna."

"Ayaw mo ba akong makasama?" malungkot niyang sabi.

I looked away. "Hindi naman sa gano'n." Napakamot ako sa aking ulo.

"Ge. Umalis ka na." Binitawan niya ang kamay ko at pumasok sa loob.

Ilang segundo pa ang lumipas nang matauhan ako. She left me dumbfounded. Agad akong nagtungo sa pinto at kumatok pero hindi niya ako sinasagot.

"My Eli, I'm so sorry," I uttered. "Papasukin mo na ako. I still have an hour left before I'll go to work."

"Bahala ka sa buhay mo!"

"Please? Open the door."

"Hindi mo siguro ako gusto kaya hindi mo na ako sinasamahan!"

"Can I go inside? Please?" malambing kong sabi.

"Napipilitan ka lang! Label nga hindi mo maibigay sa 'kin, quality time pa kaya?!"

"Hala siya?" I uttered. "Mag-usap nga tayo nang maayos, my Eli. Pakibuksan ng pinto."

Matapos ang ilang minutong katahimikan ay narinig ko ang pagpihit niya sa doorknob. Her jaw was clenching. She crossed her arms.

When The Flower Falls (Fitzmael 7)Where stories live. Discover now