19: Raincheck

36 3 0
                                    

"Are you okay? Are you hurt?" tanong ko sa kanya bago kami nakalapit sa rescue team. Sobrang lakas pa rin ng alon at ulan. I was just holding her gently, to protect her from getting hurt.

"Masakit ang likod ko," she said. She was looking at my eyes as tears slid down her face. "I was so scared to d-die... A-Akala ko kasi ay hindi lalakas ang alon kaya nagpatuloy lang ako. No'ng napansin kong medyo delikado na, s-sinubukan kong b-bumalik... p-pero huli na ang lahat."

I caressed her face. I was about to say something but someone caught my eye. Malapit na kami sa dalampasigan at kitang-kita ko ang lalaking puro kulay itim ang suot pati na ang dala niyang payong. His presence alone sent shivers on my body.

"Shit!"

Napatingin ako kay Jealrain na nakatingin din sa lalaking nasa dalampasigan. "D-Do you know that man?"

Bago niya pa ako masagot ay naunahan siyang magsalita ng matandang lalaki. "Anak," the old man stated. "Are you hurt?" His stoic face changed when he saw Jealrain in that state.

Tumayo ako at binuhat si Jealrain habang ang rescue team ay nagsilapitan upang tingnan kung okay lang ba siya. It took five minutes and they advised her to go to the hospital for further tests—to check if she was really fine.

"Anak... Jealrain..." muling pagtawag ng matandang lalaki sa kanya.

"I'm fine, Dad," she said then looked away.

"Let's go to the hospital."

"Okay lang ako."

"You're not sure about that."

"Jealrain!"

Napalingon kami kung saan nanggaling ang boses na 'yon. Nakita ko ang dalawang lalaking kasama ko kanina—si Kyler at Ari—na tumatakbong papalapit sa amin. Halata sa kanilang mga mukha ang pag-aalala.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Kyler habang sinusuri ang kanyang mga braso.

"May masakit ba sa 'yo? Nahihilo ka ba? Hindi ka naman mamamatay, 'di ba?" it was Ari's voice.

"Okay lang ako," maikling tugon ni Jealrain sa kanila saka niya ako tiningnan. "Uuwi muna ako, ah? Magbibihis lang ako tapos pupunta kaming hospital," aniya saka siya pilit na ngumiti. "Pipilitin naman nila akong tatlo na magpacheck-up."

"Plus me," I said, chuckling. "Pipilitin din kitang magpacheck-up."

"Ang mga lalaki talaga, sakit lamang sa ulo," she muttered then shook her head. "Maiwan ko na kayong apat." She walked away. Kaming apat ay nakatingin lamang sa kanya. Nang makalayo siya ay biglang tumikhim ang matandang lalaki dahilan nang pag tingin ko sa kanya.

"Your name?" he asked with his baritone voice. His jaw was clenching. Sobrang higpit din nang pagkakahawak niya sa kanyang payong.

I took all my courage to answer him. It was so cold and windy, plus the rain and big waves. "I'm Ren William Fitzmael, Sir."

The corner of his mouth turned up a little and formed a smirk. "You're not Lianna and Maxwell's son, are you?"

"Pamangkin po."

"Hmm..." Bumalik na naman sa normal niyang ekspresyon ang kanyang mukha. "Oh... Silly me. You're Hyacinth and William's son."

"How did you know po?"

Tumikhim siya saka niya tiningnan sina Kyler at Ari kaya agad silang nagpaalam at umalis. Ilang segundo ang lumipas ay tinanguan niya ako na para bang sinasabi niya sa 'kin na sundan ko siya dahil nagsimula na siyang maglakad pabalik ng resort. Mabuti naman dahil basang-basa na ako.

When The Flower Falls (Fitzmael 7)Where stories live. Discover now