Chapter 4

171 11 2
                                    

"DAY, what if kung si Diego nga ay si Third?" tanong ni Stephen sa kaniya habang papasok sila sa building. Nauna na silang dalawa sa pagbalik dahil may kinausap pa si Raffy pagkalabas nila kanina ng coffee shop.

She heaved a sigh. "Alam mo, hindi ko naiisip ang ganiyang klase ng theory."

Diego seems nice. Gentleman din ito at iba sa mga lalaking kilala niya na galawgaw kung kumilos. Kaya hindi niya lubos maisip ang hinuha rito ng kaibigan.

"What if lang naman, day. Ano ang gagawin mo kung tama nga ako?"

"Hindi ko alam! Okay?" Mariin siyang napapikit at nahilot pa ang sentido. "As long as walang masamang nangyayari ay wala akong gagawin. Besides, wala namang mali sa mga padala niyang qoute at greetings. Wala rin akong natatanggap na death threats."

"May point ka," anito habang binabagtas nila ang direksyon papunta sa elevator.

They even waited for a few minutes until the elevator opens. Naunang pumasok si Shen at sumunod naman si Stephen. The door was about to close nang may pumigil na kamay ro'n. Tila ginapangan siya ng libo-libong boltahe ng kuryente nang mapagsino iyon.

"Ay, Sir Ace! Good afternoon po!" Stephen exclaimed bago umatras para bigyang daan ang pumigil sa pagsara ng pinto.

Isang tipid na tango ang iginanti nito sa kanila bago pumasok sa loob. Gayon na lang ang pagtahip ng dibdib niya nang dumako ang tingin nito sa kaniya.

"Saan kayo?" tanong pa nito. Nakatalikod na ito sa kanila habang ang hintuturo ay nakaabang na sa panel board ng elevator.

"Second floor po, sir," sagot ni Stephen. Nilingon pa siya ng kaibigan at nakangisi itong nagtaas-baba ng kilay. Hindi niya maiwasng umirap sa itsura nito.

The silence was so deafening. Muli na naman niyang napagmasdan ang malapad nitong likod. Nakapamulsa lamang ang lalaki habang nakatingin sa pulang numero na nasa itaas.

Tumunog ang elevator at parang isang minuto lang ang naging biyahe nito paakyat sa second floor. Pagkabukas ng elevator ay agad siyang kinurot ni Stephen sa tagiliran. Napangiwi siya sa sakit.

"Mauna na po ako, sir," pagpapaalam pa nito sa kanilang boss na sinuklian naman ng huli ng isang tipid na ngiti. Pinandilatan pa ni Shen ng mga mata si Stephen nang kindatan siya nito.

Muli silang napag-isa ng boss sa elevator. He pressed the number four button pagkasara ng pinto at pakiramdam ni Shen ay napakabagal ng pag-andar ng elevator. Ito na yata ang pinakamabagal na takbo nito sa itinagal niya sa Brooch.

Muli, kaharap na naman niya ang pink sweatshirt nito. Pambabae ang pink pero mukhang naging mas masculine ang kulay na iyon dahil sa ito ang suot ng lalaki. His both hands were still on the pockets of its denim loose pants. She glanced to the floor only to see his black converse shoes that firmly pressed on the metal surface.

"Did you read the memo?" biglang tanong nito na nagpakislot sa kaniya. Masyado siyang nawili sa kakatingin sa likod nito.

"S-Sinabi po sa'kin ni Stella kanina," aniya at lihim na napabuntong hininga.

"Good," anito. "Meeting will be held at the conference room."

Napatango siya kahit na hindi naman ito kaharap. Kapagdaka'y nangunot ang noo niya sa sinabi nito. Sinabi na rin kasi iyon kanina sa kaniya ni Stella. Hindi pa naman siya ulyanin para makalimutan iyon.

Daig niya pa ang pumasa sa bar exam nang huminto ang elevator sa fourth floor. Hindi talaga siya kumportable kapag nasa malapit ang boss nila. Paano nga ba naman siya mapapakali? Eh, nahuli siya nitong nakatitig nang isang beses na magkasabay sila sa elevator. Nagbigay-daan naman ang lalaki at palabas na sana siya nang magsalita ito.

Love, ThirdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon