Chapter 23

121 9 2
                                    

NAHIHINTAKUTAN niyang naitulak ang lalaki at gayon na lamang ang bilis ng pagtahip ng kaniyang dibdib dahil sa itsura nito. Her hands were literally shaking! The romantic and gentleman Ace was gone as it was immediately replaced  by a playful side of his. His smile wasn't that charming anymore. Rather, his smile was the worst one she'd ever seen.

The sparkling light that she saw on the glass fence isn't actually a normal light. Her eyes widened when she turned her gaze to his hand, and there — a sharp-edged knife was drastically spinning in between of his fingers.

Napasinghap siya nang pagak na natawa ang lalaki. "A-Ano'ng gagawin mo sa'kin!?"

"Relax, Shen." Ace started to have a slow steps towards her. Napaatras siya sa ginagawa nitong paglapit. "I'm not going to do anything to you."

"A-Ace..."

Nagbabadya na ang mga luha sa mga mata niya nang titigan ang mukha nito. This is not the Ace that she liked. Ang kaninang pantasyang ginawa niya animo'y naglahong parang bula. At hindi na niya napigilan ang pagtakas ng mga luha niya. "A-Ano ba ang nangyayari sa'yo? B-Bitiwan mo na 'yan..."

"All my life, Shen. Wala akong ibang ginawa kung 'di ang mahalin ka," kalmadong sambit nito habang nananatili ang nakakakilabot na ngisi sa mga labi nito. "I still remember the first time I saw you. It was your first day at work. I was there when you had an orientation."

Kahit na ano'ng mangyari ay ayaw intindihin ni Shen ang mga sinasabi nito. Sa totoo lang, wala siyang maintindihan sa mga pinagsasasabi nito.

She's planning of her way out but the elevator was a bit far to reach. Kasabay ng patuloy na pagtugtog ng malamyos na musika ay ang pag-alpas ng mahihina niyang hikbi. Sa kagustuhan niyang takasan si Diego ay ito rin pala ang kahahantungan niya.

"But Spade sent me to Belgium," pagpapatuloy pa nito. "He wanted me to recover from my love for you. But baby, I don't want to."

"P-Pauwiin mo na lang ako. G-Gusto ko nang umuwi." Nagtaas-baba ang dibdib niya sa pag-iyak. Mas lalo lamang napaiyak si Shen nang mapagtantong dead-end na sa likuran niya. Taimtim siyang nanalangin sa isipan na sana ay may dumating na tulong.

Stephen...

Ngunit nahinto siya sa pag-atras nang huminto ang lalaki sa paghakbang. Nayakap niya ang sarili nang biglang tumalim ang mga tingin nito. "Uuwi ka na? Bakit? Hahanapin mo si Diego? Mas mahal mo ba siya kaysa sa akin!?"

Mariin siyang napapikit nang sumigaw ito. He's crazy! Lahat ng saya ay biglang naglaho sa dibdib niya. Yes! She saw love in his eyes when they're dancing earlier. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan pang humantong sa ganito ang lahat.

Kahit puno ng takot ang dibdib ay pinilit niyang kinalma ang sarili. She opened her eyes and wiped her tears. Nanginginig ang buong katawan niya habang naghahabol ng hininga. "I love you, Ace. P-Pero 'wag naman ganito. Pauwiin mo na ako, please..."

And in just a quick span of seconds, his mood changed. Bigla itong ngumisi na mas nagpatindig ng balahibo niya. "Gusto mong umuwi? Tumakbo ka."

"A-Ace..." Muli na naman siyang napaiyak. Her lips were trembling as she took a step backwards.

"Takbo!"

Wala na siyang sinayang na oras at agad na kumaripas ng takbo. Kulang na lang ay yakapin niya ang elevator nang makalapit siya ro'n. Ngunit kahit anong pindot ang gawin niya ay hindi iyon mabuksan. Napasigaw siya sa takot nang biglang tumama ang ibinato nitong kutsilyo malapit sa kaniya at tumama iyon sa pader. Wala na siyang nagawa kung 'di ang mag-iiyak nang mapatingin sa papalapit na si Ace.

Love, ThirdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon