Chapter 6

153 9 0
                                    

SHEN followed what Stephen told her earlier. Imbes na laptop ang kaharap ay andito siya — nakatunganga sa bintana ng kaniyang apartment. Gusto niyang tuktukan ang sarili kung bakit masyado siyang nagpapadala sa mga sinasabi ng kaibigan.





"Wala namang mawawala kung gagawin mo, 'di ba?"





Naalala niya pa ang sinabing iyon ni Stephen. The fact is, oras ang nawawala sa ginagawa niyang ito. Eh, 'di sana iyong presentation niya para bukas ang inaasikaso niya imbes ang maghintay ng magdo-doorbell sa gate.

Napasulyap siya sa hawak na cellphone. Lampas alas otso na ng gabi. Dati naman eksaktong alas otso ng gabi ay tutunog na ang doorbell niya. Pero noong nakaraan ay lampas na sa oras ito nag-doorbell. At kanina ay nagpadala naman ito ng wala sa oras.

She heaved a sigh as she shook her head. Walang kwenta naman itong ginagawa niya, sa isip-isip niya. Tumunog ang cellphone niya at nakitang tumatawag ang mama niya.

"Hello, Ma?" Tumayo siya at lumakad papunta sa couch saka naupo. "Kumusta na po?"

"Ayos lang naman kami, anak," anang mama niya sa kabilang linya. "Pinapatanong pala ng papa mo kung makakauwi ka ba sa makalawa? Alam mo naman 'yon, ayaw magpahanda sa birthday niya kapag wala ka."

Natawa siya sa tinuran ng ginang. "Opo naman, Ma! Makakauwi po ako."

Napasulyap siya sa kalendaryo na nakasabit sa dingding. Tamang-tama at weekend ang birthday ng papa niya. Halos dalawang buwan na rin ang nakararaan mula no'ng umuwi siya ng Nueva Ecija. She really missed her three siblings, especially her parents.

Hindi naman ganoong naghihirap ang pamilya niya. Ngunit gusto niyang kahit papaano ay umalwan ang buhay nila. Being a breadwinner, all she wanted was the best for her family. At kapag nakuha na niya ang promotion, mas malaki na ang mapapadala niya sa kaniyang pamilya.

"Ikaw ba, anak? Kumusta ka na? Kumakain ka naman ba ng maayos?"

"Opo, Ma! Kasama ko naman lagi si Stephen. Iyong friend ko po rito."

Her mother sighed in relief. "Mabuti pa ay isama mo siya rito sa birthday ng papa mo. Para makilala rin namin siya."

"Naku, for sure magugustuhan niyo po si Stephen."

"Maita! Si Shen ba 'yan?" narinig niya mula sa kabilang linya ang boses ng tatay niya. May katandaan na rin ang mga magulang niya, kaya naman ang naipundar niyang grocery store ang pinagkakaabalahan ng mga magulang niya.

"O, iyang tatay mo! Kunwari pang makikisali sa usapan, hayun! Lalabas na naman para makipag-inuman!" anang nanay niya na nahihinuha niyang napapakamot na naman sa ulo nito.

Hindi niya maiwasang matawa sa ginang. "Hayaan ninyo na po si tatay. Minsan lang naman siguro 'yan uminom."

Her mother groaned. "Minsan nga lang! Pero kung umuwi naman akala mo inubos ang lahat ng alak sa buong bayan sa kalasingan."

Hearing her parents arguing on something makes her wanting to go home. Masyado siyang nangungulila sa ingay ng pamilya niya.

They had some few chit chats before her mother ended the call. Nagsisimula na raw kasi ang sinusubaybayan nitong teleserye. Kasabay naman niyon ang pagtunog ng doorbell.

Nangunot ang kaniyang noo, at nang maalala ang inaabangan ay kumaripas siya ng takbo palabas ng apartment. There, she saw again a large pink paper bag. Biglang bumilis ang pagtahip ng dibdib niya at napakabigat ng bawat hakbang niya habang papalapit sa gate.

Nang makalapit ay hindi na muna niya hinawakan ang mga iyon. Bagkus ay lumabas siya ng gate saka nilibot ang tingin sa kalsadang may malamlam na liwanag galing sa street lights. Wala ng mga tao. Kung mayroon man ay ang mangilan-ngilan lamang na mga motorista.

Love, ThirdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon